Hi. Hahaha! Alam kong medyo mabilis ang pangyayari dahil talagang minadali ko ito dahil gusto kong makabuo.
~~~~~
Nang gabing iyon, hindi alam ni Eliza na nagbalik na pala ang mga alaala ni Joshua sa ganoong sitwasyon pa mismo. Ganoong ganoon din ang mga pangyayari sa panaginip ni Eliza nang malaman niyang may kinalaman ang mga magulang nito sa insidenteng naganap noon.
Umalis silang dalawa ni Joshua at nagtungo sa isang lugar kung saan walang makakakilala sa kanila. Nagsama sila sa iisang bahay, sa edad na labing-walo.
Nagdaan ang ilang taon, at sa edad na bente-tres ay nagpakasal sila. Sa mga taong iyon, wala silang balita mula sa mga taong iniwan nila.
Mula sa pamilya ni Eliza, sa pamilya ni Joshua, maski ang kaibigan nilang si Angeli ay wala rin silang balita. Tuluyan na nilang kinalimutan ang mga taong malapit sa kanila.
Si Engr. Joshua Dionisio, isa na siyang magaling na Architect sa lugar nila. At ang asawa niyang si Eliza Pineda, ay isa nang magaling na pintor. Nanirahan sila sa lugar na malayo sa pamilya nila.
"Babe. Namimiss ko na si Kuya Jerome"
Malungkot na salaysay ni Eliza sa asawa niya na ngayon ay katabi niyang nakahiga.
Tinignan siya ng asawa niya at hinalikan siya nito sa noo. Mahal na mahal niya si Joshua at mahal siya nito pero kahit papano naiisip parin ni Eliza kung ano ang nangyari pagkaalis nila.
"Uuwi tayo bukas. Ok?"
Nakaramdam siya nang galak. Galak na makikita niya na ulit ang pamilyang iniwan niya.
May lakas-loob na silang magpakita sa kanila dahil alam nilang hindi na nila sila mapaghihiwalay pa. Kasal na sila at wala ng makapagbabago pa doon.
******
Nandito sila ngayon sa tapat ng bahay nila Eliza. Nagtataka sila kung bakit maraming nakaparkeng sasakyan sa garahe nila.
Nakaramdam si Eliza ng kaba. Alam niyang may hindi tama. Bakas sa mukha niya ang takot, takot na baka kung anong meron na nangyayari sa loob.
Bumaba na sila sa kotse. Pero nagmistulan siyang parang istatwa dahil hindi na muling naglakad pa ang mga paa niya nang makita ang hindi inaasahan.
Maraming tao at halos lahat sila ay nakaitim. Ayaw niyang isipin. Ayaw tanggapin ng utak niya ang mga pangyayaring nakikita niya ngayon sa harap. Inalalayan siya ng kaniyang asawa papasok sa bahay nila.
"Babe. Magpakatatag ka."
Sa boses ng kaniyang asawa at sa sinabi nito, ay biglang-biglang bumuhos ang kaniyang mga mata. Hindi niya alam pero tanging bigat lang sa puso ang nararamdaman niya.
Habang papalapit siya, nakita niya ang kuya niyang nakangiti sa kanya. Pero sa ngiting iyon, lungkot ang tanging nadama niya.
"Bakit? Bakit siya pa?! KUYAAA!"
Hindi niya mapigilang humagulgol habang nakikita ang litrato ng kuya niya sa harap ng bahay nila.
Ang kuya niya lang ang naging dahilan kung bakit gusto niya ng umuwi sa kanila. Pero ano ang naging resulta? Sobrang bait sa kanya ng kuya niya pero hanggang ngayon hindi parin siya nakakapagpasalamat. Sa lahat ng itinulong nito, sa lahat ng ginawa nito sa kanya, bakit ito pa ang naging kabayaran sa kaniya?
Napansin niyang nilapitan siya ng dalawang mag-asawa na may edad na.
"Namiss kana raw niya kaya hinanap ka niya, kaso bigla nalang siyang naaksidente."
Mangiyak-ngiyak na tugon ng matandang babae.
"Bakit hindi mo ko hinintay dito kuya?!! Miss na miss narin kita!!!"
~~~~~~
Minsan may mga pagkakataon talaga na hindi natin inaasahan, akala natin yung mga kasama natin noon ay patuloy na makakasama parin natin ngayon.
Lahat tayo ay may katapusan, batid nating lahat na tayo ay mamamatay. Pero hindi natin alam kung kailan. Kung kailan tayo mawawala sa mga taong mahal natin, sa mga taong naging tanging sandalan natin at pinagkatiwalaan natin sa mga panahong wala kang makasama.
Literal ba natin silang iiwanan? Oo. Pero ang mga taong iniwan tayo, hanggang ngayon nasa puso't isipan parin natin sila.
Mawala man ang ating alaala, hindi naman nabubura ang laman ng ating mga puso. Makikilala at makikilala natin ang mga taong tumagos sa ating mga puso.
~~~~~~
Hindi talaga si Joshua ang nawala sa buhay ni Eliza, hindi din ito ang kapiraso na nawawala sa kwento na ito.
Kundi si Jerome. Ang matalik niyang kaibigan, kasangga at kakampi.
WAKAS.
BINABASA MO ANG
My Missing Piece (COMPLETED)
Short StoryPaano mo hahanapin ang isang piraso sa buhay mo, kung hindi mo maalala kung nasaan mo ito huling iniwan? Paano dadalhin ng alaala ni Eliza ang kapirasong nasa tabi niya lang pala? - AYENGG.