Everything's WRONG 14

8 2 2
                                    

Bakit at paano ko nga ba nagawang magmahal ng dalawang lalaki ng sabay?

Possible ba 'yun?

Siguro.

Nangyari sa akin eh.

Malandi ba tawag 'don?

Siguro para sa iba, oo.

Pero para sa akin, ang tawag ko don ay NAGMAHAL LANG NAMAN AKO.

Kahit pa maling tao ang minahal ko sa pinakamaling pagkakataon at mali din ang nararamdaman ko, gusto ko sabihin na walang mali sa pagmamahal.

Pero iba ang sinasabi ng puso ko, kahit saang anggulo mo kasi tingnan, MALI TALAGA LAHAT.

Oo na oo na mali na.

Paminsan minsan ay nasagi pa din sa isip ko ang naging relasyon namin ng pangalawa at iniisip paano kung tinuloy namin? Pag-uwi ba niya hahanapin niya ako? Makikipagkita kaya siya at ililibre niya ako? Paano kaya kami sa personal?

Pero hanggang jan na lamang iyan dahil masaya na ako sa kung anumang meron kami ngayon ng pangalawa.

Magkaibigan kami at kahit ex ko na siya at paminsan-minsang naalala ang lahat, hanggang don na lamang iyon…

Darating ang araw na tuluyan ko nang malilimot ang sakit na dulot nang nangyari ngunit hindi kailanman ang taong involve sa kwentong ito.

Sapagkat napakadami niyang nagawa para sa akin sa kabila nang masaklap na sinapit ng aming pagmamahalan.

Mali, umpisa palang masaklap na talaga.

Kaya sige ganito, sa kabila ng katangahan ng aming mga pasaway na puso, hindi ko na muling pipiliin na alisin ka sa buhay ko.

Dahil ikaw na minsang naging 'Mine' ko ay hinding hindi maaalis sa puso ko. Mayroon kang espesyal na lugar dito.

Maraming salamat sa lahat.

Dahil sa pagmamahal ko sa'yo ay nabuo ang kwentong ito.

Ang unang kwento na matatapos ko kasabay ng pagtapos ko sa kahibangan ko para isipin na ako ang pipiliin mo at hindi ang karelasyon mo.

Hindi ko alam kung paano ko tatapusin ang kwentong ito.

Sana nga lamang ay mawala na rin ang sakit na nararamdaman ko sa tuwing naalala kita... ang minahal ko at ang MINE ko..

Everything's WRONG [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon