Epilogue

92 1 0
                                    

Kapag sinabihan ka ng taong mahal mo nang salitang I Love You buo na ang araw mo. Ang salitang yun ay isang napakahiwagang salita na makakapagpatunay na mahal mo siya o mahal ka niya. Pero karaniwang sinasabi ito sa mga magulang natin, sa kaibigan natin, sa mga minamahal natin. Pero iba ang dating sayo nang salitang yun kapag ang taong mahal mo ang nagsabi.

Pero hindi sa lahat ng pagkakataon kailangan mong paniwalaan na mahal ka talaga niya, minsan sinasabi lang nila yun para paglaruan ang damdamin mo o kaya naman dahil trip lang nila. Pero maswerte ka kung ang taong nagsabi sayo nun ay seryoso at yun talaga ang tunay at totoo niyang nararamdaman para sayo.

Nasa sa iyo na kung paniniwalaan mo siya o hindi, nasa sa iyo na kung pakakawalan mo pa siya at hayaang mapunta sa iba at pagsisisihang hindi mo pinahalagahan ang salitang kaniyang sinabi sa iyo.

Wag mong hintayin ang nakatadhana sayo, pahalagahan at mahalin mo ang taong nagmamahal sayo. Dahil baka siya ang nakatadhana para sayo, minsan kasi hintay tayo nang hintay ng taong para sa atin. Eh di natin alam na matagal na pala natin siyang kasama at laging nandiyan nagmamahal sa atin.

Hindi natin alam baka yung kinaiinisan mo palang tao ang para sayo, sabi nga nila the more you hate the more you love. Pwede rin namang yung lagi mong kasama at pinagsasabihan mo ng mga problema, mga pinagkwekwentohan mo nang kung anu-ano ay siya pala ang para sa iyo.

Minsan kasi kailangan lang natin ibukas ang puso natin para malaman natin na siya ang para sa atin. Wag tayong maghanap ng perpektong tao, wag tayong maghanap ng taong ayon sa type natin, wag kang maghanap para kusa siyang dumating sa iyo. Wala kang mahahanap na perpektong tao, dahil walang ganung tao.

Kung hahanapin mo naman ang taong naaayon sa type mo sa isang tao, baka abutin ka ng mahabang paghahanap at baka hindi mo pa mahanap ang hinahanap mo. Kaya kung ako sayo hindi na lang ako maghahanap para makahanap ako.

Tingnan niyo ko hindi ako naghanap pero ikakasal na ko ngayon sa taong mahal ko na mahal rin ako.

"aray"

"buti naman bumalik ka na sa katinuan, kung saan saan na naman napadpad yang utak mo, di ko alam na ganyan pala ang mga ikakasal na" - sermon ni kuya sakin pagkatapos niya ko batukan

grabe ang ang sakit ng batok niya.

"kailangan talaga batok? di ba pwedeng sigaw na lang? ang sakit ah ikaw kaya batukan ko"

sabi ko sa kaniya habang hinihimas pa rin yung ulo ko na binatukan niya dahil masakit talaga honesto promise XD

nakita ko namang babatukan niya ulit ako kaya hinarang ko yung kamay ko sa ulo ko, yun bang parang sa earthquake drill? basta yun

"kanina pa kaya kita sinisigawan diyan, dahil kanina ka pa hinihintay sa baba dahil aalis na tayo papuntang venue di ba? oh baka naman gusto mong iwan ka na lang namin dito?"

inis na sabi ni kuya

"di naman pwede yan kuya, ako ang bride kaya dapat di ako maiwan noh, ano halika na ang tagal mo naman kuya"

sabi ko sa kaniya habang papunta na sa may pinto.

napailing na lang siya saka nauna nang bumaba, sumunod naman ako sa kaniya at nakita kong inip na inip na yung itsura nila ate steff sa sasakyan, wala dito si hubby dahil nauna na siya dun sa venue.

nasabi ko na bang nandito kami sa korea? kung hindi pa ✌, hehe pasensya na

well sa korea ang venue ng kasal namin dahil dito ang dream wedding ko, gusto niyo bang malaman kung saang beach? hmm

sa Haeundae Beach in Busan, Korea

sa Haeundae Beach in Busan, Korea

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
I Don't Know Why But I'm Crazy Inlove With HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon