Lie 5

64 1 0
                                    

Lyndon's Pov

Ganito pala ang feeling ng inlove. Nakakabakla pero worth it naman. Ang ganda talaga ni Mary.

🎵Di kita pipilitin, sundin mo lang ang iyong damdamin.
Hayaan nalang tumibok ang puso mo, para sa akin 🎵

Oh teka. Sino ba tong tumatawag. Ay naku ang bespren ko pala to.

"Oh bakit mahal kong kaibigan? Himala at napatawag ka?"

"Don-don, magpapatulong ako sa physics namin. Hindi ko maintindihan to eh. Sige na naman. Nandito ako sa sanctuary"

"Sa student's lounge nalang tayo mag aaral beh, ang tahimik sa sanctuary eh. Di ko feel magturo"

"Eh nong *,&'!_,!#,_*&-.#_!_!,'&!$_!,#&÷_  nga eh" parang nalulungkot nyang sabi. Eh hindi ko naman naintindihan.

"Ha? Ano yun beh? Sige na kita tayo sa SL ha? Hintayin mo ko."

"Oo na . sanay na naman akong maghintay kahit wala namang dadating."

Hano daw? Naghugot pa. Tinapos ko na ang tawag at saka natawa sa hugot nya. Tong batang to talaga. Napaka aning.  Narinig ko na namang nag ring ang cellphone ko.  Arghh. To talagang si Marie , di makapaghintay

" ano ba. Sabi'ng papunta na nga ako dyan eh."

"H-ha? Saan ka pupunta?"
Ngunit ibang boses ang narinig ko. Boses lang naman ng pinakamamahal kong babae.

"Ahy. Sorry babe. Hindi ko kasi tiningnan kung sinong tumawag. Sorry talaga".

"Ahh okay. Sige na ibaba ko na. May pupuntahan ka pala, kasi ano kukunin ko sana yung credentials ko sa old school ko eh. Magpapasama sana ako pero di bale nalang busy ka pala".

"Wag. Hindi ako busy. Samahan na kita. Malayo pa naman yun. Kunin ko lang bag ko ha".

"Sigurado ka? Sige sa main gate nalang ako maghihintay ha"

Dali dali akong tumakbo sa parking lot.
------

"Tara na Mary" at binigay sa kanya ang spare helmet ko

"A-ah. Dyan ako sasakay Lyndon. Ang taas nyang motor mo. Baka di ako makaakyat tsaka baka mahulog ako nakapalda pa naman ako". Pagmamaktol nyang sabi

"Tss kaya yan. Akin na yang kamay mo."

"Ha ? Bakit? Chansing ka na naman"

"feeling mo naman. Porke may gusto ako sayo, ganyan na tingin mo sakin. 'di ah"

"asus. andami pang sinabi eh halata naman masyado. tss" naiinis nyang sabi.

"halata ba? hehehe.  " napakamot na ako sa ulo ko. ahh tingnan lang natin ngayon

"h-huy lyndon.. hinay-hinay lang. gusto mo ba talaga akong mahulog dito? arrgh. mapapatay talaga kita'ng intsik ka." sabay hawak sa leeg ko.

"Tss. Di ka mamatay kung hahawak ka sa bewang ko Ko Mary. Ayaw mo no'n makaka chansing ka ng libre."

"Asking for your help was a really bad i------'".
Bago pa sha matapos ay mas nilakasan ko pa ang pagpapatakbo ng motor. At ngumiti ng maramdamang mahigpit sya'ng nakayakap sa akin.

----------
"Bwesit ka talaga Ruiz. Nakakainis ka. "

"Babe, if you want my kiss just ask for it hindi yung nagmumura ka. Tsaka umuulan na. Ayaw ko namang mabasa ang prinsesa ko" suuus kung di ko lang mahal to, nakuuu. Kaya ko'ng ipagpalit lahat para sa kanya. Teka, parang may nakalimutan akong gawin ngayon. Wala naman akong assignment o project. Ohh shoot! Si Marie. Naku. Hala ma be-beastmode na naman yung bruha'ng yun. Antanga mo Lyndon.

KasinungalinganWhere stories live. Discover now