Ang Sako ni Manong

2.7K 30 7
                                    

   Matagal kaming nagtitigan ni Manong na para bang na-freeze mode and buong paligid. Hindi ako nakatagal at bumawi ng tingin pabalik sa kahong akap-akap ng matanda. Nakatitig din sa akin non ang lumang larawan ni Carmen.

   Muli nanamang tumitig sa larawang iyon si Manong; malamlam ang mga mata. Ano nga bang pwede kong sabihin sa ganitong sitwasyon? ‘Nong nakabatak po ba kayo? Asa Wowmali ho ba ako? At papano ko po lalabanan ang anak ninyo?

    Napakamot nalang ako.

“Wala kang kailangang gawin” sagot ni Manong na para bang nababasa nito ang aking isipan. Napatingala akong muli.

   Kinuha nito ang isang maliit na punyal mula sa kahon at isa pang hugis jolen na nababalot ng kulay putting panyo.

“Dapat matagal ko na itong tinapos. Hindi na dapat humantong pa ulit ang lahat sa ganito.” Pagbubulong ni Manong sa kanyang sarili habang marahang inilalatag ang ilan pang kagamitan sa sahig. “Gaya ng sabi ko kanina, susubukan ka niyang kuhanin” usal niya sa mas malakas na tinig. “Pero hindi na dapat maulit pa ang lahat. Isa lang ang pagkakataong ito. Kung lalabas si Carmen sa lungga nila – kung makakahanap lang ako ng tiempo…At heto na nga. Heto na. Matatapos ko na…” Naglamlam ang kanyang mga mata habang itinataas ang larawan ng kanyang mag-ina. “Matatapos na. Kailangan ko lang ng isang gabi. Isang buong gabi.”

“A-ano po bang maitutulong ko?” Napalunok ako. Ano ako, Kumander Bawang? Superhero? Ang tanga ko’t nagprisinta pa ako.

“Isang gabi mo lang. Siguraduhin mo lang na hindi makabalik sa Carmen sa pugad nila ng isang gabi. At magagawa ko ng tapusin ang lahat.”

    Tumango ako.

    Isa-isang pingalanan ni Manong ang mga bagay na nakapaligid sa amin: ang aguabendita, ang matutulis na palaspas, at isang maliit na boteng naglalaman ng kulay berdeng bato.

“Ito ang magsasabi sayo kung palapit na sila. Kapag naramdaman mo ang pag-ilaw ng bato o ang kaunting pagkulo ng nabendisyunang tubig sa loob, ibig sabihin, may aswang sa paligid. Wag mo itong wawalain at wag na wag kang magkakamaling tumingin sa itaas. Ideretso mo lang ang iyong paningin sa paligid dahil ang aswang ay sasalakay lamang sa patag. Ang mga paniki sa himpapawid ay kanila lamang paningin. Hindi sila yon. Ang totoong aswang ay nasa likuran o tabi mo lamang. Ang pinaka-mainam na gawin ay ang tumakbo.”

    Agad kong hinawakan ng pagka-higpit-higpit ang maliit na boteng iyon. Aswang tracker.

“Isa pa. Magsimba ka”

“Ho?”

“Magsimba ka mamaya. Agahan mo. Wag kang papa-abot ng alas-sais ng hapon. Lalong lalo ng wag kang papaabot ng dilim sa daan. Wag kang lalakad sa madilim na eskinita lalo na kung mag-isa ka. Palagi kang gagala sa may mga tao at may ilaw.”

“Opo”

“Importanteng makakuha tayo ng basbas ng pari. Ngayon ang huling araw ng semana santa. Dahil sa paniniwalang patay ang Diyos malakas ang kapangyarihan nila. At dahil dito malakas din ang tiwalang hindi sila magagapi. Lalabas sila mula sa pugad. Natitiyak kong ikaw ang tutuntunin ni Carmen. Dahil ikaw lamang ang naka-takas. Ikaw lang ang nabuhay…Siguraduhin mo lang na hindi ka pa mamamatay. Kailangan salakayin ka niya hanggang liwanag – hanggang mag-umaga.”

