+Kumpleto Rekados+
Isang sagradong gabi ngayon ang nagaganap sa pinaka-mataas na palapag ng naturang boarding house na pinapa-upa ng tito at tita ko. Sa pent kasi, kung saan kami nakatirang pirmi nila Kuya Toots at Kiko Man, may grupo ng mga aswang na gustong iuwi na si Carmen – ang misteryosong dalagang bumihag ng imahinasyon ko at pati na rin ang mga kalalakihang naka-dapo na ng tingin sa kanya. Nong una gusto ko lang naman sumubok eh. Dahil ang sabi sakin madali lang daw si Carmen at lahat ng nagaanyaya ay pinapapasok niya sa kanyang silid sa isang lumang gusali ng condominium na hindi na tinapos, ang room 438. At sa hindi sinasadyang pagkakataon natuklasan ko ang sikreto ni Carmen dahil sa isang pedicab driver na may-ari pala ng naturang condo building. Siya rin ang nagbigay ng mga kakatwang armas ko laban sa mga tropa ng aswang na pasugod dito sa boarding house namin.
Plano ko lang naman non eh maiwasan ang kamatayan at ang akala ko wala ng iba pang paraan para makamit yon kundi ang unahang patayin si Carmen. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, nagawa niya akong kumbinsihin para pagkatiwalaan siya. Kaw ba naman ang sugurin ng isang buong lipi ng mga aswang sa kadiliman ng gabi? Di nga ba’t kakapit ka din sa patalim – sa talim ng pangil ng gusto mong syotahin?
Hawak-hawak ang kahoy na panusok, pinadaloy ko muna ang dugo sa aking mga binti at saka idiniin ng todo ang paa sa semento. Sumalakay ako sa aswang na napatumba ni Carmen – yung hinayupak na kinakabit pa ang sariling kamay sa duguang katawan. Inihagis ko ang isang buong kumpol ng bawang. Tumalsik ito sa semento atsaka nagpagulong-gulong tungo sa paanan ng mga nakakatakot na nilalang. Dumampi ito sa kanila at nagsitawanan sila. Namputya.
Narinig ko ang mahabang pagbuga ng hininga ni Carmen na naka-anyong aswang na rin. Tinapunan ako nito ng makahulugang tingin.
“Malay ko bang hindi gagana yang bigay ng tatay mo?” nagkibit-balikat na lamang ako atsaka umusad sa tabi ni Carmen.
Iwinagayway ko ng buong lakas ang kahoy na pantusok na nailublob sa agaua bendita. Doon sila medyo umatras. Paisa-isa at sing bilis parin na pusang unang umatake sa akin ng gabing manggaling ako kila Carmen, dumapo sila sa bubong at dulo ng pent.
“To lang pala katapat nyo ha? Ano? Ano?”
Lumabas ang malalalim na ungol mula sa mga ito na tila pusa ng kagubatang handing sumunggab sa kanyang kakainin, oras na tumalikod ako. Hinigpitan ko pa ang hawak sa kahoy.
“Tara na sa loob Carmen” bulong ko sa katabin kong aswang na medyo lumayo ng konti.
“Pag ginawa natin yon makakapasok sila.”
“Ikakandado ko ang pinto. Nabudburan ko na ng asin ang mga hawakan at paligid ng mga bintana. Winisikan ko na rin yan kanina ng agua.”
Umalulong as isa sa mga kalaban at akmang susugod ito. Itinaas nito ang kanang braso at tumayo ang mga makakapal na balahibo sa kanyang kaliwang paa. Mula sa mahinang ilaw ng di kalayuang bill board, napagmasdan ko ang kulay dugo sa kaniyang mga mata at kung papano ito tumuhog sa aking kalamnan na para bang di paman, ay nilalapa na ako ng mga pangil ng taeng to.
“Hindi ko pwedeng iwan sila tita Baby sa baba. Baka pasukin din sila doon.”
Tumango si Carmen. Hindi man niya sabihin, alam kong ayaw niyang may iba pang madamay sa amin.
“Sumama ka na samin Yna. Ilang oras nalang at magaganap na ang ritwal ng pagpapalit mo ng katawan…” tila sambit sa gitna ng alulong at marahas na hatak ng lalamunan ng aswang na tumindig kanina.
“Ulol!”
Agad na pinigil ni Carmen ang mga kalahi bago pa sila tuluyang makalapit samin. Non ko din naranasan ang sobrang takot na tila may malamig na dumampi palabas ng salawal ko.
BINABASA MO ANG
Carmen Room 438 (Editing)
Paranormal"Peste! Aswang pala kala ko pwede!" - Mael (ang bida ng kwento) May Book 2 na po ito... Please read also Kalye Zamora. Thanks!