ANNIVERSARY DATE namin ng una kanina.
Pero tangina ang inaakala kong perfect date ay naging isang perfect disaster.
Nagkatampuhan.
Akala ko simple lang.
Pero nauwi pa din ang pagtatalo sa pangalawa.
Gusto ko sisihin ang pangalawa dahil sa nagulong relasyon namin ng una pero ndi ko magawa dahil alam kong ako ang may kasalanan.
Napapagod na ako pag-awayan siya. Gusto ko na lamang makalimot at magpatuloy sa buhay na kasama ang una.
Pero bakit ganun? bakit hindi pa din kami matahimik ng una? Parati nalang nag-aaway dahil sa pangalawa.
Pinagsisihan ko na ang kasalanan ko. Humingi na ako ng tawad. Nakalimutan ko na ang nararamdaman ko para sa pangalawa. Gumagawa ng paraan para maibalik ang tiwala mo. Pero bakit ganito?Bakit ang hirap? Hindi pa ba sapat ang lahat ng ginagawa?
Mahal, hanggang kailan tayo ganito? Hanggang kailan tayo magpapaapekto sa kasalanan ko sayo?
Pwede bang tama na?
Kasi napapagod na ako.
Huwag mo sanang hintayin na bumitaw na ako...
Nagsisimula na akong magtanong kung may dahilan pa ba para kumapit. Dapat ba bumitaw na ako?
Pero hindi kita kayang bitawan kasi mahal kita.
Sana makita mo yon. Sana malaman mo rin na sobrang ubos na ako dahil sa pagmamahal ko sa'yo.
Huwag mo sanang hayaan na ako mismo ang magtanggal ng helmet ko...
Mahal na mahal na mahal na mahal kita J.B.L...
BINABASA MO ANG
Everything's WRONG [Completed]
Short StoryMali nga ba ang MAGMAHAL? Pero hindi ba't sabi nila, hindi kailanman naging mali ang MAGMAHAL? Kahit pa sa pinakang maling tao 'yan, hindi pa din mali ang MAGMAHAL. Dahil mali lamang ang PAGKAKATAON. Pero paano kung sabihin ko sa'yong, Mali ang PA...