“Ipapain po ninyo ako sa mga aswang?” Kinilabutan ako bigla. Bahagyang tumindig ang mga balahibo ng paa ko, nakahandang tumakbo bilang instiktwal na paghanda.

“Ganon na nga. Kailangan mo siyang labanan at panatilihing malayo sa pugad nila para magawa ko ang misyon ko. Ang misyong hindi ko natupad noon.”

   Bigla akong napatitig sa nalapnos na kalahati ng muka niya. Galos kaya iyon sa misyong tinutukoy niya? Malamang ganyan din ang mapala ko.

“Tandaan mo. Papasukin ka niya. Hwag mo siyang hayaan. Aakitin ka niya. Kailangan mong maging matatag. At higit sa lahat, lalamunin ka niya. Kaya kailangan mong maging malakas. Para sa matapos na ang lahat ng ito. Para mabuhay.”

   Agad-agad ipinasok ni Manong ang mga ‘armas’ namin sa isang maruming sako ng arina. Mabilis na itong naglakad palabas matapos magsuot ng isang makapal na lumang jacket.

“Malapit ng sumapit ang dilim. Kailangan na nating parehong maghanda.”

   Sumunod akong muli palabas ng eskinita. Dinaanan naming muli ang masikip na daluy ng pudpod na kalsada. Madilim. Mahirap huminga. Hanggat sa nakarating kami sa labasan. Biglang napuno ng liwanag ang kapaligiran. Nabulag ako. Agad na lumipad ang kanang palad para takpan ang mga mata mula sa biglaang buhos ng araw.

“Mamayang hapon. Sa simbahan.” Dumampi ang hintuturo ni Manong sa nakausling matusok na bubungan ng simbahan mula sa gubat ng mga gusaling karaniwang makikita sa Maynila.

   Tumango ako. Mataman kong pinagmasdan ang likuran ni Manong hanggat sa mawala na ito sa aking paningin. Marahan nitong ipinadyak ang pedicab na may dalang bigat at bagong pwersa sa mga paa. Ilang minuto pa akong nakatayo lamang sa gilid ng kalsada. Mga apat na taxi na din ang nagdaan bago ko pa napagtantong nakatunganga na pala ako sa gitna ng isang namumuong traffic. Dumating ang panlimang taxi na nag-alok sakin ng sakay. Mabilis pa sa alas-kwatro, nakapasok na ako.

“Mukang ambigat ng problema mo bata” pagiling ng lalaki sabay tingin sa mabigat na sakong hawak-hawak ko.

“Oo nga eh.” Share tayo, gusto mo?

   Hindi ko na rin namalayan ang pagdaan ng ilan pang minuto bago ako nakarating sa boarding house ng tita ko. Tinapik ako ng taxi driver. Atsaka ko pa lamang napagtantong naroon nap ala ako. Mabilis kong iniabot sakanya ang isang daan.

   Sa isang banda, mabuti na rin ang naisipan kong hanapin si Manong kesa naman biglaan nalang sasalakay sakin ang isang mala-dyosang aswang na wala man lang akong kalaban-laban. Hinigpitan ko ang hawak sa bitbit kong mga ‘armas’. Hindi ako papatalo ng basta-basta na lang. Matibay yata to. Apat na taon sa kolehiyo’t second year palang. Aba, sayang naman ang reputasyon ko.

Pasensya na po sa sobrang bagal ng mga updates. Medyo busy po kasi. Nagrereview for my ielts & nclex exam. Wish me luck! At maraming salamat po pala sa mga bumoto. Lalong-lalo na sa mga sumusubaybay at nagkokomento. All my sincerest thanks ;) 

Carmen Room 438 (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon