Lie 3

106 0 0
                                    

Lyndon's Pov

Kabalo na jud ko mag bisaya. Haha pero tagalog pa din ako kasi baka di nyo maintindihan, malintikan pa'ko kay author nito.

I'm currently searching for my new room. Hello Senior High ;)
Tumangkad na din ako ngayon. Kung dati mas mataas ang kambal, ngayon balikat ko nalang sila. Iba talaga ang nagagawa ng puberty noh.
Saan na kaya si Marie? Di kami sabay nagpa enrol eh. Famous kasi yun kasi ang daldal. Andaming friends , eh ako. Gwapo lang, walang kalaban laban. Dejoke. Room C3, ay dito pala first subject ko teka ba't may umiiyak ata. M-may babae, umiiyak nga. Taena naman oh. First day na first day minumulto na ako. Grabe naman lord, nakakabawas naman ng pagkalalaki to. I am torn between looking at the ghost o tatakbo palabas. Pero nanaig pa rin ang pagkausyuso ko, Nakapikit ang isang mata habang hawak ang cross na pendant ng kwentas ko.
"Lumayas kang multo ka. Langya, ke aga aga tinatakot mo ako"

"Bwesit ka talaga lyndon. Kung babanatan mo na naman ako ng corny'ng jokes ko, wag ngayun masakit ang puso ko". Sumisinghot na sabi ni Marie.

"Why? What happened? Luuh. Anlaki ng eyebags mo te."

"Dad was rush to the hospital last night. Bigla nalang sya'ng nag collapse habang nanunuod kami ng tv. A-and the doctor said he has. H-he has brain tumor. And he has 1 more month to live. Hindi ko kaya lyndon. Ayoko pang mawala si daddy. Ayoko pa" and she burst into tears, Naawa ako sa kanya, nasasaktan ako kasi para ko na ring tatay si tito Richard. Para na rin akong nabigyan ng tatay.
Matapos mahimasmasan ni Marie ay agad kaming nagtungo sa Hospital kung saan naka confine si tito. Si Mary ang nadatnan namin doon with her usual poker face. Hindi ko nakikita ang ano mang emosyon sa mata nya. She's just there, sitting right next to his father. Hinhaplos nya ang kamay nito at minsan ay hinahalikan ang ulo nito.
"Ahh. Mary umabsent ka ? Galing ka pang davao ah. Paano ang academic scholar mo doon ?"

"Nothing's more important than dad's life." Tipid nyang sagot at bumaling ulit sa tatay nya. "Daddy will be a fine. He's a strong man. Nagmana ako sa kanya. He will fight. For us". At sabay ngiti.
Napahanga na naman ako ng babae'ng ito. Tahimik pero malalim, misteryoso. Lalo tuloy akong na cu-curious makilala sya ng lubusan.
"Where's Marie by the way? Ba't ikaw lang?"

"Ahh nasa baba. Kinakausap yung friends ng mommy nyo. Nandun kasi sila". Ewan ko ba't na a-awkward ako. Naninibago siguro. Ngayon ko lang kasi di nakita yung pagsigaw nya, pagdasabog at pagkamaldita. Si Mary Claire Villahermoso, ngumiti at bumait bigla sa akin. Wow improvement Ruiz ! Nanatili kaming tahimik ng gumalaw ang papa nya at sumigaw. Nasasaktan sya, umuungol. Ang sakit sakit siguro ng ulo nya. "Call the nurse lyndon, tell them inaatake na naman si papa"
At agad akong pumunta sa nurse station. Pumasok ang doctor nila at nagbigay ng mga painkillers. Taking medicines are useless anymore since kumalat na ang sakit nya. Para sa painkillers nalang ang iniinom ni tito para maiwasang ang sakit na nararamdaman nya.

Tuwing byernes at linggo lang umuuwi si mary dahil busy din sya sa school since she's a ssg officer and their school is very popular in terms of having intellegent and competetive students. Mas lalo tuloy akong nagka crush sa kanya. It's been 3 weeks after tito's been rushed to the hospital. Pumapayat na rin sya at dumadalas ang pagsakit ng ulo nya.And then Friday afternoon ng hindi na makayanan ni tito ang sakit nya. nag collapse na naman sya at hindi na sya na revive ng doktor. Wala na si tito. Wala na rin akong tatay.
"Don-don, ang sakit sakit. Bakit si papa pa. Bakit. Hindi ko kaya to".
"Sa ngayon hindi pa Marie okay, but kakayanin natin lahat to. Malalampasin natin to. Ang importante, hindi na siya masasaktan dulot ng tumor na yun okay. He's free now. Wag ka na umiyak. Nandito na friends mo oh." Then Marie went to her friends, kinocomfort sya ng mga ito.

