Hindi ko inakala na maiinlove ako sa taong hindi ko kilala.
Sa taong sa Wattpad ko lang nakilala.
Dahil lang sa pag-follow ko sakanya, nauwi na sa pagkabaliw ng puso ko para sakanya.
Sa taong hindi ko pa nakikita ang itsura.
Dahil lang sa kabaitan niya, naging crush ko siya.
Yun ang akala ko.
Nabulabog ang puso ko dahil sa minsang pag-send niya ng picture at voice message.
Akala ko paghanga pa rin talaga ito.
Pero nakaramdam ako ng tampo sakanya at gusto kong lambingin niya ako.
Kaartehan. Ilang linggo palang kayo magkakilala, ganyan na nasa isip mo?
Kahanga hanga naman talaga ang gaya niya. Bonus nalang ang pagiging gwapong-cute niya at ang magandang boses niya.
Ang boses niya.
Na siyang nakapagpatunaw ng puso ko.
Lumalambot na ako. Pakiramdam ko, naiinlove na ako.
Pero sinusubukan ko pa ding iwasan at kalimutan ang nararamdaman ko. Baka infatuation lang 'to at ako lang ang nag-iisip na mahal ko siya.
Naging ka-love team ko siya.
Siguro kagagawan ko na din dahil ang honest ko sa nararamdaman ko para sakanya.
Hinayaan ko lang.
Kasi sabi ko, dito lang naman sa Group Chat eh. Hanggang dito lang naman 'to.
Pero nagkamali ako.
Hindi ko namalayan na nabulabog ang puso ko dahil sa lintik na love team na yan.
Na-feel ko masyado
Pero mas pinili kong i-enjoy at i-entertain ang feelings ko para sakanya.
Palagi ko siyang binibiro at bumabanat ako gaya nalang ng mga:
"Sa puso niya lang naman ako hindi makapasok."
"Hayaan mo na, mahal naman kita eh!"
"Ako lang naman talaga nag-aantay sa'yong makauwi eh."
"Sanay naman ako maghintay eh. Lagi naman."
"Di porket mahal ko yan ehh..."
"Sapukin ko yan eh... gamit ang hampas ng pagmamahal."
"Ayoko kasing nahihirapan ka..."
Mga salitang binibitawan ko nang pabiro pero napakalakas ng tama sa puso ko.
May pagaalinlangan ako. Syempre, magkalayo ang aming distansya at magkaibang-magkaiba kami.
Paano ang magiging relasyon namin kung sakaling tuluyan ko siya mahalin?
Ayoko sa LDR.
Pero sinabi ko sakanyang 'MAHAL NA KITA'.
Wala akong natanggap na sagot pero naiintindihan ko kung bakit.
Akala ko nung una, nag-eenjoy lang ako sa pang-aasar sa kanya.
Akala ko, mawawala din 'to sa paglipas ng mga araw.
Pero bakit mali nanaman ang akala ko?
Dahil mas lalo ko siyang minahal.
Hindi ko na magawang pigilan pa...
Paano na????
Eto ako, tinititigan ang picture niya at kilig na kilig.
"Ang gwapo niya talaga..."
Sambit ko habang ngiting ngiti.
Lalo lamang akong nababaliw sakanya.
Lalo ko siyang minamahal at wala akong nagawa kundi pabayaan ang sarili ko...
Hinayaan kong malubog ako sa nararamdaman ko para sakanya.
Ang sarap niya kasing mahalin...
Sa pagtindi nang nararamdaman ko para sakanya, lalo din akong nahihirapan.
Hindi ko alam kung bakit pero sobrang bigat sa pakiramdam.
Bakit ganito?
GUSTONG GUSTO KO SIYANG MAHALIN PERO BAKIT PAKIRAMDAM KO MALI?
PAKIRAMDAM KO HINDI PWEDE?
Pumikit ako habang lumuluha.
Bakit ako nasasaktan ng ganito?
Ah.
May boyfriend nga pala ako...
BINABASA MO ANG
Everything's WRONG [Completed]
Short StoryMali nga ba ang MAGMAHAL? Pero hindi ba't sabi nila, hindi kailanman naging mali ang MAGMAHAL? Kahit pa sa pinakang maling tao 'yan, hindi pa din mali ang MAGMAHAL. Dahil mali lamang ang PAGKAKATAON. Pero paano kung sabihin ko sa'yong, Mali ang PA...