-Bakit-
Hay kailangan ko talaga mabago Isip Ni Leaya.
Nag iisip kung ano ang gagawin.
dahil malapit na ang Valentines day aagahan ko ang pag bibigay ng surprise sa kanya Ou tama Crist tama ka. kaya mo to.
Nang sumunod na araw maaga uli ako pumasok as usual andun uli si Leaya hindi Halata sa kanya ang pagiging tomboy.
Kasi maayos naman siya manamit at mahaba buhok, maganda hindi mo talaga aakalain na tomboy pla siya.
kaya nga hindi ako kuntento sa sinabi niya na tomboy siya.
lumapit ako sa kanya " Leaya " sabi ko.
Alam mo ang ganda mo , ...
bigla niya sinabi iwan mo na nga ako dito sa room mag isa.
" hindi kita iiwan, at hinding hindi ako mangiiwan lagi lang ako andito makikinig at mag mamahal sayo ng totoo".sabi ko.
"Crist please lang ok tigilan mu na ako please?". sabi niya na medyo naiinis.
Hinawakan ko ang kamay niya.
"Gagawin ko lahat"sabi ko sa kanya ng malumanay.
Kita ko Sa mga mata niya na Naandoon parin ung pagiging Babae niya.
"Bitawan mo nga kamay ko" sabay tulak sakin.
pagkatulak niya saki niyakap ko siya.
"Bakit Leaya, Bakit nag bago ka?" sabi ko sa kanya na may mahina na boses.
Tinulak niya ako , at sinabing "HINDI MO AKO MAIINTINDIHAN CRIST DIBA SABI KO SAYO TOMBOY AKO HINDI PABA SAPAT YUN PARA TIGILAN MO AKO?"
Sabay bigla siya Tumakbo.
"Leaya! , LEAYA!". ang sigaw ko.
Napaupo ako at nag isip "Bakit kaya Ganun?".
"Mukang may Problema si Leaya Matagal na ata".
ang tanong ko sa sarili ko.
Bakit ? Anu ang problema niya ?
Kailangan niya ng karamay kung anu mang problema yun.
Kailangan niya ko.
Tumunog na ang bell ng school
Pero wala si Leaya naiwan niya ung Libro niya na kanyang binabasa kaninang umaga.
Nasaan na kaya siya.
Last Subject na ... , pero wala parin siya
Tinanong sakin ni Andrea (best friend ni Leaya) kung nasaan si Leaya.
"Crist, Nakita mo ba si Leaya? , alam mo ba kung nasan siya?". nag aalala niyang sinabi sakin.
"Hindi ko alam eh Andrea". ang sagot ko sa kanya.
"Ah cge ganto hahanapin ko siya ok?"
Ang sabi ko kay Andrea.
"Cge ha sabihin mo sakin pag nakita mu na siya nag aalala ako hindi ako sanay na wala siya kasi hindi naman siya naabsent eh". ang pahabol na sabi ni Andrea at umalis na siya.
Pumunta ako sa Library kasi alam ko lagi siyang nandun kasi nga mahilig siya mag basa .
Pero wala siya doon .
Nag punta ako sa Garden rooftop ng school sa East wing kasi minsan doon siya nag babasa para makapag isa , pero wala din siya doon.
Isa nalang ang alam ko na pwede niyang puntahan.
Sa Central Park.
Pag dating ko doon hinanap ko siya sa lahat ng lugar sa central park hanggang
nakita ko siya na nakaupo bench at naka tingin sa langit.
"Leaya" sabi ko sa kanya, habang palapit ako sa kanya.
"Dito ka lang pala pupunta" naging maluwag ang aking dibdib nung nakita ko siya.
"Bakit mo alam na nandito ako Crist?" ang pag tataka niyang sinabi.
Umupo ako sa tabi niya at sinabi na
"Alam mo nung bata tayo, hindi mo ko mashado kilala noon kasi diba mahiyain ako pero lagi kitang tinitingnan lagi kitang sinusundan kasi dati palang crush na kita eh". habang napapa ngiti ako.
"Ah ikaw pala ung batang laging nasa likod ng puno , ung laging naiyak pag inaaway ng mga kalaro mo".
sabi niya habang natatawa.
"hahahaha , Oo ako nga un , oh natawa kana mas maganda ka pag Nangiti".
sabi ko sa kanya.
"Thank you ha, Crist thank you na nandyan ka lagi kahit lagi kita tinataboy oh hindi pinapansin andyan ka parin thank you , tsaka hindi talaga ako tomboy babae ako nu". ang maluwag niyang sinabi.
"Eh Leaya bakit mo ba nasabi un ?" ang tanong ko sa kanya.
"Cge na nga makulit ka eh, ganto kasi un dati Nung may..... "
napatigil siya nang may isang lalake na nag sabing Leaya? sabi na nga ba andito ka lang eh.
"Halika na Crist umalis na tayo" bigla niya ako hinila at tumakbo siya kaya napatakbo narin ako dahil hinihila niya ako.
sabi ko "Sino ba yun?". habang natakbo kami palayo ng palayo sa pinanggalingan namin.
"Basta!" ang sigaw niya sakin
"Umuwi na kana, ok wag kana mag tanong tungkol doon sa lalaking yoon uuwi na rin ako ha Crist cge umuwi kna".
Bakit kaya Ganun? may malalim talaga siyang problema...
Hindi Ko Kasi natanong kung ano ang problema niya..
Kilala kaya niya ang lalaking un?.
.
.
At sino un?..
.
.
.
.
.
.
Bakit Kaya Ganun?
WeWillBeTogether
AllRightsReserved@2014

BINABASA MO ANG
Bakit Kaya Ganun?
HumorA Nerd guy who had been in love to His childhood friend Since birth? . Nauntog nga pala ako sa Sliding door sa canteen kanina hindi ko napansin ang tigas pala ng salamin nun. un buti puro nerd lang din ang nakakita sa akin Eto an...