Chapter Thirteen(Audry)

52.8K 924 12
                                    

Nasa baba na ako ngayon at nakabihis na, hinihintay ko na lang si Sungit. Ang tagal naman kasi, Nine na kaya ng umaga.

"Nak nandyan na Sundo mo." sabi naman ni mama. Nasa couch lang kasi ako nakaupo at nanunuod ng Cartoons. Tumango lang ako kay mama at nagpatuloy lang sa papanunuod.

"Hi," narinig ko namang sabi ng taong nasa likod ko. Tumango lang ako at nagpatuloy lang sa panunuod.

"let's go?" sabi niya naman at umupo sa tabi ko.

"Ssshhhh" sabi ko lang sa kanya. Ang desturbo naman nito. Nag fo-focus ako dito e! At nilagay ko pa ang index finger ko sa labi ko.

"Nakakainis naman tong pusang to habol ng habol sa daga hindi niya naman nahuhuli, parang sa love lang..." at tinignan ko siya.

"Pag nagmahal ka dapat hindi ka agad sumuko, suyuin mo siya ng suyuin para mabalik pa ang dating anong meron kayo dahil pag sumuko ka wala na ang pagasa mong magiging kayo pa! BOOM!!" sabi ko at napatayo sa huling part na sinabi ko. Para akong tanga!

"Tara na nga alam kong corny!" sabi ko at nagpatiuna na sa paglalakad palabas. Naman kasi! Blangko lang yong expression niya. Edi ako na Corny!

"Maghintay ka naman!" rinig kong sabi niya at inakbayan ako.

"tsk! Sino nga pala ang ipakikilala mo sakin doc.?" tanong ko naman

"Silly! Call me Bryan, were friends now right?" sabi niya at piningut ang ilong ko ng malakas.

"Aray naman! Friend-friend ka dyan! Assumera ka din ng taon e!" at inalis ko ang pagkakaakbay niya. Nang makarating na kami sa labas ng gate at nasa pinto na ako ng sasakyan niya at hinihintay na buksan niya.

"Sungit! Sino nga?" tanong ko.

"Ang alin?"

"Yong ipakikilala mo syempre!!" sabi ko naman at inirapan siya. Nakita ko namang nag smirk siya. Kung maka smirk to!

"Later honey!" sabi niya ng makalapit sakin at ako naman biglang napasandal sa pinto ng sasakyan, ang lapit niya kasi.

"Anong tinitingin-tingin mo dyan! Alis ka para mabuksan ko na.." sabi niya at nilagay ang index finger niya sa ulo ko at pinaikot ako para makaalis sa pinto ng sasakyan. Nang mabuksan na niya tinampal ko naman ang likod niya at agad na sinarado ito at muntikan na siyang maipit. Buti nga sa kanya!

Nakita ko lang na kumunot ang nuo niya at pagkatapos ay sumakay na siya sa driver seat.

"Tsk! Don't smile like that!" sabi niya at pinaandar na ang sasakyan.

"Ang alin? Ganito?" at ngumiti pa ako sa kanya na nagpapacute.

"Tsk!" pikon talaga!

HOSPITAL

Nakahinto na ang sasakyan sa parking lot at kasalukoyang tinatanggal ko ang seat belt ko. May kinuha naman si Sungit sa likod ng kotse niya. Pagkakita ko ang White Coat niya pala at stethoscope ang kinuha niya. Bumaba na ako at hinintay siya na makalabas, pagkalabas niya ay sinuot na niya ang white coat niya tsaka nilagay ang stethoscope sa leeg niya. Siya na Hot tignan!

"Hey, tulala ka?" tanong niya at winagayway pa ang kamay sa mukha ko.

"a-ah wala!" at naglakad na.

Pumunta na kaming elevator and he press the 5 floor.

"MR. JONES! JESUS! THANKS come over now! AUDRY!!" may biglang babae na lumapit samin at sobrang natataranta na, nurse siya at wala sa oras na biglang tumakbo si Sungit palabas ng elevator. Tinignan ko lang siya hanggang mawala sa paningin ko. Bakit? Anong nangyari!

My Strict Doctor √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon