II.
"Joshua?"
Rinig niyang boses mula sa kanilang kapitbahay. Nasa labas kasi ito at may kausap sa phone.
Binawale-wala lang niya iyon at pumasok na sa loob.
*****
"Ma! Pa! Bakit hindi niyo nalang muna kami pabayaan?! Babalik naman po ako agad! Tsaka isa pa, wala kaming kinalaman diyan sa business niyo!"
Habang hawak ni Eliza ang kamay ng isang lalaki na hindi niya gaanong makilala. Hindi niya ito maaninag.
May lakad sana silang dalawa matapos ang graduation ngunit pilit na pinipigilan siya ng magulang niya sa kasintahan nito.
"Ma! Pa! Hayaan niyo nalang sila! Nandiyan naman si Joshua"
Singit ng kuya niya habang patuloy na sumesenyas sa kanila na lumakad na.
"Manahimik ka! Ikaw, Eliza. Wag mong hahayaang kami pa ang gumawa ng paraan para hiwalayan mo yan!"
Tinuro nito si Jerome at patuloy na nagsalita ang tatay niya.
Pero bago pa man sila mapigilan ay tumakbo na sila.
Hindi alam nang magulang ni Eliza na may kasintahan pala ito. Kaya nang malaman ito ay hindi nila natanggap, hindi dahil sa bata pa ito kundi dahil isang Dionisio ang naging kasintahan nito.
Dionisio Corporation is their biggest rival in company business. And as much as they still control it, they don't want to get involve any of their childrens.
Biglang nag-iba ang eksena.
"Wag kang mag-alala babe. Nandito lang ako. Hindi kita iiwan. Pangako. I love you."
Joshua held her hand and kissed it softly.
******
"Aaahhhhh!" Sigaw ni Eli habang hawak niya ang ulo niya. Hindi niya alam kung ano ang masakit.
Kung ang ulo ba niya o ang puso niya.
Parang kahapon lang ay masayang-masaya siya, pero ngayon biglang nag-iba. Nasasaktan siya. Bagaman hindi pa malinaw ang lahat, alam na niyang may kinalaman ang mga magulang niya sa nangyayari sa kanya.
Bigla-biglang nakarinig siya ng pagkatok mula sa pintuan ng kaniyang kwarto.
"Anak! Ok lang ba dyan?! Ano na nangyari sayo huh!?" Pag-aalala ng mga magulang ni Eli sa kanya.
Bumukas ang pinto at agad na niyakap siya ng mommy niya.
"Mga sinungaling!" Ayan ang gusto niyang sabihin niya sa kanila.
Pero ayaw niyang magpadalos-dalos. Gusto niyang kumpirmahin kung totoo ba ang mga nasa panaginip niya. At isa lang talaga ang makakasagot nun, si Jerome mismo, ang kuya niya.
"Ok lang ako mommy. Nanaginip kasi ako na marami daw'ng multo"
Pagkukunwari niya. Hindi niya kasi pwedeng sabihin ang totoo, lalo na't sila ang puno't dulo nito.
"Ahh. Ganun ba? Gusto mo samahan ka nalang ni Mommy dito ha?"
Natakot siya bigla. Malamang na naisip nito na baka maaaring bumalik na ang alala niya at muli silang kamuhian nito.
"Wag na Mommy. Ok lang po ako. And besides, Im a big girl na" Pagsasalita niya sa kanila. Hindi rin naman kasi maatim ni Eli na makasama ang mga taong dahilan nang pagkabura ng memorya niya.
~~~~~~~~
KINABUKASAN. Sa kabilang lugar.
"Aaaahhhhhh!" Nag-iinat na nakahigang si Joshua.
BINABASA MO ANG
My Missing Piece (COMPLETED)
Short StoryPaano mo hahanapin ang isang piraso sa buhay mo, kung hindi mo maalala kung nasaan mo ito huling iniwan? Paano dadalhin ng alaala ni Eliza ang kapirasong nasa tabi niya lang pala? - AYENGG.