+Away Bati+
Napasugod kami sa boarding house at sakto ngang nakabantay ang parehong dalawang lalaki sa labasan. Nandoon din sila Kiko Man, kasama ang ilan pang boarders na may hawak-hawak na tennis racket.
“Teritoryo na namin to mga dre. Baka gusto nyong umatras muna” sabi ng palaban at medyo naka-isang basong batak na si Kiko.
Tumakbo sa gitna si Carmen para pigilin ang away.
“Tayo na” pakiusap nito sa dalawang lalake na malamang ay sila Milandro at Loren.
“Carmen” napahawak ako bigla sa kamay niya. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko ng mga sandaling iyon, hindi ko na siya makikita pa.
“Ok lang ako Mael” ngiti niya at saka matamang tumingin sa wrist watch ko. Wala pang hating gabi. “Atsaka ayaw ko ng madamay pa ang mga kaibigan mo”
Bumitaw ako.
“Teka lang dre, hindi yata kami papayag na apiin ka nila ng syota mo. Andito naman kami eh. Lamang tayo” hamon parin ni Kiko Man.
Siya na ang pumagitna at humali pabalik kay Carmen.
“Ano? Ano? Lalaban kayo ha?” Umurong ito ng aktong susugod ang dalawa.
Tumindig ang mga balahibo ko ng makita ang naging pagbabago ng anyo nila. Tumalas ang kanilang nguso, palabas, at biglang nagkakuko ng itim. Panandaliang natulala ang lahat. Sa gitna ng kayle Zamor kung saan walang masyadong nagdaraan na mga sasakyan, nagpagulong-gulong ang tennis racket mula sa mga kamay ng gulat na gulat na si Kiko Man.
“Takbo na!!!” sigaw niya ng may pilantik pa ng nanunuyong laway.
Agarang tumalima ang mga sira ulong nanghahamon kanina. Ibinarangkada naming ang lamesita ni tita Baby sa pintuan sa pag-aakalang hindi makakapasok ang mga halimaw sa loob ng boarding house. Tila beteranong ikinandado din nila ang lahat ng mga bintana’t iba pang lagusan. Nakakulong na kaming lahat ngayon sa loob.
“Dre! Dre! Bintana!!!” sigaw ni Kiko Man habang nanginginig na itinuro ang mga anino ng dalawang lalaking paparating na sinamahan ng ilan pang mga anino.
“Dumarami sila! Dumarami sila!” Sigaw ng isa pa naming kaboarder na si Lenard. Hindi man nito sabihin, alam na ng lahat kung anong klaseng mga halimaw ang sumasalakay sa amin ngayon. Ilang beses ba naman mapanood sa TV at sinehan ang ganitong klaseng senaryo – pero iba parin pala pag nangyayari na sayo.
“Tol yung pent sa taas?” tanong ng isa. “Andun pa yata si kuya Toots baka pasukin yun doon?!”
Nagtinginan kami bigla ni Carmen. Nakahawak parin siya sa aking braso na kapareho naming takot na takot.
“Ano bang nangyayari?” tumakbo pababa si tita Baby kasama si tito Boy ng marinig ang malakas na pagkalampag sa pintuan at sa mga bintana. Nagsigawan ang lahat at nagsipag-kuha ng kung ano mang magagamit na armas laban sa mga kalaban. Hindi humupa ang tensyon sa loob ng sala kahit pa humina na at unti-unting nawala ang mga pagkalampag.
“Ano bang nangyayari??” tanong muli ni tita Baby.
Walang sinu man ang nakasagot. Bigla nalang napasinghap ang lahat ng makarinig kami ng malakas sa tunog mula sa itaas. Agad akong kumaripas ng takbo. Sumunod sakin si Carmen.
“Wag na wag niyong bubuksan ang pinto tita!”
Tumango si Kiko at saka naghanap inilipat ang mabigat na tukador mula sa isang sulok at ipinandag sa pinto. Lumabas naman si Lenard mula sa kusina dala-dala ang ilang kutsilyo at ang basket ng rekados.
BINABASA MO ANG
Carmen Room 438 (Editing)
Paranormal"Peste! Aswang pala kala ko pwede!" - Mael (ang bida ng kwento) May Book 2 na po ito... Please read also Kalye Zamora. Thanks!