Everything's WRONG 10

14 4 0
                                    

Lumipas pa ang ilang araw at napapayag ko siya na magkita kami upang ibigay ang regalo ko sakanya noong birthday niya at maging ang sorpresa ko sakanya para sa panunuyo ko sakanya.

Masaya ako at excited na akong makita siya dahil sobrang na-miss ko siya.

Bago pa man ang nakatakdang pagkikita ay naging maayos na ang pakikitungo niya sa akin sakapagkat ganito ang sinabi ko sakanya:

'Anong dapat kong gawin at sabihin para maniwala ka na mahal kita? Sirain ang buhay ko? Magbigti ako? Magpakamatay para tapusin na ang lahat nang 'to? Handa akong gawin 'yun para lang mapatunayan kung gaano kita kamahal. Kung 'yun lang ang paraan para hindi ko maramdaman ang sakit nang pagtaboy mo sa akin at ang sakit na gusto mo na akong bitawan.'

Maaaring sasabihin ninyo na nagpapaawa lamang ako sa una kaya ko sinabi ang mga bagay na 'yan. Pero hindi, 'yan talaga ang nararamdaman ko at nais kong gawin. Wala na akong maisip na paraan para maibalik ang pagmamahal at tiwala niya sa akin. Wala na akong magawa.

Hindi ko naman siya masisisi kung ayaw niyang maniwala, nagtaksil ako sakanya at nagmahal ako ng iba.

Pero hindi ba't sa halos tatlong taon namin ay naipadama ko sakanya ang pagmamahal na nararapat para sakanya kaya kahit paano ay karapat dapat din akong bigyan ng pagkakataon?

Napakasakit lamang kase na ayaw niya akong makita at ayaw niya akong bigyan ng pagkakataon na mapatunayan sakanya na siya ang mahal ko.

Kaya't noong sinabi niya na makikipagkita na siya, hinanda ko na agad ang mga regalo ko.

Ibinalot ko na ang regalo na matagal ko nang nabili. Idinikit ko na ang mga salitang 'Happy Birthday' sa kahon nang paglalagyan ng iluluto kong paborito niyang pagkain.

Nagpuyat ako sa pag-pprint ng picture naming dalawa sa loob ng isang taon at paggugupit ng mga ito.

At kahit sobrang inaantok na ako, tinapos ko ang love letter ko sakanya.

Sulat na magpapa-alala sa amin ng pagsubok na dumaan sa aming relasyon. Sulat na maaari naming balikan oras na dalawin muli kami ng matinding pagsubok.

Madaling araw na ako natulog at maaga ding bumangon upang magluto. Late ako ng dalawang oras sa aming usapan pero ayos lamang iyon, tiyak naman na magugustuhan niya ang niluto ko.

Sinuot ko ang pinakamaganda kong dress. Hindi ako naglagay ng kahit na anong kolorete sa mukha dahil alam kong ayaw niya niyon.

Noong makita ko siya ay ngiting ngiti ako 'pagkat ang gwapo niya, namiss ko siya, sobra.

Niyakap ko siya ng mahigpit upang kahit paano ay maibsan ang sakit na dinulot ko sa puso niya, isang mahigpit na yakap upang pawiin ang lahat ng sakit.

Pagdating sakanila ay agad kong iniayos ang mga picture na ididikit ko sa pader ng kanyang kwarto.

'Baby, ito ang magpapaalala sa atin kung gaano natin kamahal ang isa't isa. Kung paano tayo naging masaya sa mga larawan na iyan.'

Sabi ko sakanya habang nilalagyan ng double sided tape ang bawat litrato.

Ayaw ko sanang makita niya agad ang ginagawa ko ngunit ayaw niyang lumabas ng kanyang kwarto kaya ang dapat na sorpresa ko ay pinagtulungan na lamang naming idikit.

Sa tuwing nagdidikit siya ay papasok ako sa gitna ng kanyang mga braso upang mayakap niya ako.

Natutuwa naman siya sa ginagawa ko kaya't niyayakap niya ako.

Kinikilig ako...

Namiss ko ito ng sobra.

Habang inaayos ang mga litrato ay nagtuturuan pa kami ng kanya kanya naming paboritong litrato.

Ang gaan sa pakiramdam ng ganito...





Matapos idikit ang mga litrato ay tinanong ko siya habang kami ay magkayakap.

'Baby, naalala mo na ba na mahal mo ako? Mahal mo pa ba ako?'

'Hindi naman nawala ang pagmamahal ko saiyo, hindi basta basta mawawala 'yun. Pero ang tiwala ko, hindi pa buo.'

Medyo nalungkot ako sa huli niyang sinabi pero ayos lang 'yun, ang mahalaga mahal niya ako. Gagawin ko ang lahat upang maibalik na muli ang kanyang tiwala. Ipaparamdam ko sakanya na sobrang mahal ko siya.








Ngunit paanong nangyari na bigla na lamang pumasok sa isip ko ang pangalawa?

Nais kong maluha ngunit pinigilan ko. Ayokong isipin ng una na niloloko ko lamang siya noong sinabi kong mahal ko siya.

Pero bakit pakiramdam ko...










Nagtataksil ako sa pangalawa?

Everything's WRONG [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon