Kalibugan - este Kabilugan

4.9K 23 6
                                    

"Ano tol kanina ka pa parang patay dyan" puna ni Kiko Man pagka-pasok. Inihagis nito ang mga gamit sa kanyang kama. Naka-tira ito sa pangalawang palapag ng double-deck na bed sa gilid ng kwarto. Naroon lahat ng malalaswang magazine, sira-sirang gitara at ang malaking supot ng labada.

   Hindi ko rin naman masyadong pinansin ang mga ito. Si kuya Toots man o si Kiko Man. Malabo parin para sakin ang lahat. Parang ang hirap paniwalaan. 

  Bigla nalang sa mga sumunod na saglit, napuna kong ipinag-sasara ko na ang bintana ng silid.

"Hoy! Ang init o! Ba't mo isasara yan?" Puna naman ni kuya Toots sa kalagitnaan ng pagtatanggal niya ng sapatos.

"H-hindi ko alam. Pero...parang...para kasing..." tulala ako. Wala paring rumerehistrong matinong imahe ng taeng nakita ko kanina.

"Parang ano? Nakakita ka ng multo? Ulol! Siyudad to, syudad. Umayos ka nga!"

     Paano ko nga ba sila makukumbinsi? Pano kung pati utak ko hindi parin makapaniwala sa mga nakita mismo ng mga mata ko? 

   Tulala parin na parang nabuhusan ng nagyeyelong tubig - sinubukan kong dumungaw sa bintana...

"Pst! Huy!" Hampas sakin ni Kuya Toots ng maruming pinagpalitan niya.

"Di bale na nga!" 

   Buktot akong napatulon patungo saking kama - swerte namang  hindi natapat sa bintana at naka-hilera sa malayong pader, sabay talukbong ng kumot na amoy lumot na. 

  Nagpaikot-ikot akong parang turumpo. Pero ayaw akong dalawin ng antok. Ayaw paring matanggal ng hinayupak na pusa mula sa isip ko. Ano nga ba talagang nangyari sakin kanina? Ba't bigla akong nanigas at naparalisa?

  At ano yung nakita ko?

 Pilit kong ibinalik ang isip sa kaninay magandang tanawin sa labas..ang mga ila, ang mga gusali at ang itim na pusa.  

  At ang taeng lumilipad...Parang bangungot na nagbalik ako sa mga sandaling binalot ng matinding kaba ang aking dibdib - isang walang kapares na hilakbot.  Isang itim na ibon – di gaya ng ilan parang buhok ang mga balahibo nito. At imbes na tuka – isang malaking bunganga…

   Biglaan, lumundag ako mula sa kama at saka nagsindi ng yosi sa loob ng kwarto. Panay ang ihip sa makapal na usok na halos sipain na nila ako palabas.

“Haay nako, kabilugan ng buwan, nagsisilabasan ang kabaliwan…” himutok ni Kiko Man sabay talikod sa kama.

   Napalunok ako.

   Hindi man lang sumagi sa isip kong isipin siya, pero parang nakakalokong itim na kidlat na nagpakita sa akin ang imahe ni Carmen – ang mabahong amoy ng kusina, ang mga boteng  koleksyon niya sa masangsang na kusina…

   Parang malapot na plemang namuo ang makapal na usok sa aking lalamunan. Hindi ko maibuga. Hindi ko rin naman malunok. Kinabog ko ang sariling dibdib hanggat sa makahinga lit ako ng normal.  Napa-upo ako sa gilid ng kama, matamang nagmamasid sa paligid at nagbabantay sa bintana. Parang ilang segundo nalang at may papasok na kung ano para katayin kaming tatlong magkakaibigan.

  Kinilabutan ako, sabay labas ulit ng isa nanamang yosi.

  Inabot na ko ng umaga pero wala pa rin. Kahit mabigat ang ulo’t pakiramdam pinilit ko ang sarili na bumangon mula kama ko. Agad kong tinahak ang paradahan ng pedicab sa kanto, ibaba ng boarding house na tinutuluyan namin. Ilang beses akong nagtanong tungkol sa matandang nasakyan ko kahapon pagkagaling kila Carmen. Napa-iling lang ang karamihan hindi daw ditto ang pila ng matanda.

  Napabuntong hininga ako. Pakubli-kubli sa masikip at magulong lansangan, tinungo ko ang luma at giba-gibang condo kung saan naroon ang silid ni Carmen. Sa mismong lugar na yon namataan kong muli ang matanda.

  Nakaharap sa kin ang likuran niya pero hindi maipag-kakaila na siya nga ang mamang sinakyan ko – ang mamang nagsabing swerte daw ako’t di ko naabutan si Carmen…

“’Nong…” tinapik ko siya mula sa likod.

   Parang gulat na bigla siyang napalingon sakin. Sandaling nagtama an gaming mga mata. Walang halong malisya – lapnos ba naman ang kalahati ng muka. Pero sa sandaling iyon may mensaheng napaabot naming sa isa’t isa…ang sikretong wala pang nakakatuklas. Kami palang.

“Dinalaw ka niya?” tanong ni kuya sa mababang tinig, sabay balik muli ng tingin sa taas.

  Napasunod ako. Dun ko nahagip ang nagbababang kurtina mula sa silid ni Carmen. Kanina pa yata sila nagtitinginan ng matanda.

“Pero hindi ka niya nakuha”

“Ano po bang…ano po ba si Carmen?” Tanong ko, sabay bawi ng mga mata mula sa silid niya.

   Dagling tumayo si Manong mula sa inuupuang bangko atsaka sakay sa lumang pedicab.

“Sakay” Utos niya.

  Agad naman akong tumalima.

    Marahan ngunit mabibigat ang mga padyak niya habang panay-panay parin ang tingin sa likuran – sa silid ni Carmen, tila nagmamasid, tila alerto sa kung ano.

“Manong, may nakita ho ko kagabi” pag-amin ko.

“Nahawakan ka ba?” tanong niya na parang walang narinig. Patuloy lang siya sa pagpipidal na parang wala naman ang ulirat sa kalsadang tinatahak. “Dapat mo munang masiguro na hindi ka niya tinalian”

   Tinalian?

“Oras na magpa-tali ka sakanya, kahit mangibang bansa ka pa, masusundan at masusundan ka niya. At kahit na ilang beses mo pa siyang pagtaguhan, aabot at aabot parin ang oras na mag-isa ka at naroon lang siya sa iyong likuran upang kunin ka.”

“Sino pong - ?”

“Siya! Hindi nga ba’t sinabi ko namang huwag ka ng bumalik sa kwartong yon? Di nga ba’t binalaan na kita?!” Biglang napasigaw si Manong habang diretso parin ang tingin sa malayo.

“A-Ano po ba talaga siya…” bulong ko sa sarili.

  Napahabol-hininga si Manong, sabay balik tanaw sa gusaling yong. Nagpapidal pa siya ng maka-ilang beses bago pinutol ang katahimikan.

“Naniniwala ka ba sa multo? E sa engkanto? Sa impakto? Sa demonyo? O sa aswang? Paniniwalaan mo ba ang mga ito kung sasabihin kong sila mismo ang nagpakita sayo kagabi?”

   Matamang napatingin sakin si Manong, bahagyang sumaglit muli ang mahabang tahi sa muka at ang naka-usling maliit na tirang karne kung saan dapat nandoon ang isang tenga.

“Mahirap ho yatang paniwalaan yan” Buktot akong nagbawi ng tingin tungo sa mga naglalakihang gusaling nadaraanan namin.

“Mas mahirap kung hindi ka maghahanda. Kapag nagpaka-bulag ka sa katotohanang handang kumitil ng buhay mo, matutulad ka sa amin ng mga kaibigan ko. Kapag hindi mo sila inunahan, sasalakayin ka nila – ngayong gabi at sa mga susunod pang mga gabi hangga’t makuha ka nila”

“Ho?”

Carmen Room 438 (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon