III.
Hapon na nang gumising si Eliza. Wala kasi siyang pasok ngayon. Hindi rin naman siya obligado na pumasok dahil yung paaralan na pinapasukan niya ay puro tungkol lang sa kursong kinuha niya. Walang academics! Ayaw niya kasi ng mga ganun. Hindi naman dahil sa tamad siyang mag-aral, kundi dahil hindi naman ito magagamit sa kursong pinili niya at sa trabahong papasukan niya. Tanging pagpipinta lang ang hilig niya.
Mayroon parin naman siyang private tutor para sa mga academics, kaya hawak niya ngayon ang eskedyul niya.
Pababa na sana siya ng hagdan para sana makakain na siya. Pero may narinig siyang nag-uusap. Nagtago muna siya malapit sa hagdan para hindi siya makita ng mga ito.
"Ano? Out of country?! Business trip?!"
Gulat na sabi ng mommy niya. Bigla namang gumuhit ang malaking ngiti mula sa mukha ni Eliza.
"Oo honey. Kailangan kasi tayo doon. Masasayang yung client natin kung sakaling hindi tayo makapunta. Panigurado, malaki ang maiinvest nun sa business natin"
Sabi ng daddy niya. Mas na-excite si Eliza nang marinig iyon.
Alam niyang kumbinsido ang daddy niya sa mga business trip na ito, dahil dito lumalaki ang investments sa kumpanya nila.
"Hah? Eh paano si Eliza? Sino kasama niya dito? Isama kaya natin siya!"
Sabi ng mommy niya. Biglang kumunot ang noo ni Eliza sa narinig. Hinihintay niya ang sagot na manggagaling sa daddy niya.
"Honey. Two tickets are exactly for us. Pwede naman nating ipabantay kay Jerome si Eliza. One week lang naman iyon."
Malumanay na sinabi ng daddy niya. Nang marinig niya ang pangalan ng kuya niya, ay hindi niya mapigilang matuwa.
"Yes!" Masaya niyang saad.
Nagmadali naman siyang umayos at nagkunwaring kakababa lang ng hagdan.
"Goodmorning Mommy! Goodmorning Daddy!"
Masaya niyang bati sa kanila. Natatawa siya dahil sa ginawa niyang kabaliwan. Ang makinig sa usapan ng may usapan.
"I think there's something happened para maging masaya ang umaga ng baby ko."
Saka siya lumapit sa Daddy niya at yumakap. Kailangan niya kasing magpanggap na wala siyang narinig sa usapan nila. At na wala namang ibig sabihin ang panaginip niya kagabi.
"Wala lang daddy! Kasi kagabi nung natulog ulit ako, napanaginipan ko na sinuntok ko daw yung mga multong nanakot sakin."Tatawa-tawa niyang kwento sa daddy niya, pero talagang natatawa siya. Nakita rin niyang natawa ang mommy niya sa mga kwento siya.
"Haha. Okay. Eat your meal na. Ok?" Sabi ng mommy niya habang nililigpit ang pinagkainan nilang mag-asawa.
"Ok mommy. Hindi po ba kayo papasok ni daddy?" Tanong ni Eli.
Madalas kasi maaga palang pumapasok na sila sa trabaho kaya, nagtataka siya ngayon kung bakit hindi pa umaalis e malapit ng magtanghalian. Madalas ding umuwi ang mommy niya ng maaga. Kaya wala siyang panahon para takasan sila at pumunta si kuya jerome niya.
Pero ngayon, mukhang meron na.
"Hindi muna kami papasok ngayon anak, may mahalaga kasi tayong pag-uusapan" Sabi ng daddy niya habang umiinom parin ng kape. Tinabi niya muna ang diyaryong binabasa nito kanina pa.
"Tungkol saan dad?" Pagmamaang-maangan ni Eliza. Pero sa loob-loob niya gusto niyang magsaya. Gusto niyang sumigaw.
Alam niyang may kinalaman ito sa business trip nang parents niya na narinig lang niya kanina.
"Mayroon kasi kaming Business trip anak. Sa Singapore" Nanlaki bigla ang mata ni Eliza, nagulat siya.
Alam niyang aalis sila but couldn't imagine na out of country pala ang business trip na ito. Siguro naunahan siya ng saya kaya di niya gaanong narinig yung usapan. Alam niyang magtatagal sila doon kaya sobra siyang natutuwa.
"Isang linggo kami doon. Kasama ko ang Mama mo." Nagkunwarian siyang malungkot para maging makatotohanan ang pagpapanggap kuno niya.
