Chapter 10

22 1 0
                                    

Chapter 10

CARLA’S POV

Nandito kami sa burol ni Papa Arthur. May konting improvement kay Rence dahil nakikipag-usap na siya sa iba. Compare kahapon na tulala at tila malalim ang iniisip. Maraming nakikiramay sa pamilya Collin, mabait at respitadong tao si Papa Arthur kaya marami ang nakakakilala sa kanya.

Isa na doon ang aking pamilya. Expected ko na darating sila Mom and Dad dahil magkakaibigan sila nila Mama Angela. At alam ko rin na pipilitin nila akong bumalik sa bahay.

“Carla, anak.”

Sabi sa inyo eh, pupunta parents ko dito. Niyakap ako ni Mom ng mahigpit. Na-miss niya siguro ako ng sobra.

“Mom…Dad…Kuya.”

“Where have you been Carla? Nag-aalala kami sayo. Bakit ka umalis ng bahay?”

Sabi ni Mom pagkatapos akong yakapin.

“Mom, I’m okay. Don’t worry about me. May inaasikaso lang po ako. Then babalik na po ako sa mansion.”

Paliwanag ko. Eh sa hindi ko alam ang dahilan eh. Tsaka, bakit nga pala ako nagtatrabaho kay Sir Tyler?

“Maureen, let’s talk at home.”

Patay! Galit na yan. Hindi lang yan makasigaw bigay respeto lang kay Papa Arthur.

“But Dad- -“

“Let’s go home now.”

Wala na akong nagawa. Nagpaalam na kami sa pamilya Collin para umuwi. Sasama lang ako sa kanila ngayon. Pero hindi ibig sabihin non na doon na ako titira. Epal kasi tong kapatid ko eh.

At house..

“Ano ba ang pinaggagagawa mo sa buhay?! Are you out of your mind Maureen?”

Si Dad yan. Hayy, mahabang resemonyas na naman ito.

“Dad, may inaasikaso lang po ako.”

“Ano naman ang inaasikaso mo?! Maureen, nandyan lang ang company natin at ikaw lang ang hinihintay! Tapos may iba kang inaasikaso? My God! Ano ba yang inaasikaso mo?!”

Patay! Hindi ako prepared sa mga ganyan. Ano kaya ang masasabi ko?

“Dapat ka nang mag-asawa.”

“WHAT?! DAD NO! Ipapakasal niyo ako sa hindi ko gusto? Arranged marriage? Dad! 20th century na! Hindi na uso ang ganyan!”

“Uso?! It doesn’t matter kung uso ba siya or hindi! Basta sa ikabubuti mo! Tapos ang usapan.Aasikasuhin ko na ang lahat.”

“Diyan kayo magaling eh. Isa na yan sa ayaw ko sa inyo eh! Hindi niyo iniisip yung nararamdaman ng iba!”

Tsk. Makalayas na nga dito.

Pupunta ako sa kaibigan ko. Doon, walang mangenge-alam sakin.

--

1 week later…

“Rence, sure ka na ba?”

“Yes Carla. I made my decision. Magbabakasyon kami nila Mommy sa London. Kailangan din naming ito.”

“Iiwan mo na ba ako?”

Eh kasi naman itong si Rence, magbabakasyon daw sa London. Eh baka naman doon na siya tumira.

“Ano ka ba naman Carla! Bakasyon lang yun. Kailangan din naming to. Alam mo na.”

“Hayy. Okay ingat kayo doon ha. Pasalubong ko.”

“Okay. Ikaw mag-ingat ka dito. Wag kang magboboyfriend hangga’t wala pa ako ha. Hintayin mo ako.”

Huh? Parang may pinapahiwatig siya or ako lang iyon?

“Okay. Goodbye. Ingat kayo.”

--

Pagkatapos naming mag-usap ni Rence sa restaurant na pagmamay-ari nila, dumeretso na ako sa condo.

Kumusta na kaya yun.

DING-DONG

DING-DONG

Hindi na nagtagal at bumukas na ang pinto. At bumungad sa akin ang isang lingo kong hindi nakitang angel.. Bakit hindi kumukupas ang kagwapuhan nito?

Ay nga pala! May atraso pa ako dito.

“Sir Tyler. Wala na po ba akong babalikan? Sorry po kung nasagot ko po kayo nung gabing nag leave po ako sa tra- -“

“Get in. May paguusapan tayo.”

Hala! Baka sinumbong ako nito kay Tita Rina. Pero, kakampihan naman ako ni Tita Rina eh.

Pumasok na ako at nakakita ako ng pangyayaring Malabo talagang mangyari.

Bakit ganito?

Bakit ang linis ng bahay niya?

Bahay niya ba ito?

Bakit ganito kalinis?

“Surprised?”

Nabalik ako sa realidad ng magsalita si Sir Tyler.

“Sir..” sabay turo sa sala.

“Kayo po naglinis?”

He nodded. “Surprise again?”

“Saan ka pumunta nung one week kang wala?” tanong niya at saka umupo sa sofa.

“Ahhmm… S-sa kaibigan ko po.”

Biglang kumunot ulo niya. Bakit kaya?

“S a kaibigan mo? Bakit? Anong meron?”

“Kasi po nawalan po siya ng ama.”

“Ahh. Condolence sa kaibigan mo.”

Teka? Bakit ang bait nito? Mukhang mapapadali ang trabaho ko ah.

“Sige po. Sir, ipapasok ko lang po ang mga gamit ko sa kwarto.”

Pa pasok na ako ng kwarto nang tawagin niya ako.

“By the way Carla, mag-ayos ka na ng gamit mo.”

Huh?

“Bakit po?”

“May photo shoot ako sa Boracay bukas. Kasama mga kapatid ko. Mamaya ang alis natin.”

Biglaan ata? Di bale na nga lang.

“Opo sir.”

--

Ang boring ng aking update. Abangan ang sweetness nila Carla and Tyler! Suggest naman kayo ng love team nila. Thanks. Don’t forget to vote!

XOXO KimsAngel_143

The Stalker's StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon