Chapter 7
"Better to remain silent and be thought a fool, than to speak and remove all doubt."
---
Deads.
Andito kami ngayon ni Jiro sa Dean's Office. Hayyyy. Kamalasan naman di ba? Nakita kasi ako ng dean nung sinapak ko si Jiro kanina sa hallway. Bat ba kasi siya nandun? Epal.
"Care to explain, Ms. Mendoza o gusto mo patawag ko pa parents mo?" the dean asked seriously, bat ba ang sungit nito? Siguro nagmemenopause na.
"Umm.. May nangyari po kasing di inaasahan.." pasimula ko
"Dean, ako na po mageexplain pero pwede po ba tayong dalawa lang?" biglang singit ni Jiro. Bat kailangan silang dalawa lang? Nako. Baka mas lalo ako ipahamak nitong mokong na 'to.
"Ms. Mendoza, maghintay ka muna sa labas. Ipapatawag na lang kita kapag tapos na kami mag-usap." utos ng dean, siguro may pagnanasa 'to kay Jiro kaya ambilis pumayag. Huhubells.
Lumabas na ko at umupo dun sa may waiting area sa labas ng office.
After 15 minutes lumabas na si Jiro at hudyat na yun na kailangan ako naman ang pumasok. Napatigil ako ng bigla niyang hinawakan yung wrist ko, "You don't have to."
"Anong hindi na kailangan? Siyempre kailangan ko pa ipagtanggol sarili ko noh?!" pagtataray ko sa kanya
"Okay na nga sabi. Eh pero kung magpupumilit ka pumasok at ibahin yung mga sinabi ko, then go. Baka sakali dun ka pa magkaron ng punishment." sabi niya
"Ha? Ano ba sinabi mo sa dean? Meaning, di ako masususpend?!" gulat kong tanong kay Jiro
"Onga! Kulit! Yan ah, utang mo saken." sabi niya
"Aba naman! Ikaw nga 'tong puno't dulo kung bat ako napatawag ng dean eh. Ano ba muna kasi sinabi mo? Bat hindi ako mabibigyan ng offense?" pagtataka ko habang kinukulit ko siya
"I told her na kaya mo ko sinapak kasi hindi mo matanggap na binusted kita dahil patay na patay ka saken. So yun. She thinks it's funny and lover's quarrel lang daw yung nangyari. Hahahahaha." natatawa niya pang sinasabi saken
"Pukabells! Jusko kaya pala. Nakakahiya sa dean baka isipin niya na totoo yun at never ako magkakagusto sa mukhang palaka na katulad mo!" dinuro ko siya
"Ah ganun? Eh tara na, babawiin ko sa dean. Sasabihin ko na najebs ka tas nagalit ka saken dahil binigyan kita ng Chuckie na sarap na sarap ka naman." pananakot niya saken
"CHE!" naglakad na ko palayo sa kanya pero hinabol niya ko
"Uy uy uy uy. Teka. Wala man lang thank you?" tanong niya
Alpakapalmuks! Lord, bat ba ko nakatagpo ng ganitong tao? Huhuhuhu. Masama ba ko para bigyan niyo ng ganitong nilalang na hindi ako papatahimikin?
"Lamats." pabulong kong sabi, nahihiya at naiinis pa rin ako.
"You know why I did that?" he asked at napatingin ako sa kanya
"Ha? Sinadya mo talaga yun? Bakit?" naluluha na ko, "Masama ba ko? Dahil ba 'to sa napikon ka saken? O dahil lagi ko naiistorbo yung pang-aararo mo sa mga babae mo? Ha? HA! Ganun ba?"
*tok!*
Pinitik niya noo ko, "Engot, di ba ayaw mo pumasok sa klase? Kaya yun. Eh sakto may Chuckie ako na naiwan sa kotse ko kahapon kaya alam kong majejebs ka pag ininom mo yun at maeexcused ka." pag-eexplain niya

BINABASA MO ANG
Stop Seducing Me
RomansaAng kwento ng isang college girl na ang motto sa buhay ay 'go with the flow'. Minsan may pagka-shunga, game kahit san at walang kaarte-arte. Shunga talaga siya, maiinis ka sa pagkashunga niya. Ang kwentong ito ay para kaninuman na magnanais bumasa n...