Nasa labas ako, pilit pa ring iniisip ang agarang pagkawala ni tito ng dumating si Mary. Nakangiti sya habang dala-dala ang paborito'ng durian ni tito. Hindi pa nya alam ang pagkawala ni tito. Nilapitan ko sya
"Mary, Can we talk?"

"Bakit? Later lyndon. Pupuntahan ko pa si daddy." Umiwas sya ng tingin at patuloy na naglakad. Ngunit hinarangan ko ulit sya.

"Bago ka pumunta sa loob, may dapat kang malaman. Wag kang mabibigla Mary."

"What is it this time Ruiz? Where's Marie? Kamusta si daddy? May dala akong pagkain for him. At diba I told you to look after my family while I'm away ba't nandito ka?" naiinis nya'ng sagot.

"About tito. Wag kang mabibigla, mahal na mahal ka nya Mary. Your daddy loves you so much. And he's so proud of you Mary. Yan yung mga bagay na gusto nyang sabihin sayo".

"Anong pinagsasabi mo Lyndon? O teka saan dadalhin si daddy?  Ba't inaalis sya sa kwarto nya?" dali dali syang tumakbo patungo sa kwarto ng daddy nya. Hinarap sya ng doktor

"Miss Villahermoso, ililipat na namin ang bangkay ng daddy mo sa morgue. Condolence Miss."

"W-what? W-wait. Morgue. No". Napahawak sya sa sentido nya habang ang isang kamao naman ay nakakuyom. Palapit na ako at handang yakapin sya ng bigla sya'ng tumayo.

"Mary Saan ka pupunta? Mary" ang kaninay lakad lang ay naging takbo na. Hanggang nakita ko sya sa chapel ng hospital. Nakatulala. Umupo ako sa tabi nya.

"Cry." utos ko.

"What?"

"I said cry. Masama ang nagsasarili Mary."

"I won't. I'm strong enough. You know me." nakatitig pa rin sya sa mga paa nya.

"Don't fool me. Aminin mo na sa sarili mong may mga bagay na hindi mo kayang gawin mag isa Mary. I am here. Malakas ka nga sa labas pero yun nga ba talaga ang totoong nararamdaman mo.? Wag mo'ng lokohin ang sarili mo Mary".

Nagsimula ng tumulo ang luha nya hanggang humikbi sya
"Sabi nya sya ang kasama ko'ng kukuha ng mga diploma ko, gagabay sa akin sa kurso na pinili nya for me at ang maghatid sa akin sa altar. All of his promises are now gone. Naging mabait naman ako ah. Lahat ng gusto nya ginawa ko. Naging malakas ako para sa kakambal ko. Sya ang inspirasyon ko sa pag aaral. Wala na akong silbi ngayon Lyndon. Wala na".

"Don't say that Mary. You're so good to be true. Napakabuti mo'ng anak. Dapat maging masaya tayo kasi hindi na masasaktan si tito. Kahit di mo ipinapakita ang pag iyak mo sa harap ng mommy at kapatid mo, alam kong umiiyak ka dyan sa chapel. Enough of pretending that you are brave Mary. That you can do everything without anyone's help." masinsero ko'ng sabi habang oinapahiran ang mga luha nya

"H-how'd you know? I want to be strong. Wala akong kaibigan at wala akong masasandalan tuwing may problema ako. I need to be strong from pain Lyndon. Ayaw kong maging mahina. Hindi ako katulad ni Marie na maraming kaibigan'g mapupuntahan at malalapitan. Nerd lang naman ako diba. Libro lang ang kaibigan ko." mas lalo syang umiyak

"Aww. Such a crybaby. Finally, i've seen the vulnerable side of Mary Claire Villahermoso. Kung wala kang masandalan at kaibigan, then make me Mary. Make me your friend and someone whom you'll share your problems with."

"Talaga?. Inaasar mo nga ako palagi eh" and then she pouted. Lalo tuloy akong nagkaka crush nitong babae'ng to eh. Haaayyyyssstt.

"Ang maldita mo kasi eh. O sige na friends na tayo. Come here, i'll give you a power hug. Para gumaan na yang pakiramdam mo at maka chansing ka sa akin" sabay wink sa kanya. Natawa naman sya at pinalo ako ngunit lumapit pa rin.

"Che. Kapal mo naman ah. Thankyou lyndon. Salamat talaga".

Habang mahigpit na nagyayakapan ang dalawa, hindi nila alam na may umiiyak na palang nagmamasid sa kanila

'-----------------

Thank you po sa mga nagbabasa :)


KasinungalinganWhere stories live. Discover now