Precious Key.

206 12 5
                                    

VII.

Nasa bahay nila Eliza si Angeli ngayon. Dito raw ito matutulog dahil namiss niya ito nang sobra. Pumayag naman si Jerome dahil weekend naman kinabukasan.

7pm. FRIDAY

Nasa kwarto na silang dalawa ni Angeli ngayon. Eto na ang pagkakataon para makapag-usap sila dahil halos taon na ang itinagal nang huli silang magkita. May kalakihan naman ang kama ni Liza kaya kasya silang dalawa.

Nakahiga sila habang nakatingin sa kisame ng kwarto niya. Bukas ang ilaw kaya nakikita nila ang mukha ng isa't isa. Tila‘y nagkakahiyaan pa sila at naghihintayan na magsalita.

"Ikaw munang magkwento bestfriend"

Pangunguna ni Angeli. Mas marami kasi siyang ikukwento rito kaya tama lang na siya ang mahuli.

"Ano kaya ikukwento ko?"

Balik na tanong ni Eliza sa kanya.

Wala naman kasi siyang maikwento dahil wala namang nangyaring maganda sa kanya, sa loob ng ilang buwan nabuhay siya ng walang alam sa nakaraan. Kaya ano pa ang ikukwento niya? Muli siyang nagsalita.

"Wala naman akong maikwento"

Sabay lingon ni Eliza kay Angeli na parang sinasabing ikaw-na-lang-magkwento.

Nakuha naman ni Angeli ang tingin na iyon kaya nagsimula na siyang magsalita.

"Mukhang unti lang ikukwento ko sayo, mula nung magkakilala tayo hanggang sa magkita ulit tayo. Ayun lang siguro noh?"

Natawa silang pareho sa mga salitang binitawan ni Angeli.

Tatlong taon na kasi silang magbestfriend at dahil sa walang maalala si Eliza, paniguradong marami siyang ikukwento na maaari namang magpaalala kay Eliza. Hindi nga nito alam kung saan magsisimula.

"Teka. Ganito nalang, magtanong ka tapos sasagutin ko kapag alam ko."

Nagliwanag ang mga mata ni Eliza, Nagustuhan niya ang ganung set-up ng kwentuhan nila.

Umupo si Eliza para mas maging maganda ang pagkakadeliver ng mga salitang bibigkasin niya, sinundan naman ito ni Angeli.

"Osige. Hmm. Paano ba tayo nagkakilala? At naging magbestfriend?"

Muli siyang napangiti ng itanong niya iyon. Pakiramdam niya'y unti-unti na niyang maalala ang nakaraan.

" *cleared throat* Maraming salamat sa magandang tanong na ibinigay mo sa akin *smile*"

Umaktong pang-miss-universe si Angeli na kasalukuyang nasa question-and-answer portion daw kuno.

"Una sa lahat, gusto ko munang batiin ka nang magandang gabi at maligayang pagdating"

Natatawa naman si Eliza sa pinaggagagawa nang kaibigan.

"Paano tayo nagkakilala? Simple lang ang sagot diyan. Ayun yung araw na marami pang nambubully sakin. Nerdy look kasi ako noon at tanging ikaw lang ang naglakas loob na lumapit sakin, kahit na pinagtatawanan kana nang mga kaibigan mo dati. Mas pinili mo parin na kaibiganin ako at dahil dun dapat kang i-clap-clap"

Bakas kay Angeli ang kalungkutan nang ikwento niya ang mga panahon na binubully pa siya. Pero nang banggitin niya ang mga huling pangungusap, agad siyang pumalakpak.

"Naging magbestfriend tayo noong foundation day, February 27 yun at wala akong kasama noon. Iniwan mo yung mga kaibigan mo na bumubully sakin at sinamahan mo ko. Hindi narin tayo umattend nang foundation nun kasi sabi mo boring. Kaya umuwi nalang tayo dito sa bahay niyo, at dito mo rin ako sinimulang ayusan. Diyan. Diyan nakalagay ang mga pang-ayos mo noon, sa may Closet room mo. Nakita mu na ba yan?"

Nagtaka si Eliza dahil tanging pintuang sarado lang ang nakikita niya doon.

