Lyndon's Pov
(Current time. Hindi na po to flashback)Nag uunahang nagbasakan ang luha ko ng maalala ko ang mga pinagsamahan namin ni Mary. Ang mga pangako'ng hindi natupad. Ang mga plano pa sanang naudlot ng dahil sa isang hayop at walang pusong sakim. Napatingin ako sa hawak kong Picture frame at umusbong na naman ang galit ko. Sa labis na emosyon ay itinapon ko ang wedding picture namin. Bumagsak iyon sa sahig, basag ang frame ngunit nandoon pa rin ang matatamis naming ngiti. Mas lalo akong nanggagalaiti sa galit. Kailangang mahanap ko siya. Sa lalo't madaling panahon bago pa nila ako maunahan.
🎵Di kita pipilitin, sundin mo lang ang iyong damdamin, hayaan nalang tumibok ang puso ko, para sa akin".
Agad kong hinanap ang cellphone ko at agad na sinagot ang tawag ni Garry.
"Sir. Papunta na po kami dyan. Pinauna napo namin ang iba para masigurong walang ibang makakapansin sa pagpunta natin doon sir."
"Sige. I'll be ready within 20 minutes. Bababa na rin ako. Siguraduhin mong hindi malalaman ng ibang guards ang tungkol sa secret door sa underground Garry. Tayong dalawa lang ang nakakaalam nito".
"Okay sir. Walang problema"
Inend ko na ang tawag at mabilis na hinanda ang mga gamit ko. Alam kong matatagalan ako sa paghahanap pero hindi ako susuko. Kailangang mabigyan ng hustisya ang ginawa kay Mary.
~~~~~~~~~~~~~
Sa paglapag ng aking private chopper ay agad akong inalalayan ng mga guards. Agad akong sumakay sa hinanda nilang sasakyan papunta sa syudad ng Digos.
Parang gusto kong umurong dahil na rin sa labis na sakit na dinadanas ko pero kailangan ko ng umaksyon para sa kanya. Para sa mahal ko.Mahigit isang oras ang byahe namin mula Davao, at madilim na rin. Nang huminto ang sasakyan sa isang malaking gate ay agad akong bumaba. Nauna nang pumasok ang mga guards. Tiningnan ko rin ang katapat na bahay kung saan kami naninirahan dati. Naalala ko pa kung bakit biglang nabago ang pamumuhay namin ni Nanay noon
Flashback.
Pauwi na ako galing skwelahan at may ngiti dahil ako ang valedictorian sa aming klase. Tiyak matutuwa si nanay nito. Makakapag apply ako ng scholarship sa Ateneo. At yayaman na kami tapos mabibili ko na lahat ng gusto ni Mary. Mahigit 7 buwan na akong nanliligaw sa kanya.
Nang papasok na ako sa block namin ay napatigil ako ng may nakita akong tatlong itim na sasakyan sa labas ng bahay. May anim din na nakaitim na mga lalaki na malalaki ang muscle. Hala si nanay!
Mabilis akong tumakbo papasok sa bahay.
Sa pagpasok ko ay mas lalo pa akong kinabahan ng makita ang mas marami pang lalaking nakaitim na nakatayo sa gilid. At may lalaking nakaupo na nakatalikod sa akin. Si nanay naman ay nakaharap at umiiyak. Agad akong tumakbo palapit sa kanya."Sino kayo? Bakit nyo pinapaiyak ang nanay ko? Wala kaming pera kung nais nyong magnakaw. Si nanay nalang ang meron ako ngayon kaya kung pwedi lang ay wag nyo syang sasaktan".
Kasabay ng pasabi ko ng mga salitang iyon ay mas lalong humagulgol ng iyak si nanay.
Galit na galit ako at masamang tiningnan ang lalaki ngunit nagulat ako ng mamasdan ko sya. Wait. Para syang ako. He's an older version of me.
Nakita ko ang namumuong luha sa mga mata nya"Sya na ba? Sya na ba ang ANAK KO?"
Parang may bombang sumabog sa puso ko. Sa buong buhay ko ay inasam ko ang isang tatay. Sarili kong tatay.
Nilingon ko si nanay. At bahagya syang tumango. At doon tuluyan na akong naiyak.
"Anak. Come here. Come to daddy ,Lyndon."
Bahagya syang lumapit sa akin.
YOU ARE READING
Kasinungalingan
RomanceWhat if all the things that you have are all lies? kaya bang takpan ng kasinungalingan ang pag-ibig? o pag ibig rin ba ang magiging dahilan upang matuklasan ang katotohanang pilit inililhim ng KASINUNGALINGAN