Chapter Four (Beach)

77.1K 1.3K 32
                                    

Ryana's POV

"nakuhanan mo na?"

*Click*

"teka lang naman!"


*Click*

"ayusin mo kasi."

*click*

"wag kang maingay magigising sila!"

Ang ingay naman!


Gagalaw na sana ako ng mapansin kong may mabigat na nakadagan sa ulo ko.

Ng hawakan ko agad na napabalikwas ako at umupo ng maayos. Nakita ko naman si Kenna at Angel na dali-daling umupo. At magkatabi na sila ni Kenna.

"Damn!" rinig kong sabi ng katabi ko. Nakung Doktor to ang hilig magmura!

At dahil nagpipigil ng tawa ang dalawa. Sinipa ko ang kinauupuan nila.

"Anooo?" pa pro-long na tanong ng dalawa.

"Wag nyo akong ma ano-ano ha, pag uuntugin ko kayo." asar kong sabi.

Napansin ko naman na nakahinto na ang Van at wala si Tg at JM.

"Asan ang dalawa.?" tanong ko sa kanila.

"May binili saglit, isang oras na lang makakarating na tayo.." paliwanang niya naman.

Grabe talaga! Ang pangit ng posesyon namin kanina!
Nakasandal ako sa balikat niya at siya nakapatong ang ulo niya sa ulo ko.

Yuck lang talaga!

Agad ko naman siyang tinignan, at ngayon ang sama na ng tingin niya sakin. Nag as if nalang ako na hindi ko siya tinignan, sumipol-sipol pa ako para tumingin sa ibang dereksyon.

After 5 minutes nakabalik na sila Tg at JM.

"guys, gusto nyo ng tubig? Since parang lahat tayo hindi pa nakakakain, tiis-tiis muna ha, tubig muna oh!" sabi niya at inabot sa amin ang tubig. Sabihin nalang natin na sa kanila lang! Wala akong natanggap na tubig e!

"Ang husay mo T!" sarkastiko kong sabi sa kanya. Si Kenna at Angel pati na rin si Mr. Sungit! Ang binigyan niya lang ng mineral water.

"Ken! Pahingi nga," sabi ko kay kenna

"Naubos na Ry! Kay Angel na lang!" at saktong pagtingin ko kay angel naubos na niya ang mineral water niya. Nagsalubong naman ang kilay ko, nakita ko naman siya na nag smile apologiticaly.

"Husaaayyyyy~" sabi ko at sumandal nalang ako ulit sa upuan.

"here!" agad naman akong napatingin sa gilid ko. Inabot sa akin ni Mr. Sungit ang mineral water niya. Nakita ko namang kalahati nalang ito.

"I'm sorry,ininuman ko na yan! But still drink this," pagpipilit niya. Sincere daw siya oh!

Kinuha ko na ang tubig at agad-agad na ininom ito, pasensya na wala ng punas-punas pa. Hindi naman ako maarting tao e!

Ng binabalik ko na sa kanya ang bottle nakita ko lang siya na nakanganga! Problema nito!

"bottle!" sabi ko at tumingin sa ibang dereksyon at hawak parin ang bottle.

"ah, yeah!" at kinuha na niya ito. Pagkatingin ko sa harapan nakatingin silang lahat sakin.

"Anong Problema nyo!?" inis na tanong ko. Sabay-sabay naman silang ngumiti na umupo na ng maayos. Inirapan ko lang sila!

Tumingin ako sa likod namin at nakita ko si Kathy na himbing na himbing ang tulog at si Harold na natutulog din at nakasandal sila sa kabila-kabilang bintana!

My Strict Doctor √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon