Lyndon's POV
Nang matapos akong kiligin sa halik ni Mary ay agad akong umuwi sa bahay dahil medyo late na rin. Nang pumasok ako ay napansin kong maingay sa loob at may nagtatawanan. I immediately run inside the house and as expected ay nandoon ang Villahermoso family and few of dad's friends.
"Oh heto na pala ang matalino mo'ng anak. Congrats iho". Bati nung isa sa mga naka tuxedong lalaki na batid koy kaibigan ni daddy.
"Thank you po tito"
Iginala ko ang mata ko at agad nahanap si Mary na hindi tumitingin sa akin kahit alam niyang tinitingnan ko siya. Nahiya pa. Naalala ko naman ang ginawa nya kanina at di mapigilang hawakan ang aking labi sabay ngiti.. Agad akong lumingon sa kanya at nahuling nakatitig din siya sa akin.
"Mary, are you okay? May lagnat ka ba? Ba't namumula ka?". My dad asked her
"Nangagat kasi yan dad" i answered. Nakita ko na namang bumilog ang mata nya.
"N-nakagat ko ho kasi yung dila ko tito. Pasensya na ho". At bahagyang tumayo papuntang sink. Agad ko naman syang sinundan.
"Hi babe." niyakap ko sya mula sa likuran na agad din naman nyang kinurot ako sa tagiliran.
"Lyndon. Nakakainis ka ha. Ba't mo sinabi yun? Malilintukan ka talaga sa akin. At pwedi po ba wag kang malandi. Nandyan sina Marie." agad namang kumunot ang noo ko.
"Eh ano naman? Para malaman na ni tita na mahal na mahal kita". Hahalikan ko pa sana ang pisngi nya ng tinawag may narinig kaming yabag papunta sa amin.
"Ahm. Congrats uli don-don. Im so proud and happy for you. Tara kain tayo. Bumili si mommy ng cake."hindi na ako nakahindi ng hawakan nya ang braso ko at hinila papuntang mesa kung saan naroon ang lahat. Nakita kong sumunod sa amin si Mary.
"So kumpadre, kailan ba kayo lilipat sa Manila ng mapaayos ko na ang papers ng bagong nahay na nabili mo? Nahinto ako sa pagkain at agad na lumingon kay Mary. Nakatingin sya sa akin at nakita ko ang halo halong emosyon sa mata nya. Patay na.
"Aalis po kayo tito?"gulat na tanong rin ni Marie. Tumingin muna sa akin si daddy
"I'm sorry but I guess hindi pa nasasabi ni Lyndon ito sa inyo but we're planning to live in Manila na for our safety na rin kasi nakakatanggap na ako ng death threats last week pa. So naisip ko na mas maigi siguro'ng lumipat kami kasi hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may mangyayari'ng masama kina Lyndon. siguro after 2 weeks ay lilipat na kami".
Agad naman na nagtanguhan ang mga kasama namin sa loob.
"Sige nang maipakilala ko rin itong si Lyndon sa nag iisa kong anak". Nagtawanan naman sila at pati na rin ako ay nakisali na rin
Nagsialisan na ang ibang bisita at ang nag iinuman na lamang ang natira. Ngunit bumabagabag pa rin sa akin ang mukha ni Mary ng malaman nya na aalis kami. Damn. Baka umiyak na naman yon.Nang makaalis na ang mga bisita ay agad akong nagbihis.
I went to their house at umakyat sa kwarto nya. Ni hindi na ako kumatok dahil alam kong hindi rin naman sya mahilig mag lock ng pinto. As i enter her room, naamoy ko na agad ang paaborito nyang air freshener. At halos matawa ako sa kulay ng kwarto nyang pink na hello kitty ang disenyo. On pa rin ang lampshade kaya alam kong gising pa ito at nag tutulog tulugan lang.
"Mary, let's talk." bahagya nyang binuksan ang mata nya at agad ring pumikit at lumipat sa kabilang bahagi ng kama nya. Tigas ulo eh.
"Mary naman. I really tried to argue with dad. Hindi ko gusto doon. Ayaw kong iwanan ka dito. Ayokong mahiwalay sa'yo. Please believe me Mary. Sorry di ko sinabi pero wag kang magalit"

YOU ARE READING
Kasinungalingan
RomanceWhat if all the things that you have are all lies? kaya bang takpan ng kasinungalingan ang pag-ibig? o pag ibig rin ba ang magiging dahilan upang matuklasan ang katotohanang pilit inililhim ng KASINUNGALINGAN