6

100 0 2
                                    

Chapter 6

"Get your friends close, enemies closer."

--

Hulaan niyo kung asan ako..

Nasa Myst pa rin. Kasama ang Algebra prof ko na si Marcus. Oh di ba? Awkward talaga. San ba kasi pumunta si Jiro? Second time na 'to na iniwan niya ko. May tumawag kasi sa phone niya tas saglit lang daw siya mawawala. Okay lang naman daw siguro na kasama ko si Marcus dahil magkakilala naman kami. Si Bry kasi lumabas rin ng room dahil darating daw yung supplier niya.

Kaya no choice.

"Bat di mo sinabi saken na dito ka pupunta?" biglang tanong saken ni Marcus

"Eh malay ko ba kung alam mo 'to. Tsaka bat ko sasabihin sa'yo? May studyante bang nagpapaalam sa prof kung gigimik siya? Haha." I faked a laugh

"Tss." he smirked

"Di mo naman sinabi na pinsan mo pala si Jiro." sabi ko naman sa kanya

"May prof ba na sinasabi sa studyante ang mga kamag-anak. Haha." sagot niya na katulad ng pagkakasabi ko kanina.

"Gaya-gaya." sabi ko

"So, are you dating my cousin?" he asked with an awkward tone

"Nope. Why would I?" tanong ko naman sa kanya

"Wala. Hindi yan madalas nagdadala ng babae dito kasi kadalasan mga babae mismo nagiinvite sa sarili nila para makita si Jiro." sagot naman niya

Hearthrob talaga. Di ko naman malaman kung ano nagustuhan nila dun sa kumag na yun. May itsura nga siya pero yun lang. Nothing special naman.

"Ahh. Ganun ba siya ka-hearthrob?" pagtataka ko

"Ewan ko. Basta mas gwapo ako." pagyayabang niya

"Utot." sabi ko pero gwapo naman talaga siya. Haha.

"So, back to my question. Are you dating my cousin?" pag-ulit niya sa tanong niya kanina

"Ay, jusmiyo garapon. Ang kulit mo rin eh noh? Sabi ko nga hindi eh." sagot ko

"So, are you dating me?" tanong naman niya

Hmmm..

"I don't know and I don't care." pagtataray ko

"Ouch naman. Sungit mo. Halikan kita diyan eh, kanina pa ko nagpipigil." mukhang kawawa niyang sabi

"Che. Alam mo, di tama yung nangyari satin. Tsaka one time thing lang naman sa'yo yun eh." sabi ko

"One time thing? Sinong nagsabi? 'Yang makitid mong utak? For your information, young lady, seryoso akong tao. Palibhasa kasi, judgemental ka." pagsesermon niya saken

"Nilalait mo ba ko o ano? Hindi naman talaga kasi tama yung nangyari satin. I'm not judging you, I just want to end kung ano man yung naumpisahan natin." sagot ko

"Naumpisahan? Di pa nga kita nililigawan eh. Hintayin mo muna dumating sa point na yun para sabihin mo na nagumpisa na yung tayo." he said in serious manner



****

Hayy buhay. Nilapag ko ang gamit ko sa kama. Kakauwi ko lang galing sa Myst. Iniwan ko si Marcus nang biglang pumasok si Bryan. Nakaka-stress yung conversation namin kanina. I can't even look directly sa face niya. Ewan ko. He mentioned that he wants to court me and take it seriously. Eh kung anak ba naman siya ng hinayupak na katimangan, dapat maisip niya na bawal.

Stop Seducing MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon