VI.
"Sino ka?" Naguguluhang tanong ni Liza kay Angel.
Sobrang nagulat si Angel sa tanong ni Liza dahilan para takpan niya ng kamay ang bibig. Hindi niya alam ang isasagot niya, pero doon pa lang nasagot na niya ang matagal ng tanong ni Joshua tungkol kay Liza.
Muli niyang niyakap ang kaibigan at halos mangiyak-mangiyak ulit siya dahil sa sobrang saya. Talagang miss na miss na niya ito. Pero sinagot niya ng tanong, ang tanong sa kaniya ng kaibigan.
"Talaga bang *sniff* hindi muna ko *sniff* maalala?"
Sinagot siya ni Liza sa pamamagitan ng pagtango ng ulo.
"Teka. Ito, baka maalala mo!"Sinubukan ni Angel'ng kumembot gaya nang ginagawa nila dati ni Liza kapag sumasayaw at nagbibiruan sila. Kembot na nagpatawa naman sa kaniyang mahal na kaibigan.
Napapangiti siya dahil nakita rin niya ang ngiting matagal na niyang hinahanap hanap. Pero nalulungkot siya dahil hindi siya maalala nito.
"Ahh! Eto!"
Sigaw ni Angeli hudyat na meron pang kasunod ang pagsayaw niya kanina. Talagang gagawin niya ang lahat, maalala lang siya ng kaibigan.
"Ganito tayo magshakehands kapag nagkikita tayo dati." Masayang denemonstrate ni Angeli ang bff-shakehands nila dati ni Liza pero wala parin itong epekto.
"Hindi parin? Aissh! Teka Eto. Theme song natin toh"
Tumayo siya nang maayos saka humarap kay Liza, na ngayon ay nakatingin lang sa kanya.
Nagkunwari siyang may hawak na microphone at saka nagsimulang kumanta.
"I'll make a wish for you
And hope it will come true
That life will just be kind"
Hininto na ni Angelie ang pagkanta nang makita niyang naluluha na ang bestfriend niya.
"Bestfriend?"
Pagdamay niya sa kaibigan, na hindi niya alam kung natatandaan na ba siya nito.
Ikinagulat niya ang biglang pagyakap nito sa kanya.
Nakaramdam siya nang ginhawa. saya. tuwa. galak. o anu pa mang salita na makakapagpaliwanag sa nararamdaman niya. Sobra talaga siyang masaya. Mas ikinagulat niya ang pagtawag nito sa kanya.
"Bestfriend"
Mangiyak-ngiyak na sinabi ni Liza sa kanya.
"Sorry *sniff* Sorry kung *sniff* hindi kita maalala"
Bigla siyang nalungkot. Hindi parin pala siya maalala nito. Pero muling nagpatuloy si Liza sa pagsasalita.
"Pero pwede mo ba kong tulungan na maalala ka? Na maalala ang lahat ng pinagsamahan natin?"
Napangiti siya tuwa. Kahit sa ganoong pakiusap lang, biglang bumalik ang saya na naramdaman niya kanina lang.
"Bakit hindi? Tss. Tagal mo na ring hindi nagpakita noh! Dami muna tuloy utang, nilista ko na"
Biro niya kay Liza. Muli pa, ay nagkayakapan sila.
Hindi alam ni Angeli ang nararamdaman niya ngayon. Pero isa lang ang tangi niyang inisip.
"Maghintay ka na Joshua Dionisio"
Bigla siyang nag-smirk, na nakita naman ni Eliza.
"Teka! Bestfriend ba talaga kita? Bakit ka nag-smirk? May balak ka sakin noh?"
Nagulantang siya. Hindi niya alam kung totoo ba ang inaakto nito o nagbibiro lang siya.
Kasi kung oo, patay na. Baka akalain nitong niloloko lang ni Angel.
"Ahh! Behlaaat" Saka pa ito dumila. Lalo siyang nagulantang nang marinig ang sinabi nito.
"Teka! Naalala mo na ko?!"
Masayang tanong ni Angeli kay Eliza.
"Huh? Bakit?"
