I.
1 year later ...
'Wow. Ang sweet naman nila. Ang ganda nilang tignan! Perfect couple. Sana maging kasing-saya rin ako katulad ng babae. Nakakainggit.'
Bulong ni Eliza sa sarili habang nakaupo siya sa may bench at nakatingin sa dalawang magkasintahang nakaupo sa harap niya.
Nasa parke siya ngayon at dala ang mga gamit niyang pang-sketch.
Nakasanayan na ni Eliza ang magpunta sa parke habang ginagawa ang ilang kinahiligan niyang gawin, ang pagdo-drawing at pagpi-pinta.
Pinili niyang modelo sa pagpipinta ang magkasintahang pinagmamasdan niya kanina pa nakapwesto sa harapan niya.
Habang may nakasalpak na earphone sa dalawang niyang tainga, sinasabayan niya nang pag-indak sa pamamagitan ng mga paa, ang beat ng kantang pinakikinggan niya.
Si Ma. Eliza Pineda, ay kilala sa UP Los Banos dahil sa husay niyang magpinta. Lagi siyang napipili sa mga exhibit ng kanilang paaralan. Mahusay din siyang kumanta gaya ng kaniyang ama. Labing pitong taong gulang na siya at kumukuha ng kursong Fine Arts.
Habang nakikinig sa kaniyang hawak na mp3, isang kanta ang nagkapagpahinto sa ginagawa niya.
(At Multimedia)
'Maalala mo sana ako,
dahil noon pa man sayo lang nakalaan ang pag-ibig ko,
bawat sandali na ikaw ay kasama para bang di na tayo muling magkikita,
mula ngayon aaminin na sayo,
na mahal na mahal kita ahh.
Maalala mo sana ...'
Maya't maya pa ay may patak ng luha ang tumulo mula sa kaniyang mga mata.
Hindi niya alam kung bakit, pero sa tuwing naririnig niya ang kantang iyon, pakiramdam niya'y may nagbago, may naiwan, at may nawala. Tila ba'y may naghihintay at gustong kumausap sa kaniya. Hindi lang malaman kung saan o kung sino.
Madalas narin niya itong nararamdaman. Simula nang makalabas siya sa hospital, wala na siyang iba pang maalala sa nakaraan.
Nasabi lang ng mga magulang niya na wag na munang alalahanin pa ang nakaraan dahil hindi ito makabubuti sa kalagayan niya ngayon, hindi raw kasi naging maganda ang nangyari noon.
Mapa-hanggang sa ngayon, wala pa rin siyang alam kung ano ang nangyari bago siya maaksidente at kung bakit siya naaksidente.
Tanong na kailanman ay hindi sinagot ng mga magulang niya. At mukhang wala na itong balak na ipaalam pa.
Habang hawak ni Eliza ang brush na gamit niya kanina sa pagpinta, naalala niya ang sinabi ni Jerome sa kaniya.
*Flashback
Ilang araw pagkalabas niya ng hospital, nagpaalam sila kay Jerome.
Lilipat kasi ang pamilya nila sa Laguna dahil doon naka-destino ang Ama niyang Arkitekto.
Kapatid niya si Jerome. Ngunit hindi nila ito kasamang titira sa Laguna. Nagta-trabaho na kasi si Jerome sa Manila kaya nakatira siya sa bahay nila sa Manila.
'Kung may kailangan ka baby hah, tawagan mo lang ako o kaya puntahan mo ko dito. I love you'
Sambit nito at saka ginulo ang maikling buhok ni Eliza. Binigyan niya ito ng mabilisang paghalik sa pisngi.
Iniwagayway naman ni Jerome ang kamay niya, tanda ng pagpapaalam sa kapatid. Nagmamadaling pumasok ang magulang nito sa sasakyan habang hinihintay si Eliza na sumunod.
BINABASA MO ANG
My Missing Piece (COMPLETED)
Short StoryPaano mo hahanapin ang isang piraso sa buhay mo, kung hindi mo maalala kung nasaan mo ito huling iniwan? Paano dadalhin ng alaala ni Eliza ang kapirasong nasa tabi niya lang pala? - AYENGG.