Chapter 1

57 2 0
                                    

Chapter  1

I’m  Carla Maureen Villarama. 21 years old. Careen Villarama University. Yup, we own that university. At ipinangalan yun sakin nila Mom and Dad. May isa akong kuya, si Carl Maxwell Villarama. I graduated high school as Valedictorian and in college as Suma Cum Laude. Sabi nila Mom, mapapasakin lang ang school kung magkaka-asawa na daw ako. Tinanong ko sila kung kelan, sabi nila may hinihintay lang daw sila. Looks like may “arranged marriage” in 20th century.

Tingin ko, sa susunod nalang ang iba about sakin dahil may masamang hangin ang biglang sumira sa mood ko.

“Oy Mau! Wag ka ngang malungkot dyan! Nakakasama ditto sa Bar yan eh! Cheer up!”  sabi ng best friend kong bakla.

Siya si Laurence Collin. Mayaman din sila like me. Bakla at 4 years ko nang best friend yan. Since 1st year college ako. S’ya lang ang naglakas loob na maging kaibigan ko. Takot kasi sakin yung mga classmates ko dahil anak daw ako ng university owner. Hindi alam ng family niya na baklush siya. Ang alam, lalaking-lalaki siya.

“Oo nga girl! Umayos ka nga! Sayang lahi natin sa ginagawa mo eh.” Sabi naman ni Ashley.

Ashley Marie Villarama. Close cousin ko sa part ni Dad. Kami-kami lang ang magkakasama.

“ Pwede ba, tumigil kayo. Namomroblema na nga yung tao eh.” Saway ko sa kanila.

“Ano namang problema mo?” tanong ni Rence.

“ Napansin kong halos lahat na nasa akin. Pera, bahay, pamilya, properties, medals at kayo.”

“ Wow salamat sa pagyayabang ha. Akala ko ba problema yang iniisip mo. Bakit napasukan ka lang ata ng hangin sa utak.” Sabi ni Ash.

“Can you please let me finish in what I’m saying? Please?”  sabi ko sabay irap.

“ Okay. Sabi ko nga eh. Continue.”

“ So eto nga, lahat nasa akin na pero parang walang kakulay-kulay yung buhay ko. Alam nyo yun? Walang thrill.” Saad ko.

“Alam ko na ang sulosyon dyan.” Patango-tango pa niya sabi.

“Ano naman yun?”  sabat ni Rence.

“Just leave it to me darling.” Sagot ni Ash.

I smell something fishy.

--

ASHLEY’S POV

“Ano namang naisip mo? Huh?” tanong sakin ni Rence.

Nandito kami sa parking lot at nasa loob na si Carla ng kotse ko. Sa tingin ko, kailangan niya ng boyfriend kaya dadalhin ko siya sa Ashley’s World. Ang pagiging fan girl. Tignan niyo ako, blooming as always. J

“ Kailangan niya ng lalaki sa buhay. Wala daw thill eh.”

“WHAT?! TUTURUAN MONG LUMANDI YANG SI CARLA?!!”

Ganyan talangan yang si Rence. Mas over proctective pa kesa kay kuya Carl pagdating kay Carla. Kaya naaawa ako dyan kay Carla eh, no boyfriend since birth ang peg. Pa’no nangyari yun? Dahil lahat ng manliligaw ni Carla, tinataboy ni Rence. Kami lang naman ni Carla ang nakaka alam na bakla siya eh.

“Ouch! Nakakabinge naman! Alam mo, konti nalang iisipin ko na in-love ka kay Carla! Tignan mo nga yung tao, walang lovelife! Maawa ka naman eh no!”  sabi ko sa kanya.

Bigla naman siyang natahimik. Sabi na nga ba eh. In denial stage pa siya. Tsk.

“Lumayas na nga kayo! Malas niyo sa negosyo!

“Okay. Bye Rence!”

--

CARLA’S POV

“AAAAAAHHHHHHHH!!OMG!! ANG POGI TALAGA!!!”

“ Uy! Ano ba ginagawa natin dito? Ang sikip ha.” Sabi k okay Ash habang hila-hila niya ako ditto sa Event Center ng SM Valenzuela. May mall show ng isang artistang hindi ko kilala.

“Welcome to my world girl! OH MY GOSH!!! ANG POGI MO TALAGA!” sabi niya at biglang tumili ng sobrang lakas.

“Whatever!” walang ganang sagot ko sa kanya.

Ilang beses na akong hinihikayat ni Ashley na sumama sa kanya tuwing may mga mall show ang mga “poging” artista. Sabi niya makakahanap daw ako ng boyfriend. Hindi ko alam sa paanong--- paraan. Oh-Sizzling-Hot body!

Parang may angel na bumagsak sa Earth. Matipuno, maputi, mukhang mayaman, have angelic face, pointed nose, matangkad. Hayyy. Lord, nasalangit naba ako? Bakit may anghel dito?

Wait! Parang tumigil ang oras. Parang kami lang dalawa ang nagdito sa earth. Kumakanta siya. Bakit ganito? Love na kaya ito? My gosh, love at first sight ba toh?

“Girl, tulaley? Alam kong pogi si fafa Alvin, pero magtira ka naman para sa mga fans.”

“Anong alam mo sa lalaking yan? Oh my gosh! Please tulungan mo ako! Ang pogi niya! Siya na talaga!”

Sabi ko sa kanya habang niyuyugyug siya.

“Okay. Okay. Sa condo tayo. Marami akong info about him.”

Alam kong kabaliwan ‘tong gagawin ko. Pero—ah basta! Go with the flow na lang. Wala namang mawawala eh.

“Girl! Eto na oh!” sabay abot sakin ng folder.

Ito talagang babaeng to!

Binuksan ko na yung folder. Wow! Ang hot pala niya talaga.

Name: Tyler Alvin Lim

Age: 22

Birthday: January 19, 1992

Birthplace: Makati Medical Center

Course: Business Administration

Work: Actor/Singer/Dancer

Hobbies: Playing guitar

Hephep! Yung iba, sakin nalang yun.

“ Sige girl! Thank you talaga ha. Bye!”

“You’re welcome girl! Anytime girl! Masaya akong nakikita kang Masaya.” Sabi niya tapos niyakap niya ako.

“Drama na natin! Bye na!”

--

Sa bahay…

“Mom, Dad, Kuya! I’m home!” sigaw ko.

Hayyy. Wala nanaman sila. Ako lang nanaman ang nandito. Pa’no ba naman kasi, sila mom and dad, super busy. Yung tipong hindi na sila nagpapa-alam sa’yo na aalis sila para sa business meeting. Si kuya Carl naman, babaero. Walang araw na wala sa bar yan with his friends. Siguro naman nage-gets n’yo na kung bakit walang kakulay-kulay ang buhay ko. Tingin ko nga, sila Rence at Ashley lang ang karamay ko sa buhay at sila lang ata ang nakaka-alam na nage-exist ako sa mundo!

Ang drama ko na masyado, maka-akyat nga muna.

Pagkatapos kong mag-shower, nagbihis na ako at humarap sa laptop ko. Maka-search nga ng iba about Alvin Lim.

Search…

Search…

Search…

WAIT!!!

“WANTED: PERSONAL ASSISTANT OF ALVIN LIM.”

Dialling…

“Hello?”

“Mhhm, yes hello! Nanganga-ilangan daw po kayo ng P.A. ni Mr. Lim. Gusto ko po—“

“Oh Gosh! Meet me at my office tomorrow, before lunch. I’ll text you the address okay? By the way, I’m Czarina Lim, the manager of Mr. Lim. And what’s your name again?”

Ahhh. Anong pangalan?

“Ahmmm, Carly Mae Cruz po, at your service!”

“Okay Ms.Cruz. Well, see you tomorrow, bye!”

TOOT—TOOT

Patay tayo dyan!

Ano ba kasi ang sumagi sa magaling kong utak at na dial ko yung number. At, kumusta naman, “Carly Mae Cruz”? WHAT THE EEEFFFFFF!!! !

--

The Stalker's StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon