V.
Nakangiting gumising si Eliza.
Akala niya sa umagang iyon ay masusurpresa siya, pero kabaligtaran ang nangyari nito.
Nagtataka siyang inilibot ang buong kwarto niya. Halos wala itong laman! Tanging ang kama lamang nito at ang kabinet ang siyang naiwan doon.
Agad siyang bumaba sa sala para tanungin ang kuya niya. Noong una, ay naliligaw siya. Hindi naman sa dahil sa mala-mansyon ang bahay nila, pero may kalakihan kasi ito at hindi niya kabisado ang paparoot parito ng silid.
Napadpad siya sa sala nila. Doon, nakita niya ang family picture at mga solo pictures nila. Naghahanap siya ng iba pang pictures, pero tanging ayun lamang ang nahagilap niya.
Biguan siyang nagtungo sa kusina. Wala rin doon ang kuya niya pero mayroon siyang napansing papel na nakadikit sa ref nila. Isa itong sticky note, na may nakasulat:
Goodmorning baby, alis lang ako saglit ha. Wag kang lalabas! Kumain ka narin diyan. Babalik ako agad! Mwaa :-*
Napangiti siya nang mabasa niya ang notang iyon. Naghalughog si Eliza sa ref nang makakain, pero agad niya namang nakita ang mga nakatakip na pagkain sa lamesa. Kinain niya ang mga iyon at saka hinugasahan.
Napansin ni Eliza na wala palang kasama ang kuya niya rito. Kaya nakaramdam siya ng pagkaawa. Nang dahil sa ugali ng mga magulang nila, naging ganito ang kalagayan ng kuya niya.
Bawat silid sa itaas ay sinuri niya. Halos wala siyang makitang gamit na pwedeng makapag-alaala sa kaniya. Tila‘y nilinis na ito ng mga magulang niya bago pa lamang siya umuwi galing hospital.
Gusto niyang umalis, maglakad-lakad o lumibot. Pero paano? Hindi niya naman kabisado sa Manila.
Pumanhik si Eliza sa kwarto niya at naligo. Nilaro-laro niya pa ang mga bula para lang aliwin ang sarili niya, pero nagtapos rin ito sa wala. Nagbihis na siya. Nagmini-skirt siya at tsaka nagblouse seeing her puson. Nilugay niya ang wavy nitong buhok na abot sa kaniyang dibdib.
Naglalakad-lakad siya sa harap lamang ng bahay nila. Dala niya ang cellphone niya at mp3. Vinivideohan niya ang dinadaanan niya para kung sakaling maligaw siya, alam niyang umuwi mag-isa.
Hindi niya namalayan na nasa park na pala siya. Tuwang-tuwa siya habang inililibot ang paningin sa kabuuan nang parke. Mas malaki ito kaysa sa lugar nila.
May nakita siyang mga playground, at dun sa playground na yun ay may dalawang duyan.
Doon sa isang duyan ay may nakita siyang babae, maputi at may kahabaan ang buhok nito. Hindi niya makita ang mukha nito dahil nakatungo ito at may hawak hawak na bracelet.
Hindi niya nalang ito pinansin pa.
Umupo siya sa kabilang duyan at saka muling isinaksak ang dalawang earphone sa tainga niya.
NP: Remember me this way
(At multimedia >>>>>>>)
"Every now and then
We find a special friend
Who never lets us down
Who understands it all
Reaches out each time we fall
You're the best friend that I've found
I know you can't stay
A part of you will never ever go away
Your heart will stay"
Pikit-matang sinasabayan ni Eliza ang kantang tumutugtog mula sa hawak niyang mp3 habang dumuduyan duyan siya.
"I'll make a wish for you
And hope it will come true
That life would just be kind
To such a gentle mind
If you lose your way
Think back on yesterday
Remember me this way
Remember me this way"
Gandang-ganda siya sa kantang ito. Feeling niya, marami siyang kaibigan noon pero dahil sa mga magulang niya, nawala ang lahat.
Nawala ang mga kaibigan niya dahil hindi na niya ito maalala. Kahit pa ang bestfriend, kung meron man siya nun, ay hindi niya din maalala.
Sa kantang iyon, nararamdaman niyang may matalik na kaibigan siyang naghihintay. Ramdam niyang malapit na niya maalala ang lahat dahil nasa Maynila na siya. Pero ipinapanalangin niya na sana lang ay matapos ito sa loob ng isang linggo.
"And I'll be right behind your shoulder
watching you
I'll be standing by your side
with all you do
And I won't ever leave
As long as you believe
You just believe"
Natapos na ang kanta, may biglang pumatak na luha mula sa kaniyang mga mata.
Nasasaktan siya, pero hindi niya alam ang dahilan. Kung ito ba ay dahil sa hindi niya maalala ang mga kaibigan, o dahil sa ang mga magulang niya ang dahilan kung bakit ngayon ay wala parin siyang maalala.
Tumayo na siya mula sa duyan. Naglalakad na siya paalis na nang park, nang biglang may yumakap sa kanya. Nagulat si Eliza.
Naramdaman niyang babae ang yumayakap sa kanya at umiiyak ito habang sinasabi ang mga katagang:
‘BFF! MISS NA MISS NA KITA‘
Sa lakas ng kabog sa puso ni Eli, ang kataga lamang ito ang tangi niyang narinig at wala ng iba.
*Dug* *Dug* *Dug* *Dug*
Lalong lumakas ang tibok ng puso ni Eliza. Nilingunan niya ang babaeng ito. Nagulat siya nang makita niya na iyon yung babaeng katabi niya sa duyan kanina. Natakot siya bigla at lalong kinabahan sa di malaman na dahilan.
‘Sino ka?‘
Nalilitong tanong ni Eliza.
~~~~~~~
HAHAHA! YES *U* TAPOS NARIN ANG CHAPTER NA TOH :) COM.VO!
BINABASA MO ANG
My Missing Piece (COMPLETED)
Short StoryPaano mo hahanapin ang isang piraso sa buhay mo, kung hindi mo maalala kung nasaan mo ito huling iniwan? Paano dadalhin ng alaala ni Eliza ang kapirasong nasa tabi niya lang pala? - AYENGG.