" Malaki po ang pagpapasalamat ko kay Maam Mary. Sa wala'ng sawang pagbibigay nga suporta sa mga bata sa foundation. Napakabuti mo po. Maraming salamat po maam. Hindi ka namin malilimutan"
"Hindi po ako makakapagtapos ng pag aaral kundi dahil sa scholarship na ibinigay nyo sa amin maam. Maraming salamat po."
"Si Mary ay isang napakabuting kaibigan, anak at maawain sa kapwa. Hindi ko alam kung sino ang walang awa'ng gumawa nito sa kanya. Wala siyang ginawa kundi kabutihan sa iba. Kahit gaano kaliit ang mayroon syabay hindi nya nakakalimutang ibahagi iyon sa iba. Mary Claire is one of a kind. And her death is a big loss to us. Ipinapangako ko na hahanapin ko kung sino mang walang awa ang gumawa nito sa kanya.Salamat sa pagdalo sa Last day of service ng asawa ko.Excuse me". At agad ibinalik ang microphone sa lalagyan. Hindi na nya kayang ipagpatuloy pa ang sasabihin dahil sumisikip na ang dibdib nya. Mary was his childhood sweetheart. He love her since they were kids, the day they move in next to their house. At hindi nya mapapatawad kung sino mang may gawa ng karumal dumal na krime'ng ito. At ngayon, ay gagawin nya ang lahat mahuli lamang ang may kasalanan.
-------"Good morning sir Chua. Nandito ho kami para ibigay ang resulta ng autopsy. Death due to asphyxia po sir. Ayon sa mga nag imbestiga at unang rumesponde sa crime scene. No foul play. Nahanap na rin po namin ang ginamit ni Maam Claire na lubid sa pagbigti nya sir. Condolence po. Hindi po talaga namin akalain na mangyayari to sir. Ang bait bait ho ng asawa nyo."
Inilahad nya ang folder na naglalaman ng result ng autopsy."What about the bruises in her body? Sinasabi nyo bang sya rin ang may gawa nito ? Ang lalim nga ng mga sugat nya. Hindi ko maisip na nakaya pa nyang magbigti sa ganoong kalalim na sugat". Di makapaniwalang sabibni Lyndon sa resulta
"Sorry sir pero sa autopsy lang po ako. The assigned police officers will come here later para i discuss sayo lahat. Pero ayon sa kanila, i co-close na daw ang kaso dahil wala namang nakita'ng foul play sa crime scene".
"What? So ganun na lang yun ? Pwes kung di nyo naman pala kaya gawin ang trabaho nyo. Ako na ang gagawa. Umalis ka na dito!" Hindi na nya na kontrol ang galit sa nalaman. Mahal na mahal nya ang asawa niya. Kilala na nya ito simula grade school pa lang at alam nyang hindi nito kayang tapusin ang buhay nito. Kung hindi magawa ng mga naka assign nitong kaso na hulihin ang salarin. Sya na mismo ang gagawa , he's a police din naman. Sa dami na nyang natulungang bigyan ng hustisya, sa asawa pa nya hindi magawa. Madami pa syang iniisip hanggang sa nakatulugan na nya ito.
YOU ARE READING
Kasinungalingan
RomantizmWhat if all the things that you have are all lies? kaya bang takpan ng kasinungalingan ang pag-ibig? o pag ibig rin ba ang magiging dahilan upang matuklasan ang katotohanang pilit inililhim ng KASINUNGALINGAN