Chapter Five (with him)

73.4K 1.1K 17
                                    

*the next Day*


Madaling araw pa lang nagising na ako or sabihin na nating hindi ako masyadong nakatulog.
Namamahay siguro.



Tinignan ko ang oras ng phone ko at alas kwatro palang.

"ang aga pa," sabi ko sa sarili ko.

Bumangon ako at kumuha ng jacket sa bag ko. Pagkatapos kong e suot ito lumabas ako ng kwarto ko.

Ang tahimik naman dito!

Syempre madaling araw pa!


Pumunta ako sa may dalampasigan at umupo sa isa sa mga bato ron sa gilid.

Ang lamig grabe! Tumatayo mga balahibo ko.

Ang tahimik ng lugar! Talagang lakas ng hampas ng alon lang ang naririnig ko.

"AAAHHH! PUTA!!" napahawak naman ako sa dibdib ko ng biglang may taong sumulpot sa tabi ko.

"chill! Just relax it's just me!" bwisit nato! God! Ang bilis ng tibok ng puso ko sa gulat!


"Ano ba! Nanggugulat ka naman e!" bulyaw ko sa kanya habang himas-himas parin ang bahagi ng puso ko. Sumisikip tuloy!

"I-I'm really sorry okey.." nagaalala niyang sorry. Pumunta naman siya sa harap ko at hinawakan ang balikat ko.

"Are you okey?" tanong niya ulit.

"ano ba yan. Tanong ka naman ng tanong e! Okey na ako.." Tinignan ko naman siya sa mata at ang makikita lang talaga don ay sinsiridad.

Umopo na siya ulit sa tabi ko at nagbuntong hininga!

" It's still early why were you here?" tanong niya naman.
Tinignan ko naman siya at siya nakatingin lang sa malayo.

"Hindi masyadong nakatulog. Ikaw bat nandito ka?" sagot ko sa kanya at tumingin ulit sa dagat.


"Just same," sabi lang niya.
Katahimikan naman ang namayani sa pagitan naming dalawa

Awkward

"ahhmm.." nagkatinginan kami dahil nagkasabay kami.

"HAHAHA" tawa naming dalawa.

"ikaw na mauna," sabi ko sa kanya habang natatawa parin.

"lady's first." ngiti niyang sabi. Nagkibit balikat lang ako.

"I will straight to the point ha, bakit ba ang Sungit-sungit mo tapos ang strict mo pa?" tanong ko sa kanya at tinignan siya. Ngumiti naman siya at tinignan ako na kanina ay nakatingin sa dagat.

"I'm not strict, sa mga pasyente ko lang na matitigas ang ulo." may kahulugan niyang sabi. Diniin talaga yong word na 'MATITIGAS'

"Patawa!" sabi ko lang.

"Oh! Ikaw naman," sabi ko.


" Bakit ayaw mong mag pa Opera,?" seryoso niyang tanong.
Natahimik naman ako bigla sa taning niya at sumeryoso. Nagbuntong hininga naman ako at tumingin sa dagat.

"Wala na naman rin lang patutunguhan ang buhay ko." sabi ko lang at ngumiti lang. Hindi ko parin siya tinitignan. Baka makita ko na naman ang awa sa mga mata niya na palagi kong nakikita sa lahat.


Naramdaman ko naman siyang tumayo kaya tinignan ko siya. Nakita ko naman siyang nilahad ang kanang kamay niya.

"let's go."

My Strict Doctor √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon