Chapter 11 - Bakit Ganun

52 1 0
                                    

1st Date ko .

12:00 na at dumating na si Leaya  

"saan ba tayo pupunta?". ang tanong niya. 

"Sa ATC " sabi ko.

"Mag bibyahe tayo?"ang tanong niya . 

"Hindi, mag didrive ako" ang sagot ko. 

"May lisensya ka na ba?" ang tanong niya. 

"Joke, hahaha hahatid tayo ni Kuya ung driver namin " ang sabi ko.

"Ah sige , Tara na?" ang sabi niya. 

"Sige tara" ang sabi ko.

At sa loob ko ay tuwang tuwa ako dahil first date ko to sa buong buhay ko at pumayag si Leaya na mag Date kami . 

Malapit na kami sa ATC nang biglang nasiraan ang sasakyan namin .

"Naku sir Crist, nag overheat po ung engine "  

ang sabi ni kuya.

" Panu yan Leaya?" ang sabi ko. 

"Biyahe nalang tayo marunong ako" ang sabi niya ng naka ngiti . 

"Sorry nagka ganto pa sorry" malungkot na pag kakasabi ko.

" Ok lang mas gus2 ko biyahe para matuto ka din " ang sabi niya sakin .

Marunong naman ako mag biyahe . kaso papunta at pauwi lang ng school. 

Dati pa ako hindi pinag bibyahe ng parents ko kasi nga mga nababalita sa tv holdap , barilan at kung anu ano pa.

" game sakay na tayo , Parahin mo na ung jeep ".

iniwagayway ko ang aking kamay para tumigil ang jeep .  

Tawa ng tawa si Leaya.

"Bakit?, nu nakakatawa?" ang sabi ko. 

" Wala naman " sabay ngiti niya. 

Feeling ko nga parang kami kasi pag mag kasama kami para talagang kami , Kaso hindi eh.

Pag dating sa ATC kumain kami at nag punta sa Festival Mall .

" Para pala tong maliit na EK " ang sabi ko.

"Ounga eh parang enchated kingdom lang na pinaliit " sabi niya.

" inulit mo lang sinabi ko eh" ang sabi ko sa kanya.

masaya kaming nag laro sa mga laruan doon . para kaming mga bata .  

Sumakay kami doon sa maliit na rollercoaster at sigawan lang sila ng sigawan kami naman ay tawa nalng ng tawa kasi nga nakakatuwa siya . 

Ang saya ko kada lakad namin at kada punta ng rides sa kanya lang ako naka tingin at hindi ko na nga alam kung ano na mga nangyari sa pag lalakad namin ang naalala ko lang ung mag kasama kami at nanood pa ng mga nag fifire dance doon na sobrang galing na kada subo nila ng apoy kinakabahan kami at baka kung ano mangyari pero naniniwala naman kami ni Leaya na kaya nila un proffesion nila ang gawin un kaya easy easy lang sa kanila ang pag subo ng nag babagang apoy na nabuga pa sila ng gas para parang dragon ung bibig nila na bumubuga ng apoy ang gagaling nila 

ANG SAYA TALAGA NITONG ARAW NA TO

Pero ang saya ko talaga kasama ko siya ung mga ngiti niya nakakawala ng pagod.

Tapos hinawakan ko ang kamay niya at sabi ko tara doon sa smack the mole .

Hinihintay ko ang reaction niya kung sasabihin ba niya na bitawan mo nga kamay ko , Pero hindi niya sinabi at naka hawak parin sa kamay ko.

sa loob ko talon na ako ng talon sa sobrang tuwa . dahil sobrang saya ko nag date na , naka holding hands pa .

Malapit na mag gabi at umuwi na kami hinatid ko siya sa kanila.

"Sige Crist , Ingat ka ha thank you sa date ang saya saya " ang sabi niya

"Sige bbye Leaya thank you at pumayag ka sa date ngayon" ang sabi ko.

At umuwi na ako. 

Pagka open ko ng facebook may pic kami ni Leaya na mag kahawak ng kamay.

Kumalat agad sa school nung sumunod na araw . 

Ano kaya sasabihin sakin ng mga kaklase ko......

baka lokohin ako. kinakabahan ako. pero pag mamalaki ko na naka date ko ang matagal ko nang crush , kasi ang mahal mo ay dapat hindi ikinakahiya.  

Maganda man o May itsura .

Wala naman kasing taong panget para sakin.

At nung kinabukasan pag pasok ko Tinanong agad ako ng tropa ko , oh yung tawag sa kanila sa school na tropang Weird.

"Ui Pre, May picture kayo ni Leaya sa fb magka Holding hands nakkss naman nag bibinata na ". sabay na sabi nila Anjeal at Christopher.

"Hala, niyaya ko lang siya na mag lari ng smack the mole nun. kaya hinawakan ko kamay niya." ang sabi ko.

" Oh tapos anu nangyare? " sabi ni Neo 

"Nag , Date kasi kami kahapon " ang sabi ko.

"Wooooooooooooowwwww, Di nga sa panget mong yan hinayaan kang idate ka ni Leaya" ang sabi ni Lance na Biglang sumingit . 

Isa siya sa tropang Handsome sa school.

"Oo , Totoo nag date kami nu problema niyo?" Biglang singit ni Leaya at humawak sa braso ko.

Bigla nalang umalis si Lance at ang tropa nila.

" Wag mo hahayaang apihin ka nila ha Crist " ang sabi sakin ni Leaya. 

at umalis na si Leaya at nag basa na uli.

Lumakas ang loob ko nung hinawakan niya ang Braso ko.

Ayiiiieeee ang sabi ng mga tropa ko.

"Ano kayo naniniwala na ba kayo? " ang sabi ko sa kanila

" Oo na. " sabay nilang isinagot sakin.

ANG SAYA KO , eto na ba magiging kami ba? .

Kung maging kami man masaya ko sobra , pero kung hindi maging kami ok lang yan atleast nakasama ko siya.

AllRightsReserved@2014

Bakit Kaya Ganun?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon