Lecheee flannnnnnn!!!!!
1st day ko sa college, late na agad ako. Akala ko after high school, hindi na ko magiging makupad.
Isang maling akala.
Hindi pa naman ako naka-attend ng orientation kasi late enrollee ako. I'm so lost. I can't find the room for my first class.
Room 401..
402...
403!!!
Yey! I found it.
Irregular student ako dahil I'm a transferee. Ako lang tuloy ang di belong. Saklap. Ayoko talaga ng mga unang araw. All eyes are on me. Para tuloy ako pumatay ng isang musmos na kuting.
Umupo ako sa may bandang likod ng klase, malapit sa pangalawang pinto kung saan ako pumasok. Bakante ang upuan na nasa tabi ko, kaliwa't kanan at biglang may lumapit saken na dalawang student.
"Hi! Transferee ka? Ngayon ka lang kasi namin nakita." sabi nung babaeng maputi at mahaba ang buhok.
"Oo eh. He-h-hello. My name is Kylie." sabay abot ko ng aking kanang kamay para makipag-shake hands.
Yes, I am Kylie Mendoza. 18 na ako. I transferred from an art school. Lumipat ako dito sa Leondale University para maranasan ko ang mas okay na college life. Onti lang kasi studyante dun sa dati kong school, yung tipong para ka lang nasa workshop. That's why I am here.
I am living in a condo but every Sunday, dun ako sa house ng family ko. Di ako rebelde or spoiled brat, I just want to learn things on my own.
*
"I'm Chels and this is Dars." turo niya sa kasama niya.
"Hello!" bati naman saken ni Dars pero lalaki siya, "Anong course mo?"
"Business management." sagot ko, "Bat pala Dars name mo?"
"Short for Darwin." nakangiting sagot niya. Yup, bekiloo.
"Bat ngayong 2nd term ka na nakapasok? Ikaw lang tuloy ata transferee sa block namin." tanong ni Chels
"Impulsive decision. Ayoko na bigla sa dati kong school."
Biglang pumasok na yung prof. Di ko ata napansin na nagbell na.
"Uy, sige maya na lang." sabi ni Dars at nagsibalikan na sila sa upuan nila.
"Okay class. This is College Algebra and I am Sir Marcus. I will discuss the grading system and the syllabus." at napatingin ang prof sa bandang likuran ng klase. Actually, sa direksyon ko.
"Aba nga naman. Wala pa rin ang crush ng bayan. Unang klase, wala. Mapepektusan ko yun." sabay napatingin saken, "Bago ka? Introduce yourself, di kami manghuhula ng identity."
Tumayo ako, "Opoo. I'm Kylie Mendoza." I said with a trembling voice
"Wag ka mag-opo saken. Fresh grad lang ako. You may now sit down" utos niya
Nagdiscuss na si sir ng grading system at course syllabus. Napansin kong di nga halata kay sir na prof siya para kasing ka-edad lang siya ng mga tropa ko. He's gwapo ah.
Bigla naman naagaw ang attention ko nang may pumasok sa back door, yung pintong pinasukan ko kanina.
Siguro siya yung tinutukoy ng prof kanina. Umupo siya tabi ko at tinignan ako.
Awkward 5 sec stare
Oo, binilang ko.
Tas bigla ba naman inihiga yung ulo niya sa lamesa. Tulog na ata.
Late na nga, natulog pa.
Nag-raise ako ng hand, "Uh, sir. Kakadating lang po ng hinahanap niyo kanina." sabi ko kay sir
"Yes I know, di ako bulag. Thank you for telling me." pambabara saken ni sir
Byan. Ako pa nabara. Puchabells.
Ay, epal.
Ay, pasikat.
Ay, gusto maging teacher's pet.
Nagbulungan mga kaklase ko pero rinig ko naman. Huhu. Bad impression agad. Isipin nila ganun talaga akong tao kahit hindi naman.
**
KRINGGGGG!
Nagbell na, ibig sabihin tapos na yung klase ko for today. Isa lang kasi subject ko tuwing Monday.
Inayos ko na gamit ko at akmang aalis na ng room. Umunat ang lalaking katabi ko.
"Hayyyy!" he groaned, "Sa susunod, wag ka kasi papa-impress sa kumag nating prof."
"Excuse me, di ako nagpapa-impress. Hinahanap ka niya kanina nung wala ka pa." sagot ko
"And so? Mind your own business at bat ka ba dito umupo?" tanong niya
"Eh san mo ko gusto umupo? Sa tabi ng prof? Wag ka ngang madamot." pambabara ko sa kanya.
"Aba, pwede rin. Malay ko ba kung type mo siya. Hindi ako madamot, baguhan ka kasi kaya di mo alam. Walang tumatabi saken." pagmamayabang niya
"Bakit? May sakit ka ba para di ka tabihan?" tanong ko
"Oo, ketong." natatawa niyang sagot, "Hahahahahahaha."
"Ay, oo. Nakakatawa eh noh? Che. Bahala ka sa buhay mo. Uuwi na ko." sabi ko at dumaan na sa harap niya.
"Kj." narinig kong sabi niya, di ko na lang pinansin.
Grrr!!! Ang panget ng first day ko. Di ko naman naranasan 'to dun sa unang school ko ah? Palibhasa onti lang kami dun. Eh ngayon, pucha. University eh. Go with the flow na lang.
Dumaan muna ko dito sa Serenitea para bumili ng pampalamig ng ulo at buti na lang may wifi sa branch na 'to.
Nang hawak ko yung phone ko, napansin kong may umupong lalaki sa harap ko.
"Badtrip? Nakanguso ka with matching salubong ang kilay." sabi niya
Napatingin ako sa kanya.
"Ay sir. Kayo pala." sabi ko
"Wag nang sir. Nasa labas naman ng Leondale. Bata pa nga ko." sabi niya then he smiled.
Ang ganda pala ng ngiti niya.
"Sorry pala kanina. Masama lang gising eh." pagpapaumanhin niya
"Don't worry sir. Ayos lang."
"Marcus na lang." pagcocorrect niya
"Opo, Marcus." sabi ko
"Nawala nga yung sir, may opo naman." natatawa niyang sabi
Di ko namalayan na napasarap na pala ang kwentuhan namin. Sinabi niya kasi yung ibang experience niya nung college. Sa Leondale din kasi siya nag-aral kaya binigyan niya din ako ng mga tip on how to survive. Grabe daw kasi mga ugali ng taga-Leondale. Nung tinanong ko naman kung ano-anong ugali meron sila, ako na lang daw bahala makaalam.
Tinapos namin ang pag-uusap sa pamamagitan ng isang shake hand.
----
Author's Note:
Sir Marcus yung nasa photo. :) Gwapoooo. Might upload the Chapter 2 ngayong weekend. :) Sana magustuhan niyo.
BINABASA MO ANG
Stop Seducing Me
RomanceAng kwento ng isang college girl na ang motto sa buhay ay 'go with the flow'. Minsan may pagka-shunga, game kahit san at walang kaarte-arte. Shunga talaga siya, maiinis ka sa pagkashunga niya. Ang kwentong ito ay para kaninuman na magnanais bumasa n...