Ito na ang huling pagkakataon na mamimiss kita bilang MINE ko.
Ito na ang huling luha na ipapatak ko dahil sa pagka-miss ko sa'yo.
Gusto kita tanungin, naka-move on ka na ba sa akin? Okay ka na ba? Hindi mo na ba ako mahal? Wala na ba sa'yo ang lahat? Nalimot mo na ba?
Kasi ako, tandang tanda ko pa lahat eh. Tanda ko pa lahat kahit ang sakit, ramdam na ramdam ko pa.
Sa tuwing kausap kita, 'di ko maalis na hindi isipin yung DATING TAYO, nung NAGING TAYO at NAGING MINE KITA.
Nakakatawa talaga.
Mine tawagan natin pero may iba talagang nagmamay-ari sa atin.
Sabi mo nga, nakatali ka. Ako din naman eh.
At alam mo na IKAW ANG PIPILIIN KO kung sakaling hindi ako nakatali. Alam mo na willing akong maging kabit mo kahit na mali.
Siguro ganun ko lang kagusto na makasama ka at mahalin ka.
Kasi sabi ko nga, sa isang araw na relasyon na 'yun, nakita ko agad ang sarili ko na inaalagaan ka at minamahal ng tama.
Pero alam mo, sabi ng mga kaibigan ko noon, nagawa niya ngang lokohin ang girlfriend niya, ikaw pa kaya?
May point sila.
Pero para sa akin, NAGMAHAL LANG TAYO.
Hinding hindi nila maiintindihan ang lahat dahil hindi sila ang nagmahal ng taong dito ko lang nakilala. Hindi sila ang nagmahal ng taong hindi ko pa nakikita. Hindi sila ang nakaramdam ng pagmamahal mo sa loob ng isang araw. Hindi sila ang nakakaalam ng mga flaws mo na minahal ko. At hindi sila ang naging MINE ko.
Ngayon, sa huling kabanata ng kwentong ito, nais kong malaman mo na minsan ay binabalik balikan ko pa ang mga panahon na masaya tayo, ang panahon na nagmamahalan tayo at inaalagan ang isa't isa sa kabila ng malayong pagitan natin.
Minsan iniisip ko pa din, siguro you still care for me pero hindi na gaya noong dati na mahal mo pa ako.
Ang sakit pala 'no?
Masakit na hindi ko na pwedng sabihin sa'yo lahat ng nasa isip at nararamdaman ko.
Masakit na hindi ko na maramdaman yung pagmamahal na ibinigay mo sa akin noon.
Masakit na hindi na tayo tulad ng dati.
Pero alam mo...
Mahal kita Mine ko.
Gusto ko ibalik ang dati.
Gusto ko subukan ulit.
Gusto ko maramdaman ulit ang pagmamahal mo.
Pwede pa ba?
May pag-asa pa ba ang pagmamahalan na nagsimula sa biruan?
Can you be my MINE again? Please...
BINABASA MO ANG
Everything's WRONG [Completed]
Short StoryMali nga ba ang MAGMAHAL? Pero hindi ba't sabi nila, hindi kailanman naging mali ang MAGMAHAL? Kahit pa sa pinakang maling tao 'yan, hindi pa din mali ang MAGMAHAL. Dahil mali lamang ang PAGKAKATAON. Pero paano kung sabihin ko sa'yong, Mali ang PA...