Grace POV
Last day na namin dito sa resort nila jeff, at sa pagbabakasyon namin dito masasabi kong naging tulay ito para sa mga buhay pag-ibig ng barkada ko at ng barkada ni kuya.
Grabe di ko akalain na may kacornihan pala at kasweetan sa katawan tong mga lalaking to.
Eh pano ba naman kung makaakbay o makapang-asar sila parang wala ng bukas.
Tapos nung minsan, pagkagising naming mga babae punong puno ng rose petals yung buong kwarto namin. Magkakasama kasi kami na mga babae sa iisang kwarto.
Tapos bigla na lang may kumatok sa kwarto at pagbukas namin, pumasok naman yung mga boys at binigyan kami ng tig iisang rose. Actually red rose sa kanilang lahat, sakin naman pink rose ang binigay ni daddy.
Oh di ba nakain ng mga yun, tapos nung kakain na kami. Nilagyan ni daddy yung plato ko ng pagkain, at ang nakakagulat ginawa din yun ng ibang boys sa girls. Di ba nakakagulat yun
At kung makapick-up line sila, manhid na lang ang di kikiligin. Minsan nga naisip ko, baka sinasapian na tong mga to eh.
Iba nga talaga nagagawa ng taong inlove.
Anyway as i was saying kanina, last day na namin dito kaya susulitin na namin.
Naghiwa hiwalay muna kaming lahat, by partners kami. Siyempre magkasama kami ni daddy, and naglalakad lakad lang kami dito sa mini park habang magkahawak kamay.
Nung napagod kami, nahiga na lang kami sa damuhan. Hay sana ganito na lang ang buhay walang pinoproblema.
"Eun kyung"
Napaupo ako ng wala sa oras ng may narinig akong sumigaw ng pangalan ko.
At hindi nga ako nagkakamali, siya lang naman ang tumatawag sakin ng Eun kyung eh.
"Vince!!!"- sigaw ko habang papalapit sa kanya at niyakap siya
"Musta, lalo kang gumanda Eun kyung ah"- sabi niya sakin pagkahiwalay namin sa yakap.
"Ok lang naman, gumanda ka dyan. Ikaw ah may girlfriend ka na siguro kaya lalo kang gumwapo"- sabi ko sa kanya habang tinutusok siya sa tagiliran niya
"Ano ka ba wala pa kong girlfriend no, at tsaka isa pa matagal na kong gwapo"- sabi niya sabay pogi sign
"Weh impossibleng wala pa, hindi ka pala gumwapo humangin lang"- sabi ko sa kanya
"Wala pa nga, hindi ako mahangin no sadyang gwapo lang talaga ko"- sabi niya, ang taas talaga ng confidence neto. Nagbubuhat siya ng sarili niyang bangko
"Hay naku ewan ko sayo"- nasabi ko na lang sa kanya baka bumagyo pa eh dahil sa kahanginan niya
Natigil kami sa asaran ng may
"Ehemm"- sabi ni daddy
Kaya napatingin kaming dalawa ni Vince sa kanya.
At ang sama ng tingin ni daddy samin, or should i say kay Vince lang.
At ang sama rin ng tingin ni Vince sa kanya. Ano bang nangyayari sa dalawang to
Nakita kong nakakuyom na yung kamay ni daddy kaya nilapitan ko na siya, baka makasuntok pa ng wala sa oras eh
Hinawakan ko na lang yung kamay niya, at naramdaman ko namang inalis na niya yung pagkakakuyom ng kamay niya.
"Sino siya Eun kyung?"- tanong ni Vince sakin
"Uhm Vince si Justine b-" di natapos yung sasabihin ko dahil sumingit si daddy
"Justine pare BOYFRIEND niya"- sabi ni daddy at talagang pinagdiinan yung salitang boyfriend
"Ah ganun ba, Vince pare bestfriend ni Eun Kyung"- pagpapakilala ni Vince
"Anong ginagawa mo pala dito Vince?"- tanong ko sa kanya
Kasi mahigit 3 years na kaming di nagkikita eh, nagmigrate kasi sila kaya yun. Simula nun wala na kaming communication sa isa't isa.
"Nagbabakasyon lang, stress na ko sa work eh"- sabi niya, na halatang stress na stress na nga siya.
Pano ko nalaman? Well may eyebags kasi siya na medyo malaki so yun.
"Magpahinga ka rin naman kasi, hindi yung subsob ka sa trabaho"- sermon ko sa kanya.
"Eh kailangan eh, at tsaka ayaw mo kasi akong samahan dun eh"- sumbat niya sakin
Grabe ha ako pa talaga sinisi eh noh, kasalanan ko bang ayokong maging CEO ng company namin.
"At bakit ka naman niya kailangang samahan dun?"- biglang tanong ni daddy kay vince
"Kasi dapat magkasama kami sa Korea na nagtratrabaho"- maikling sagot ni vince
"Korea? Trabaho?"- tanong ni daddy sa kanya, sabay tingin sakin
Patay di ko alam gagawin ko, di ko pa kasi nababanggit sa kanya yung tungkol dun.
Tiningnan ko ng masama si vince,
"What?"- tanong niya sakin
"Da- "- di ko natapos yung sasabihin ko kasi biglang naglakad paalis si daddy,
"Arghh mag-uusap tau mamaya"- inis kong sabi kay vince, saka sinundan si daddy
"Daddy!!!"- sigaw kong tawag ko kay daddy, ang bilis niya maglakad eh.
Pagod na nga ko sa kakahabol sa kanya, hingal na hingal na ko kaya napaupo na ko.
Haisst nakakainis naman eh, kung sinabi ko na sana noon pa edi sana hindi nagkakaganito.
"Miss bakit ba hindi kita matiis?"- rinig kong tanong ng nasa nakatayo sa harap ko
Pagtingin ko,
"Malay ko sau"- sabi ko sa kanya, nakakainis siya pinagod niya ko kaya bahala siya.
Inabot niya yung kamay niya sakin, pero di ko tinanggap
Kaya naupo siya sa tabi ko,
"Ok ka lang?"- tanong niya sakin, halatang halata na nag-aalala siya.
"Ok lang ako"- sagot ko sa kanya.
"Hindi ako naniniwala"- sabi niya sakin
"Edi wag"- sabi ko sa kaniya
★★★★★★★★★★★★★★★★★★
Please vote and comment
Thank you :)
![](https://img.wattpad.com/cover/83035040-288-k4006.jpg)
BINABASA MO ANG
I Don't Know Why But I'm Crazy Inlove With Him
Novela JuvenilSi Graciela ay isang prinsesa nang kaniyang pamilya nasa kaniya na lahat, ang buhay na gustong gusto na matamo nang bawat kababaihan. Napakaswerte rin niya sa boyfriend niya wala na siyang mahihiling pa, pero isang araw bigla na lang nagbago ang lah...