Sto. Nino Street pt.3

180 1 1
                                    

Elisa

Nagbyahe kami tungong batangas at nagtanong kami ni Anton tungkol sa katawan pero buong araw wala kaming nahanap. Kaya nung susunod na araw. Inagahan namin pumunta sa Sto. Niño street. Habang naghahanap kami maynakita akong mga tumbok na mga bato. "Anton!" Tinawag ko siya at sinimulan namin tanggalin ang mga bato.

Nagulat ako ng makta ko yung katawan ni Maria Rosa. May suot siyang kwintas. Simbolo na sumasba sa demonyo.

Ito na ang bangkay.

Sa bahay nakita ko ang lAlaki na yakapyakap ang binti niya. Bawat tunog ay nagugulat siya. "Gino."
Nanginginig siya.
"Elisa, pagplanuhan na natin."
Pumunta kami sa kusina at sinabi ko ang mga alam ko tungkol sa pag harap kay Maria Rosa. Pag sinira natin ang damit mawawala siya. Kapag sinuot natin ang damit sa katawan niya mananahimik ang kaluluwa niya at matutulungan natin siya.

Pag sapit ng gabi, nanaginip ako. Pinunit ang damit ni Maria Rosa at sumigaw siya at lubusan siyang nagalit.

Napatayo ako at kinuha ko ang kahon kung san ko tinago ang damit ni Rosa. Pagkabukas ko ay wala na. "Si gino!"
Ginising ko si Anton.

Hinanap namin si Gino at muntik nang itapon ni gino ang damit buti nakuha kaagad ni Anton. Sinuntok ni Anton si Gino sa mukha. "Na babaliw ka na ba? Hindi mo ba alam kung anong mangyayari sayo kapag sinira mo ang damit ni Maria Rosa? Masusumpa ka habangbuhay. Hjndi ka mamatay. Hindi siya titigil hanggat hindi niya napapatay lahat ng tao."

"Papatayin ko siya. Ipaghihiganti ko ang kapatid ko!"

"Patay na siya!" Sigaw ni anton.

Kuniha ko sa kanya yung damit. May punit. Pumunta ako sa loob at tinahian ko ang sira sa damit. Bawat tahi ko nagsosry ako at di namalayan na naiyak na pala ako.

"Ayoko siyang saktan." Sabi ko kay Anton. Alam ko na nasasaktan siya. Napanaginipan ko siya."

"Bukas ng gabi. Gawin na natin."

...
Sa santo nino street.

Dala dala ni Anton ang bangkay at ako naman ang damit. Pagsapit ng 12 ng umaga ayon ang tamang oras para isuot ang damit. Pagkatapat ng oras sa 12 kinuha ko na ang damit sa loob ng kahon at napatigil ako. Nandito na siya.
Sa malayo isang napakagandang babae na nasa puting damit. Walang bahid ng dumi o dugo. Maria Rosa.

"Elisa?" Tumakbo ako tungo sa bangkay pero tinulak ako ng malakas na hangin papalayo. Tumingin si Anton kung saan ako tumingin. Biglang nagiba ang anyo ni Maria Rosa. Ang puting damit niyay naging kulay dugo. Ang itim niyang buhok. Naging basa at nalagas. "Wag mo siyang papahawakan sa bangkay! Mabubuhay siya at lalakias siya.!"

Tumakbo si Anton papalayo at hinabol siya ni Maria Rosa. Tinaas ng multo ang kanyang kamay n may hawak na kutsilyo. Depensa ni Anton hinawakan niya ang braso ni Rosa at wala sa hawak ang kutsilyo malapit sakin. Kinuha ko ito at hinagis ko kay anton yung damit.
Sasaksakin ko sana siya sa likod pero napigilan niya. "Isuot mo na ang damit!" Itos ko kay anton.

Masyadong malakas si Maria at napatutok sakin ang tuktok ng kutsilyo. Naramdaman ko ang sakit na bumabaon ang blade ng kutsilyo.

Pero tumigil ng makita ko na umiilaw ang damit ni Maria. Nabitawan ni ya ang kutsilyo at isang iwanag ang bumalot sa kanya. Nakita ko si anton. Nasuot niya na ang damit sa bangkay. Ngumiti siya pero nung nasilayan niya na saksak ako nawala ang ngiti at napalotan ng takot.

...
Anton.
Tatlong linggong nakalipas.
Nasaharapan ako ng puntod ni Maria Rosa. Hiling niya ay mailibing man siya ng normal at manasbasan ang kaluluwa niya.

"Salamat." Tumingin ako sa likod at nakita ko si Elisa nakangiti at may dalang bulaklak.
"Pinapasabi niya sayo."

"At salamat din" sabi niya "sa pagtulong sakin."

"Gusto mong magkape?" Imbita ko.
Umoo siya at umalis na kami. Hindi natin mababago ng nakaraan. Hindi natin malalaman king anong mangyayari bukas. Pero ngayon alam kong masaya ako.

-Wakas-

Philippine Horror StoriesWhere stories live. Discover now