Binigyan ni Eliza si Angeli nang hindi-pa-look, kaya agad na tumayo si Angeli.

Sinubukang buksan ni Angeli ang pinto, ngunit sarado ito.

Nadisappoint naman si Eliza nang bahagya dahil sa pagkakataong iyon, gusto rin niyang makita ang kwarto na iyon.

Pero agad na nagliwanag ang mukha ni Eliza nang biglang sumigaw si Angeli kasabay nito ang pag-angat ng kanang kamay niya.

"Hiramin mo kay Kuya Jerome!"

Agad namang tumango si Eliza at saka tumakbo pababa.

Sa sala, nakita niya ang kuya niyang nanonood ng NBA sa studio23. Nilapitan niya ito at saka tumabi sa sofa, kung saan ito nakaupo.

"Kuya, may susi ka ba ng closet room ko?"

Doon, makikitang busy ang kuya niya sa panonood ng tv kaya kahit ang magsalita ay hindi nito nagawa. Itinuro lang niya ang kamay niya sa direksyon kung saan makikita ang napakaraming susing nakasabit.

"Ehhh! Saan dito kuya?!"

Inis na sabi ni Eliza. Ito ang unang beses na nainis siya sa kuya niya dahil hindi ito makausap ng maayos.

Muli pa siyang sumigaw.

"Kuyaaaaaaaa!!"

"Ang ingay mo Baby!"

Inis na sinabi ng kuya niya. Doon niya nalaman na ayaw pala niton naiistorbo sa panonood.

Kinuha ni Eliza ang lahat ng susi at saka muling nagsalita.

"Salamat kuya. Hindi mo ko pinahirapang maghanap!"

Agad naman siyang nakabalik sa kwarto niya. Nakita niyang nakahiga na si Angeli at nakapikit.

"Angel! Wag ka munang matulog!"

Alam niyang napagod ang kaibigan niya pero ayaw naman niyang palampasin ang pagkakataong ito. Gusto niyang makita ang closet room, hindi nga niya alam kung bakit eh.

Nagising si Angeli sa tawag ni Eli, kaya agad itong umayos ng upo.

"Natutulog ba ko? Iniisip ko lang kung nasaan yung susi ng pinto, Ano nakita mo na ba?"

Kumunot ang noo ni Eliz, alam niyang natutulog ito ngunit nagpalusot lang ang kaibigan.

Pero natawa siya nang makita ang reaksyon ng mukha ni Angeli, pagkabigay niya ng susi.

"Ano toh?!"

Halos mapasigaw si Angeli sa nakita niya. Nagulat siya dahil sa dami ng susing binigay sa kaniya. Tawang-tawa talaga siya sa reaksyon nito.

"Wag mo kong tawanan! Hindi kita tutulungan."

Agad na binawi ni Eliza ang tawa niya at muli itong nagseryoso.

"Umpisahan na natin!"

Pagyayaya ni Eliza sa kaibigan na ngayon ay halatang gulat parin.

Sinubukan nilang umpisahan ang mga susi na tig-iisa. Nakabente na sila, ngunit wala parin. Isinunod nila ang tigta-tatlo, ngunit bigo parin. Maraming susi na silang sinubukan pero wala parin. Iisang chain nalang ang naiiwan at sampu ang susi doon.

Nagulantang silang dalawa ng makita ang keychain ng huling chain, dun sa chain na pinagmumulan ng sampung susi may nakasulat na 'Eli'.

Hindi na sila nagreact pa, at sinubukan na nilang isusi ito. At sa pangalawang susi, agad na nagbukas ang pinto ng closet room.

Pagkabukas ng ilaw. Gulat silang dalawa nang makita ang laman nito. Nagmistulang bodega ang closet room na ito, dahil sa gamit na nakatambak doon.

Naiiyak na lumapit si Eliza sa mga gamit niya noon. Nakita niya ang mga paintings na halos kapareha ng mga pinipinta niya ngayon. Mga damit, displays and furnitures.

Pero isang litrato na nakalagay sa frame, ang lalong nagpaluha sa kanya. At sa litratong iyon, nandun si Angeli. Ang bestfriend niya.

Pero may isang bagay na pinagtaka niya.

"Sino ang lalaking to?" Tanong niya

-----

My Missing Piece (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon