Chapter 6
“Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?! Bakit kailangan mong pumasok bilang personal alalay! Alam mo ba yang pinasok mo?! Kapag nalaman ito nila Tita, tiyak na magagalit yun! Tigapagmana ng Careen Villarama University nagtatrabaho bilang P.A.! My Gosh Maureen!”
Hayss. Tama kayo! Si Rence yan. Nandito kami sa isang coffee shop malapit sa subdivision nila. Ang bunganga naman nito! Talo pa parents ko eh. Oh well, gagana kaya yung charm ko dito?
“Rence, alam ko namang concern ka sakin. Pero hayaan mo muna ako dito kahit 6 months lang. Nkapirma kasi ako sa contract eh. Si Tita Rina pa yung boss ko, so how can I refuse?”
Pagkasabi kong iyon ay biglang nagdilim ang aura niya. Paktay!!
“Tita Rina?! As in yung tita ni Vin?! Are you out of your mind Maureen?! Akala ko ba hindi mo na siya hahanapin? Akala ko ba ayaw mo na sa kanya?”
Over acting naman! Pero I found it sweet.
Hinawakan ko ang nakakuyom niyang kamao sa table.
“Rence, listen. 6 months. Just give me 6 months to experience all the things that I can’t do as Carla Maureen Villarama. Just please, keep this as a secret. Please?”
Tinignan niya ako ng masama sabay hinga ng malalim…
“Fine! But you should answer all my calls and texts okay? I’m giving you 6 months. Only 6 months Maureen. Is that clear?”
Hayss. Finally! Sana naman mag work ang mga plano ko.
---
TYLER’S POV
“Bro, what’s up? I heard from Dad na may bago ka daw P.A. .”
Nandito kami ni Tim at ang buong barkada sa PHub. Exclusive for rich people lang ang bar na ito. Of course nandito kami.
He’s my older brother, Timothy Arvin Lim. Vocalist of “EXOTIC”. 1 year lang ang tanda niya sakin.
“Yeah! Her name is Carla.” Sagot ko.
“Carla.. Nice name. Tell us more about her. Sexy?”
That’s Marco Miguel Amores. Or known as MM the Casanova Prince. Best friend ko since elementary. And love those girls who have sexy body.
“She’s kind and smart. Sexy? Yes she is.”
“Woah! You’re lucky with that one! Buti hindi ka pa naiinlove dyan.”
And he is the smartest in the group. Hubert Emmanuel Rodriguez. Ang pinakamabait at mapagmahal sa grupo.
“Love? That’s impossible. She’s definitely not my type. Bungangera siya and utusera. Nagpapakabait lang talaga ako dahil baka magsumbong yun kay Tita at kumpiskahin ang ATM cards ko.”
“We never know. Everything’s possible now.” Asar ni MM.
“Pero kung pa-inlovin mo kaya. Para hindi kana isumbong sa Tita mo.” Dugtong pa ni MM.
Ma-fall? Si Carla? I think that’s a good idea. Why don’t we try that one.
“That’s a nice idea. May maitutulong ka rin pala kahit minsan MM.”
“Of course. Ako pa.”
“For me, that’s not a good idea. Vin, manloloko ka ng ibang tao para lang ma-uto mo?” kontra naman ni Tim.
Tsk. Parang hindi niloko ni Mom si Dad at iniwan tayo noon ah. Parang wala lang sa kanya ang nangyari. Hindi nabuo ang pamilya naming dahil wala kaming mommy. Wala ang walang kwentang nanay namin.
“Come on Tim! Minsan na nga lang sumang ayon sakin si Tyler eh. Pumayag ka na! Di ba Hubert?” –MM
“I’m out of this. ‘Di ko kaya mga pinaggagagawa niyo. Bye guys.” Paalam naman ni Hubert. Tumango nalang ako bilang sagot.
“Tsk. Tim, hayaan mo na yung kapatid mo dito. Tutulunagn ko naman siya eh.”
“Bahala kayo sa buhay niyo! Remember, digital na ngayon ang karma. Mag-ingat nalang kayo! Gotta go!”
Hahahah! Masyado kasing mabait ang kapatid ko kaya yan ganyan.
Bigla akong tinap ni MM sa balikat.
“Bro, its just you and me will continue this plan.”
“Bahala na si Batman pre! Sana gumana.”
Try lang naman eh. Wala naman sigurong masama sa pag subok diba?
“Yan ang fighting spirit! Cheers pre!”
--
CARLA’S POV
Palakad palang ako para sumakay ng elevator. Kakatapos lang ng talastasan naming ni Rence kanina. Ang daming kundisyon. Hay naku! Teka anong oras na kaya?
Tumingin ako sa relos ko at … 8:30 na pala! Baka nagugutom na yung alaga ko.
Nagmadali na akong pumasok sa elevator at pumunta ng 7th floor. Pagdating ko sa condo niya, walang tao. Asan kaya yun? Siguro naglakwacha lang yun! Syempre kailangan din ng mga rtista ng day off.
9:50pm..
Nakapagbihis na ako’t lahat, wala parin siya. Tawagan ko kaya?
Sir Tyler calling…
“Hello?”
Teka, parang iba yung sumagot. Maamo ang boses eh.
“Hello, Sir Tyler bakit hindi pa po kayo uuuwi. Hindi po ba nasabi ng Tita niyo na may curfew hours na kayo?”
10:00pm kasi ang curfew niya.
“Hi! I’m MM. Kaibigan ako ni Tyler. Nalasing kasi si Tyler eh. Kasama ko naman siya at ang kapatid niya. Kaya okay naman siya. Lasing nga lang.”
Sabin a nga ba eh. Nag happy-happy itong lalaking ito!
“Okay Sir MM. Tawagan niyo nalang ako kung may masamang nangyari or kung may kailangan kayo. Kayo nap o ang bahala kay Sir Tyler. Good night po.”
“Don’t call me sir. Just MM okay? Okay, ako na bahala dito. Good night din!”
Binaba ko na ang phone pagkatapos noon.
11pm na. Hindi pa rin ako nakakatulog! Tsk. Mabasa nga muna ang mga dapat gawin ni Sir Tyler.
TYLER’S LIST:
1.MAGLUTO NG ADOBO
2.MAGLINIS NG BAHAY.
Okay… Paglilinisin ko pala ito ng bahay. Pero sa paanong paraan? Yung paraan kung saan magkukusa siyang maglinis ng buong bahay.
I have an idea! A brilliant idea!
Calling Tita Rina…
“Hello?”
“Hi Tita!”
“O? Iha, bakit ka napatawag? Gabing-gabi na ah. May problema ba?”
“Naku tita sorry po sa abala. Itatanong ko lang po sana kung madalas po kayong pumunta sa bahay ni Tyler?”
“Nope. Paminsan lang ako kasi alam kong napakadumi ng bahay niya. Lalo na ang kwarto niya. Hindi ko nga alam kung ano ang gagawin diyan sa kanya eh…”
“That’s great! Tita I have a plan that you’ll surely like…”
--
May Official Facebook Page na po Ang The Stalker’s Story!! Link ko nalang or sa message board ko na lang.. Salamat pos a mga nagbabasa! Pinalitan ko nap o pala ang characters. May prefer ko si Kris Wu as Tyler Lim! Hope you’ll like it! I wish to have many readers! God bless! <3
Exoexo KimsAngel_143
BINABASA MO ANG
The Stalker's Story
FanfictionBuhay ng isang mayamang babaeng humahanga sa artista. And guest what, magiging Personal Assistant pa siya dahil sa lalaking ito!