"Kita muna honey. Sabi ko sayo eh, dapat maiwan nalang ako"
Nabigla si Eliza sa sinagot ng mommy niya. Gusto niya sanang sumensyas at sabihing "Hindi! Ok lang!"
"Hindi mommy, Ok lang. Mas mahalaga yang business natin" Nasa tono ni Eliza ang pagkakataranta pero hindi yun napansin ng mga magulang niya.
Kinakabahan siya dahil baka mawala yung pagkakataon niyang pumunta sa Manila. Desidido siya na pumunta doon at muling makausap ang kuya niya.
Naisip niyang dapat hindi na lang sana siya nagkunwaring malungkot. Lalo pa siyang kinabahan ng marinig niya ang boses ng daddy niya.
"Oh? Ok lang naman pala sa kanya honey eh. Dont worry baby. Kuya Jerome is coming here." Hindi niya napigilang hindi ngumiti.
"Really dad? I really missed kuya" Sabay subo dun sa pagkaing kakahanda lang kanina ng mommy.
Nakita naman niyang nagkatinginan ang magulang niya tapos nagngitian, tanda na siguro iyon na ayos na sa kanila ang ganung set-up.
"Oh dad! I forgot to ask. When do you leave?" Tanong niya.
Gusto kasi niyang agad-agad na itong umalis para makapunta na siya agad sa Manila.
"Tonight. Pagkadating ng Kuya mo. Is that will be okay?" As her father ask, she just nodded.
Na-eexcite na siya, ngayon palang. Gusto na niyang makita ang Man of her dreams. Hindi na niya mahintay pa na dumating ang kuya niya.
~~~~~~~~~
Sa kabilang banda.
Matapos ang Breaktime. Nagpunta na sila sa kani-kanilang silid.
Dumating na ang English Teacher nila Joshua. Pero bago ito magturo, mayroon siyang ipinapakilalang estudyante, maaaring transfer student ito.
"Ok class. I would like you to meet Miss Barbie Forteza, she will be your classmate on this subject. She is transferee, so be nice to her. Ok?" Pagpapakilala ng teacher nila.
"Yes madam" Sabay sabay na sagot ng ilan, habang ang ibang mga lalaki ay patuloy na nakatingin kay Barbie.
Joshua eyed on her too. Mukhang nagandahan ito kay Barbie kaya naman naging dahilan ito para ikatulala niya.
******
Uwian na at magkasama silang naglalakad ni Angeli.
"Ang ganda niya talaga" Patuloy na salaysay ni Joshua.
Kinwento kasi nito kay Angeli ang tungkol sa transfer student na magiging kaklase niya sa isang subject.
"Hala! Isusumbong kita kay Elizj!" Akmang susuntukin ni Angeli si Joshua pero agad din itong umiwas.
"Tama na nga yan!"
Inis na sinabi ni Joshua. Hanggat maaari kasi ayaw niyang marinig ang pangalan nito.
Kahit na umoo si Angeli sa sinabi ni Joshua dati tungkol kay Eliza, naisip parin niyang may sapat na dahilan ito kung bakit hanggang ngayon hindi parin siya hinahanap nito.
Gusto parin ni Angeli na si Eliza ang makatuluyan ni Joshua at si Barbie.
Hindi niya alam pero ayaw niya sa babaeng iyon. Para kasi sa kanya maarte at malandi itong si Barbie.
*****
Nakauwi na si Angeli sa bahay nila. Dumiretso siya agad sa kwarto niya.
Binalikan niya ang larawan nilang tatlo kung saan naandun ang dalawa niyang kaibigang sina Eliza at Joshua. Miss na miss na niya ang babaeng nasa larawan. Naiiyak siya dahil hanggang ngayon ay wala parin siyang balita kay Eliza.
Napaisip siyang bigla. Bukas na bukas ay pupunta siyang mag-isa sa park. Gusto niya munang mapag-isa. Gusto niyang isipin ang mga posibleng sagot sa mga tanong ni Joshua. Mabuti nalang at wala silang pasok bukas.
~~~~~~~~
Hope you guys are enjoy! Keep reading *U*
BINABASA MO ANG
My Missing Piece (COMPLETED)
Short StoryPaano mo hahanapin ang isang piraso sa buhay mo, kung hindi mo maalala kung nasaan mo ito huling iniwan? Paano dadalhin ng alaala ni Eliza ang kapirasong nasa tabi niya lang pala? - AYENGG.