CHAPTER 49

1.9K 64 3
                                    

CHAPTER 49 - GALEN THALES

Kara's POV

Pasok na sa eskwela. Papasok ako pero hindi na sa Empire Academies. Isa paring sikat na paaralan pero malayong malayo na sa dati kong buhay sa Empire

Siguradong dito ibang iba na. Napangiti nalang ako habang inaalala yung mga nangyari sakin sa Empire. That was the best experience ever.

"Your name, Miss?" napabaling ako sa Professor namin ng natuning nito ang pangalan ko

"Xy Kara Zalirous, sir" magalang na sagot ko rito. Ang totoo ay ayoko ng gamitin pa ang apilyedong ipinahiram sakin pero dahil ayoko ng mas lalo pang malungkot si Mommy at daddy kaya hinayaan ko nalang ito

Lumipas ang oras at nag handa na ako para sa pag labas ng school. Nung nag lalakad ako patungo sa gate ng school agad akong napangiti ng makita ko si Carrick na nag aantay sakin sa labas

Tuwing nakikita ko siya ay napapangiti ako. Buhay parin sakin yung alaala nung nag pakilala na siya sakin. Hindi na devil ang tawag ko sa kanya ngayon dahil alam ko na ang totoo niyang pangalan

Tumakbo ako patungo sa kanya saka siya niyakap. Isang linggo rin siya di nag pakita sakin

"How are you?" tanong nito sakin ng kumalas kami sa yakap.

"I'm fine. You?" malambing kong sabi saka ngumiti ng malaki. Ngumiti ito ng tipid at saka sinuklay ang buhok ko gamit ang kamay niya

"I got bored not having you around" seryosong sabi niya. Napatawa ako ng mahina. Namula kasi ito kaya napakamot siya sa batok niya

Pinag masdan ko lang siya. He looks more mature and handsome now. Biglang nawala sa katauhan niya yung batang nakita noon sa Eagles

"Totoo ba yan?" I teased him. Kunot noo niya akong tinignan. Ewan ko ba pero mas gumagwapo siya kapag napipikon siya.

"Oh yes, lady, If only I can be with you always" napangiti nanaman ako sa sinabi niya. Kung makapag salita talaga siya parang mas matanda ito sakin. Hindi rin kasi alam nila mommy na nag kikita kami ni Carrick. Sadyang gumagawa lang talaga ng paraan silang dalawa ni Hole para makita ako

"Ano namang ginawa niyo sa mga bantay ko ngayon?" natatawang tanong ko rito. Inakbayan niya ako at nag lakad kami papuntang sasakyan niya. Marami narin kasi silang ginawa para umalis ang mga bantay ko kakabantay sakin para makalapit sakin si Carrick

"Hole drugged them" simpleng sagot nito saka ako pinag buksan ng pinto. Nag kibit balikat nalang ako saka sumakay sa passengers seat. Siya naman ay umikot at sumakay rin

"Where do you want to eat?" tanong nito sakin saka ngumiti ng tipid.

"I'm craving for pasta" sagot ko rito

"Italian restaurant then" agad nitong pag sangayon. Ganito lagi ang ginagawa namin kahit nakakatakas ako sa mga bantay ko

Pinag masdan ko lang siya habang nag didrive siya. Nakatulong talaga sila Hole para madaling maka recover si Carrick sa nangyari sa Eagles Org.

Masakit alalahanin yung pagiging tulala ni Carrick nung siya ay nasa hospital pa lang. Pero ngayon parang wala lang yung nangyari sa kanya. Sana naging kasaling lakas rin niya ako

"Stop thinking while staring at me" napangiti ako sa pag susungit niya. Mukhang may nakuha rin siya sa ugali ni Hole

Nalaman kong kahit nung nasa loob palang sila ay nag uusap na silang dalawa. Plano talagang mailabas si Carrick pero pasalamat narin at dumating ang Empire para tuluyang mapabagsak ang Eagles

The QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon