How many times do I need to LET GO?
How many times do I need to tell myself that I need to LET GO?
How many times do I need to tell him that I am going to LET GO?
But when he said that he's LETTING ME GO...
It stab me right on my HEART.
Ang sakit pala kapag sakanya na mismo nanggaling.
Ang sakit pala kapag siya ang nagsabi.
Ang sakit pala na papakawalan niya na ako...
This is killing me.
Akala ko okay na ako.
Akala ko naka move on na ako.
Akala ko pag naayos ko na ang sa amin ng una, mas madali nang makalimutan ang pangalawa.
Pero bakit ganito?
Bakit parang ayaw ko na i-let go niya ako?
Bakit parang ayaw kong bitawan niya ako?
Ganito na ba talaga ako kahibang para umayaw sa pagbibitaw niya sa akin?
Kumain ako ng ice cream na chocolate flavor.
Baka sakaling gumaan ang pakiramdam ko.
Pero bakit parang hindi ko naman na-enjoy ang ice cream ko kahit favorite ko ang flavor nito?
Bakit parang walang epekto?
Bakit hindi nito mapagaan ang pakiramdam ko?
How I wish this ice cream would take away all of my pain.
Why can't this heal my broken heart?
Ice cream, help me forget all of this.
I am now crying.
I send him voice messages while crying.
I even sing a song that really fits our fvcking situation.
I hate this.
Of all people, why us?
Bakit kami pa ang napagtripan ng tadhana?
Bakit kami pa na may kanya kanyang karelasyon?
Walang hiyang buhay.
Nag send ako sakanya ng video ko na mukhang tanga. Wacky faces and staring eyes at him.
Tumatawa mag-isa.
Saying how much I love him.
For the last time, I want to grant his wish... na makita ako, kahit ganito lang.
He said thank you and he will keep my video. He said its more than enough.
Sinabi rin niya na wag akong umiyak kung para lang din naman sakanya. Lalaki lang daw siya.
NO. Hindi ka basta lalaki, ikaw ang lalaking mahal ko.
Kahit hindi tayo pwede, mahal na mahal pa din kita.
Siguro simula na ito ng moving stage ko.
Pero....
Nag-video call kami.
Ewan ko ba, kulit lang ng lahi namin. Pasaway kasi mga puso namin eh.
Sabi nga niya, matalino siya pero walang utak ang puso niya kaya pati siya, tanga na.
Sakin pa siya nahulog, eh napakarupok naman talaga ng puso ko kaya ako tanga.
Pagkatapos ng video call.
'Gusto ko mahawakan ang mukha mo.'
Sabi niya sa'kin.
Ngayon, magagawa pa ba naming tuluyang tapusin ang namamagitan na ito sa amin?
Sa kabila ng pangako ko sa una na aayusin ko na ang aming relasyon...
BINABASA MO ANG
Everything's WRONG [Completed]
Short StoryMali nga ba ang MAGMAHAL? Pero hindi ba't sabi nila, hindi kailanman naging mali ang MAGMAHAL? Kahit pa sa pinakang maling tao 'yan, hindi pa din mali ang MAGMAHAL. Dahil mali lamang ang PAGKAKATAON. Pero paano kung sabihin ko sa'yong, Mali ang PA...