Chapter 5
"Mind over matter."
--
Andito kami ni Jiro sa may kainan. Hindi yung sosyalan na kainan ah puro street food lang. Hahahaha. Nagutom ang pervert na 'to. Sumabog din siguro utak niya katulad ko sa Algebra kanina. Dala namin yung kotse niya since nagcommute lang naman ako papuntang Leondale.
"Ang cheap mo naman, dito mo lang pala ko dadalhin." sabi ko
"Choosy ka pa, di naman kita girlfriend para pag-aksayahan ng pera." mayabang niyang sagot
"Ay, ayos na pala dito kesa maging girlfriend mo. Kuripot." pang-aasar ko sa kanya
"Kuripot ka ba? Ako, proud to be kuripot!" panggagaya niya dun sa commercial ni Boy Abunda
"Hahahahahaha. Dafuq. Benta ng mukha mo. Akala ko kasama ko na talaga si Tito Boy." natatawang sabi ko
"Ay wala na. Di na funny. Humirit ka pa eh." pambabara naman niya saken
*BURPPPP!*
"Sarap!" sabi ko pagka-dighay ko
"Byan. Parang di babae." epal niya
"Che." hindi ko na siya pinansin
Wala na naman ako lakad kaya di ako nagmamadali. Wala na rin naman akong class kaya okay lang saken kahit anong oras at kahit san pa ko pumunta.
"Tara inom." pagyaya niya saken
"San?" tanong ko
"Sa bar ng friend ko." sagot niya
Malamang oo na agad sagot ko. Sumakay na ulit kami sa kotse. Ang aga naman nito magyaya ng inom. May bukas na pala na bar ng 2 in the afternoon.
**
We arrived at this place called Myst. Mukhang sarado pa pero kaibigan niya nga yung may ari nitong bar kaya ayos lang. Nag-park muna kami tas pumasok na ng Myst. Pagkapasok namin akala ko kami lang ang magiging tao. Bat andito yung iba naming schoolmates sa Leondale?
"Uy, bat andami ng tao ng gantong oras? Puro taga-school ata natin 'to eh." tanong ko sa kanya
"Mostly nga taga-Leondale pero marami din na galing sa ibang school. Tambayan talaga 'to ng mga walang klase o yung mga nagccut." pageexplain niya
Andaming tao ng gantong oras, pano pa kaya sa gabi? Palagi kaya dito si Jiro?
Pumunta si Jiro sa may bartender, sinundan ko lang siya. Bat parang nakatingin yung ibang tao samin?
"Uy, pre. Akyat kami sa taas ah?" sabi niya dun sa bartender. Tumingin saken yung kausap niya.
"Hi, miss. I'm Bryan. You are?" tanong niya saken
"Kylie." sagot ko naman then I gave him a sweet smile
"You're pretty. Girlfriend ka ba nitong mokong na 'to?" natatawa niyang tanong saken
"Nope and never mangyayari yun. Niyaya niya lang ako uminom dito." sagot ko, "You own this bar? Nag-aaral ka din ba sa Leondale?" tanong ko naman sa kanya
"Yes, I own this and I graduated last year. Buti sumama ka kay Jiro dito. Ingat ka ah, baka di ka makalabas ng buhay dito. Hehehe." warned by Bryan the bartender
Bat parang deliks buhay ko dito sa Myst? Andaming tumitingin tas baka di daw ako makalabas ng buhay. Oh noes.
"Oy, wag mo nga yan takutin. Akyat na kami. Sunod ka na lang sa taas para makakwentuhan mo pa si Kylie." sabi ni Jiro kay Bry

BINABASA MO ANG
Stop Seducing Me
RomanceAng kwento ng isang college girl na ang motto sa buhay ay 'go with the flow'. Minsan may pagka-shunga, game kahit san at walang kaarte-arte. Shunga talaga siya, maiinis ka sa pagkashunga niya. Ang kwentong ito ay para kaninuman na magnanais bumasa n...