Chapter Nineteen (Ako ang Past/Present)

49.5K 887 14
                                    

Madilim na ng umalis kami sa heaven. Nagmamaniho na siya at ako nakapikit lang dahil inaantok na. Tulog na lang ako.

Pagkagising ko nasa kama na ako. Anong oras na! Pagtingin ko sa relo ko 9 na ng gabi. Ganon ako katulog?!

Tumayo naman ako at lumabas ng kwarto, and dilim ah kailangan talaga naka off lahat ng ilaw dito. Dahan-dahan naman na lumabas ako ng kwarto ko at bigla na lang akong nabangga sa isang matigas na bagay.

"Aray! Sakit! Ang tanga mo naman Ry!" sabi ko sa sarili ko at hinimas ang nuo ko.

"You want to eat?" natigilan naman ako at tinignan ang bulto na nasa harap ko. Nanghina naman ang tuhod ko at napaupo ako sa sahig! Shit akala ko kong ano na!

" hey! Are you okey?" tanong niya at lumuhod siya sa harap ko.

"Ikaw naman kasi nanggugulat! Okey na ako. Samahan mo na lang ako sa baba mag ti-timpla lang ako ng gatas.." sabi ko at tinulungan na niya akong tumayo. Pagkababa namin agad na kumuha ako ng mug at nagtimpla. Tinignan ko naman siya na ngayon ay titig na titig sakin.

"Iinom ka Sungit?" tanong ko.

"No thanks. I don't drink milk." sabi niya pa.

" ano! Diba doktor ka? Dapat nga umiinom ka nito dahil kayo ang nag re-require nito." sabi ko pa.

"nah, I just don't like it." sabi niya.

"Ikaw bahala!" at pagkatapos kong magtimpla ay naglakad na kami pabalik sa taas.

"Goodnight," sabi ko. At papasok na sana,

"Wait, can I come?" nag aalinlangan niyang tanong.

"a-ahm, s-sige." at pumasok na kaming dalawa.

Humiga naman siya sa kama ko at nilagay ang dalawang kamay niya sa ulo niya at inunan ito. Umupo naman ako sa kabila, tinunga ko na ang gatas malamig na kasi dahil hinaluan ko ng malamig na tubig.

"Matutulog na ako!" sabi ko at tumingin sa kanya siya naman ay nakapikit na. Hindi naman siya sumagot kaya humiga na rin ako. Pagod to sa byahe! Bahala na!

Tumalikod naman ako sa kanya at natulog na. Naramdaman ko namang may pumulupot sa katawan ko. Hindi ko na lang sinita dahil antok na antok na talaga ako.

Nexy day

"wag kang maingay ma,"

*click*
"Ma, tapos na tara na."

*click*

"Tita hali kana."

Ang ingay naman. Gumalaw naman ako at narinig ko na sumara ang pinto! Sino yon.

Dumilat naman ako at nakasubsub ako sa leeg ni Sungit. Hhmm ang bango! Inamoy ko kasi.

"Ma aadik ka na niyan!" bigla niyang sabi. Nakasubsub ako sa leeg niya ay nakayakap naman siya sakin. Wala sa oras na napabangon ako bigla!

"Hoy! Bat nandito ka?" tanong ko. Ay tanga! Sinamahan niya nga pala ako kagabi.

"tsk! Lalabas na ako." at tumayo na siya tinignan ko naman siyang lumalabas sa kwarto ko. Hay!

Tanghali na at sobrang dilim ng paligid! Umaambon kasi. Parang tanga sila mama kanina kinukulit ako or kami rather na kami na ba daw ewan ko ba sa kanila! Nga pala nasa baybayin ako ngayon ako lang mag-isa. Sina mama nasa bahay si Sungit naman umalis ewan kong saan pumunta. Si Kyle nga pala kagabi umuwi na dahil nakatulog na daw ako.

Hindi ko parin alintana ang ulan. Bahala na! At hindi nga ako nagkakamali biglang bumuhos ang napakalakas na ulan hindi naman ako sumilong kahit na may maliit na kubo don. Bahala na! Hinay-hinay naman na naglakad lang ako, bahala ka ulan! Lumakas ka pa! Maliligo lang ako. At hanggang tumatagal unti-unting giniginaw ako. Nagpasiya na akong umuwi.

My Strict Doctor √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon