Minsan hindi natin akalain na makakagawa tayo ng mali.
Yung mga maling ayaw natin gawin sa atin, hindi sinasadyang nagawa natin sa iba.
May mga bagay na ni minsan hindi natin naisip na kaya pala nating gawin.
Basta nalang nangyari.
Bulok na dahilan ngunit yan mismo ang nais kong sabihin.
Mahal ko siya. Pero paano ko nagawang magmahal ng iba?
Hindi ko rin alam.
Sabi ko nga, basta nalang nangyari.
Gusto ko ipagpatuloy ang nararamdaman ko, o dapat ko bang sabihin na itong kahibangan ko.
Tutal tanga naman ako edi lulubos-lubusin ko na.
Sht happens.
Kahit anong isip ang gawin ko, hindi pa din maabot ng utak ko kung paano ko nagawang saktan ang mahal ko.
Hindi naman siya nagkulang ni minsan, pero bakit ko nagawang magmahal ng iba?
Tangina naman eh.
Hindi ako Two Timer.
Dahil hindi pa naman talaga officially kami ng boyfriend ko.
Kung iisipin, walang mali kung nagawa kong magmahal ng iba.
Pero tingnan mong mabuti ang sitwasyon.
Committed ka sa boyfriend mo kahit hindi pa talaga kayo.
Nangako kayo sa isa't isa na WALANG IBA.
Pero nasira ko ang pangakong yun.
Hindi man ako matatawag na two timer.
Nasaktan pa din kita.
Hindi ko alam kung paano kita susuyuin para bumalik ka sa akin at pagkatiwalaan akong muli.
Naubos na ang pasensya at tiwala mo sa'kin.
Mahal ko, patawad kung nagmahal ako ng iba.
Hayaan mo, tatlong araw lang naman.
Tatlong araw ko lang siya boyfriend tapos pangako, aayusin ko na ang relasyon natin.
Kahibangan.
Binoyfriend ko siya kahit alam kong masasaktan ka.
Pasensya na mahal ko, hindi ko mapigilang hindi siya mahalin.
Hindi ko naiwasan dahil lalong nagwawala ang puso ko.
Maniwala ka mahal ko, pagbibigyan lang namin itong nararamdaman naming ito para mawala ang aming panghihinayang.
Upang mas maging maayos lahat.
Para wala kaming pagsisihan na hindi namin nagawang iparamdam sa isa't isa ang pagmamahal.
Oo mali, ngunit ito ang nais ng puso ko.
Di ko man siya magawang mahalin ng buo, ayos lang, atleast naging boyfriend ko siya.
At ikaw mahal ko, sana ay hindi ka bumitaw sa akin sa loob ng tatlong araw na pakikipagrelasyon ko sakanya.
Patawarin mo ako, mahal ko.
Sadyang marupok lang ang puso ko kaya't kahit mali ay tinuloy ko.
Nasasaktan din ako mahal ko dahil alam kong nasaktan kita.
Ngunit antay lang mahal ko, babalikan kita at mamahalin na muli ng buo matapos ang tatlong araw...
BINABASA MO ANG
Everything's WRONG [Completed]
Short StoryMali nga ba ang MAGMAHAL? Pero hindi ba't sabi nila, hindi kailanman naging mali ang MAGMAHAL? Kahit pa sa pinakang maling tao 'yan, hindi pa din mali ang MAGMAHAL. Dahil mali lamang ang PAGKAKATAON. Pero paano kung sabihin ko sa'yong, Mali ang PA...