Unti nalang talaga at masasapok na siya ni Angeli. Hindi kasi talaga alam ni Angeli kung nakaaalala na ito, o hindi. Medyo naiinis na siya. Iniisip niyang baka niloloko lang siya ni Eliza.
"Eh! Ayun lagi mong sinasabi sakin kapag pinagtritripan mo ko eh. Pinaglololoko mo ata ko. Tss! Naaalala mo ko eh"
Pilit niyang pinapaamin si Liza. May ugali kasing ganyan si Liza kaya nanghinala siya.
"Sorry. Hindi ko alam! Wala talaga akong maalala. Naaksidente kasi ako dati eh"
Sagot ni Eliza na medyo ikinalungkot ng mukha niya.
"Oo. Alam ko."
Tugon ni Angeli. Pero bigla rin siyang nagulat sa sinabi niya. Ayaw niya munang i-open ang topic na toh dahil panigurado kay Joshua ang tungo nito.
"Paano mo nalaman?"
Takang tanong ni Eliza. Mabuti nalang kamo ay may nakita si Angeli, dahilan para mawala sa isipan ni Eliza ang topic na yun.
"Teka. Si Kuya Jerome yun oh!"
Sabay turo niya sa lalaking tila kanina pa paikot-ikot sa kakahanap.
"Kuya Jerome!"
Sigaw ni Eliza sa kuya niya, na ikinalingon naman nito.
"Kilala mo pala kuya ko?"Nagtatakang tanong ni Eliza. Bigla namang natawa si Angeli.
"Hahaha! Bestfriend nga kasi kita! Kulit mo. Ayaw pa maniwala!"
Ngumiti naman si Eliza. May proweba na siya para hindi na niya panghinalaan pang muli si Angel.
Lumapit naman sa kanila si Jerome. Pero paglapit niya, kita nila sa mukha nito ang bakas ng pagtataka.
"Bakit ganyan mukha mo kuya? Namiss mo ba ko?"
Tanong ni Angeli. Siniko pa nga niya si Jerome para sumagot.
"Tse! Bakit nandito kang batuta ka? Sinong kasama mo?"
Tanong ni Jerome kay Angeli na halos inilibot na ang mga mata niya para makumpirma na mayroon talaga itong kasama.
"WALA akong kasama kuya kundi ang BESTFRIEND ko. Diba Eliza?"
Pagdidiin ni Angeli. Alam niya naman kasing si Joshua ang hinahanap nito, kaya sinagot na niya ang tanong nito nang hindi mahahalata ng kaibigan.
"Ok mabuti. Teka baby, naalala mo ba yang babaeng yan? Ayan yung laging umuubos ng ulam natin."
Sambit ni Jerome. Muli ay inakbayan niya ang kapatid nito.
"Hindi pa kuya. Pero ramdam kong bestfriend ko nga talaga siya"
Sagot ni Eliza na ikinaliwanag naman ng mukha ni Angeli.
"Talaga bestfriend? Sabi mo yan ha! Naku! Sarap mong iuntog uli para maalala mo lahat"
Pagbibiro ni Angeli. Tumawa naman silang tatlo. Namiss niya talaga ang babaeng bestfriend niya! Gigil na gigil niyang niyakap ito.
"Bestfriend! Wag ka ng aalis ha"
Masayang sinabi ni Angeli na halos ikinasigaw niya. Buti nalang at hindi siya pinatinginan ng mga tao doon.
"Aalis na ko next week."
Malungkot na sagot ni Eliza. Alam niyang mahirap ito. Ang muling iwan ang mga taong kahapon lang ay gusto niyang maalala.
At isa na doon ang bestfriend niya.
~~~~~~
KYAAA! WHAT THE FOX SAY? *AWOOOO* AKALA NIYO *TING *TING *TING NOH? (OK. ANG O.A.) HAHAHAHA!
BINABASA MO ANG
My Missing Piece (COMPLETED)
Short StoryPaano mo hahanapin ang isang piraso sa buhay mo, kung hindi mo maalala kung nasaan mo ito huling iniwan? Paano dadalhin ng alaala ni Eliza ang kapirasong nasa tabi niya lang pala? - AYENGG.