Lie 4

126 0 0
                                    

Lyndon's Pov

Simula noong nangyari sa Chapel ay mas naging close na kami ni Mary. Lumipat na rin sya sa school namin ni Marie. Teka, nasaan na ba yung di Marie. Di ko nakikita ah. Di kasi kami sabay nakapa enrol kahapon. Grade 12 na ako yeheey! Tatawagan ko pa pala si Mary, di pa nya alam classroom nya eh.

"Marymar, nasaan ka na ba?" pang iinis ko sa kanya

"Weyt lang lyndon bridge. On the way na po ako kamahalan." aba'y marunong na din pala tong mang asar ah.

"Natututo na mang asar ang maldita ko oh. Kawawa na pala maging boypren mo baby". Hahaha baby answeet ng endearment namin kinikilig ko . putchaaaa

" Anong maldita mo? Atsaka baby? Nako lyndon baka nainlab ka na sa beauty ko ha?"

"Matagal na Mary." mahinang sabi ko.

"Huy aning binubulong mo jan Lyndon? Naaning naka dira?" sabay tawa nya

"Wala . ansabi ko bungol ka. Bingi!" inis kong sabi.

"Grabe . galit. Nandito na ako tingin ka sa kaliwa mo."
Agad akong napatingin sa kanan ko, wala naman ah

"Ay . sa kanan pala."

Tumingin din ako doon. Wala din

"Ayy sa harap mo pala lyn".

"Niloloko mo ba ako Mary Claire Villahermoso?" lumakas na ang boses ko sa inis.

"Ikaw naman. Joke lang. Nasa likod mo ako noh."

Tumalikod naman ako pero ni anino ni Mary wala akong nakita.

"Joke ulit. Nasa gate pa ako lyndon HAHAHAHA hulaan ko nagmukha kang tanga jan kanina no? Sayang hindi ko nakita hahaha "

"Sige tawa ka lang Mary. Tawanan mo lang talaga ako".
Akala siguro nya sya lang ang marunong.

"Uy uy bakit. Di ko na kaya kasalanan pag uto-uto ka noh."

"Sige. Uto-uto na ako ngayon. Magsaya ka lang bebe".

"Blah blah sige na uy. Bebe yang mukha mo".

Pinutol na nya ang tawag. Nakita ko syang nakapasok na sa school at sinundan ko sya. Pumunta sya'ng cafeteria at nung makitang puno ito ay bumili ng pagkain at pumunta sa kalapit na butterfly sanctuary ng school. Ang loner talaga nitong Maria'ng to. Hahahaha tingnan ko lang kung saan ang tapang neto.  Mahina akong naglakad papalapit sa kanya upang hindi nya ako mapansin. Nakasabit pa ang isang headphone sa tenga nya habang may pa galaw galaw ng konte na nadadala siguro sa togtog habang kumakanta.

"There's no rush i'll be waiting. Just give me a chance to be your darling. I know that in time you will be forever mine. Forever mine. Yeeaaah."

Natatawa ako kasi feel na feel nya ang moment nya. Ngayon kang bata ka. Lintik lang ang walang ganti. Gamit ang kutasara ko ay idinikit ko ito sa katawan nya. Sa may tyan nya banda at iniba ang boses

"Bata. Wag kang gumalaw kung ayaw mong mamatay"

Agad syang nahinto sa pagsubo. At nanginig.

"Mawung. Maawa wo kawyow." gaga din to. Nagsasalita eh andaming pagkain sa bibig. Saan kaya nilagsy sng talino neto.

"Wag kang maingay at tapusin mo yang kinakain mo. Wag na wag kang lilingon sa likod mo"

Agad nyang nilunok ang pagkain nya.

"Manong maawa ka. Bago pa lang po ako dito. I have money if you want. I have an iphone too." nanginginig nyang sabi

"Hindi yan ang kailangan ko. Kung gusto mong mabuhay ay sundin mo ang dalawang utos ko."
Ramdam ko ang pangamba nya. Ansarap pala takutin netong engot na to

KasinungalinganWhere stories live. Discover now