8

12 0 0
                                    

Chapter 8

"Fall in love when you're ready, not when you're lonely."
----

"Kylie?!"

"Kylie?"

Yan ang dalawang familiar na boses ang sabay na tumawag saken. Hindi ko alam kung ano dapat ko sabihin sa kanila. Baka isipin nila na nakikipagkita ako kay Bryan kahit na kakameet  lang namin ng isang beses.

Lumingon ako sa kanila, "Uh, hi?" mahihinhin kong kaway sa kanila

Si Jiro at si Marcus, ang dalawang taong malabo.

"Ginagawa mo dito?" tanong ni Jiro, "Kilala mo ba ate ko?"

"Ay shet. Eto ba yung party niyo? Pakshet di ko alam." pagdefend ko sa sarili ko, di ko naman talaga alam. Wala naman nabanggit si Bry na pupunta kami sa party nila Jiro.

"Tss. Party crasher." Jiro hissed

"Eh sino kasama mo dito?" singit naman ni Marcus in a serious tone. Bat ba ganun siya makapagsalita? Yung way niya ng pagtatanong parang ma-awtoridad na akala mo boyfriend o asawa eh.

"Si.." bago ko masagot eh sumulpot na kasama ko.

"Ako." sagot naman ni Bryan na may dalang dalawang baso ng champagne

"Bat ikaw?!" gulat nilang reaction sa sagot ni Bryan

"Eh bat hinde?!" he mimicked the two of them

*

Paguuntugin ko yung tatlo, tama bang iwan ako?! May binulong lang si Jiro kay Bryan tas sabi saken wait lang daw. Aba sus ginoo! Nakaupo lang ako dito sa table na para lang sa mga close nung celebrant pero dito nila ako pinaupo kasi dito rin daw naman sila. Ang kaso hindi ko naman kakilala yung mga nakaupo na ibang bisita kaya tahimik lang ako habang tinutungga yung champagne na binigay saken ni Bry. Ehh... GUTOM NA KO. Hindi pa ko kumakain kasi nakakahiya naman na kumuha na agad ako eh saling kitkit lang naman ako dito. I'll just wait for them to come back, baka kakain na kami pagbalik nila.

May lumapit na isang babae na sobrang ganda, matangkad at sexy. Yung parang pang-candidate ng Ms. Universe. Bineso niya ang mga bisita na nakapwesto din sa table na inuupuan ko. Nung nagawi yung tingin niya saken, napakunot siya ng noo.

Naglakad na siya papunta saken, nang makalapit siya saken, "Excuse me? Do I know you?"

"Last time I checked, wala akong kilala na pang-beauty pageant ang postura na katulad mo." papuri ko sa kanya. Pakshet. Para bang tomboy pagkakasabi ko?

"Oh, that's very nice of you. Thanks pero hindi kita kilala, ano ginagawa mo dito sa party ko? Exclusive lang 'to sa mga family and friends ko." sabi naman niya saken, natuwa siya sa compliment ko pero parang ang sungit niya. Baka may attitude problem, sayang yung ganda niya.

"Ahh eh kase ano eh.." di ko alam sasagot ko.

"Date ko siya."

"No, ate. She's my date."

"Uhh, I invited her?"

Explain naman ng tatlong pugok na bigla na lang sumulpot sa likod ko. Eh bat sila ganun? Is there something wrong?

*

Hindi ko man lang naenjoy ang pagkain dahil sa tension kanina. Eh pano ba naman kase, yung ate pala ni Jiro ay ubod pala ng kasamaan. Muntikan niya na ko ipadampot sa mga guards dahil daw hindi ako belong. Grabe ah. Hindi naman ako hampaslupa para tratuhin ng ganun. Buti na lang pinagtanggol ako nung tatlo lalo na si Marcus. Pinsan at ka-edad niya lang kase si Ate Ava, si Jiro naman hindi masyado makakontra kasi mas matanda sa kanya yung evil witch na yun.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 08, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Stop Seducing MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon