Chapter 3
G-R-R-R!! Nakakainis naman!
Nandito ako ngayon sa kwarto ko at nagsusulat ng letter para saking pamilya dahil lalayas daw ako.
Paano nangyari yun? Ganito kasi yun…
FLASHBACK
“Ano po ba yung favor niyo?” tanong k okay Tita Rina.
“I want you to be Tyler’s personal assistant for 6 months.”
Ano daw?! Paki-explain naman oh!
“Po?”
“Gusto kong matuto siyang makitungo sa mga tao, kung pa’no maging mabuting tao, kung paano magpatawad at kung pa’no magpahalaga sa mga bagay na meron siya.”
“Pero, dapat po mommy niya po ang gumagawa niyan di’ba?”
“Alam ko, hindi niya kasi yun naranasan. Oh well, this is the agreement. Sa condo ka niya titira from now on. Bilang kapalit ng ipapagawa ko sa’yo, hindi ko sasabihin sa mom,dad at kuya mo kung ano ang pinasok mo at bibigyan din kita ng 30,000 pesos a month.”
Hindi ko naman habol yung pera eh. Pero, yung titira ako sa condo niya at kaming dalawa lang?
“Katulad ng ordinary employee, may day off ka naman. Tuwing Monday and Friday. Kailangan mong sungitan lagi si Tyler at tandaan mong kailangan mas takot siya sa’yo. Pera ang kahinaan nun. Turuan mo siyang magluto, maglinis ng bahay at makipag-kaibigan.”
Wala palang kaibigan to. Kawawa naman. Tapos sa pera takot? HAHAHAH!!
“Palabasin mo sa pamilya mo na lumayas ka. Pero babalik din pagkatapos ng 6 months. Yun lang naman. Deal?”
*hinga malalim. “Deal.”
Wala naman mawawala kung susubukan at tsaka, ginusto kong magkaroon ng thrill ang buhay ko kaya eto na. Go lang ng go.
END OF FLASHBACK
Finally! Naka-isip na rin!
Dear Mom, Dad and Kuya,
Sorry po kung hindi po ako personal na nagpaalam sa inyo. Wala naman pong lalayas ng nagpapaalam. Lumayas po ako sa bahay. May mga dapat lang po akong asikasuhin. Wag po pala kayo magpapapasok sa kwarto ko. Sabihan niyo po si kuya na wag magdadala ng babae sa bahay. Babalik din po ako. Kung kalian ko gusto. I love you all! Mwuaahh!
Carla
Pwede na yan! Makalayas na nga!
Hinila ko na ang dalawang maleta ko at inilapag sa side table ang letter chuchu na ginawa ko. Dadalhin ko rin ang kotse ko. Mahirap na, baka mapa-commute na lang ako ng wala sa oras. Mabuti na yung ready.
--
“O? May chance ka na palang umurong hindi ka pa umurong? Jusko naman Carla! Paano nalang kung may makakilala sayo? Paano kung malaman nila Tita!!!”
Kanina pa ako nabibingi dito habangpaakyat ako sa condo ng magiging alaga ko. Infairness, mas maganda ang lugar na’to kesa sa inaakala ko. Pero mas pangmayaman parin yung condo ni Carl. Nagtataka siguro kayo kung bakit Carl lang ang tawag ko sa kanya no? Next time ko na i-kwento.
“Di ba sabi ko, gusto ko ng thrill sa buhay? And this is it! Ito na ang hinihintay ko. At hindi ko rin naman matanggihan si Tita Rina eh.” Sabi ko.
“Yun na nga yun Carla eh. Natanong mo ba kung nasaan na si Vin? Kung kumusta na siya? Kung nakalimutan ka nab a niya?”
Napatigil ako bigla. Oo nga pala. Bakit hindi ko naisip yun? Paano kung magkita kami ni Vin? Aishh! Baka ibang Lim naman itong aalagaan ko. Pero diba Alvin ang name niya? Paano kung siya si Vin?
“O? Hindi ka makasagot? Hay nako Carla. Padalosdalos ka talaga.”
“Don’t worry Ash, kung magkita kami ni Vin, wala lang sakin yun. Wala na sakin.”
Pagkasabi ko nun, binaba ko na yung cellphone ko. Tadhana lang ang may alam kung magkikita pa kami nung MANGIIWAN nay un!
Krriinnggg!!!Krrriiinnggg!!
“Hello? Sino to?”
Unknown number eh.
“Tsk. Hindi mo ba kinuha kay tita yung number ko? Anong klase kang alalay?! Tsk. Palpak agad!”
I think ito na ang aking ideal guy. Pero bakit kahit ang sungit niya, ang pogi parin ng boses?
“Asan ka nab a? Ang tagal mo naman!”
*ehem* “Sir, anong room number niyo po ba? Nandito nap o ako sa floor hindi ko lang po alam ang room number niyo.” Mahinahong sabi ko.
“Room 691. Bilisan mo at may mall show pa ako. Pagdating mo ayusin mo na ang mga gamit ko. Bilis!”
TOOT-TOOT
Tsk. Ang gwapo na ng boses eh. Masungit lang. Siguro kung kilala lang talaga ako ng Tyler na’to! Naku!
Knock-knock!
Knock-knock!
Knock-knock!!
O? Akala ko ba naiinip na siya? Bakit parang walang tao?
Kakatok pa ulit sana ako kaso…
Bakit lately lagi na akong nakakakita ng anghel? Bakit? Katulad ngayon may anghel sa harap ko. Kahit nakapambahay lang siya, ang gwapo parin.
Nabalik ako sa reality nang magsalita siya.
“So, tititigan mo nalang ako? PUMASOK KA NA SA LOOB AT MAGHANAP KA NA NG ISUSUOT KO!”
Anghel na eh, biglang nagging DEMONYO! Lord, makakatagal po ba ako ng 6 months?
“Pwede wag sumigaw? Ayan ka lang oh, at nandito lang ako. Kailangan talagang sumigaw? Papasok naman ako eh. Wag kang atat.” Pagtataray ko.
Ano ngayon? Nganga siya! Akala niya uubra sakin yang pagsusungit niya? No way! Kahit gwapo pa yan.
Pumasok na ako at naiwan siyang tulala dun sa may pinto.
“So, steady ka lang diyan ganon? Diba may mall show ka pa mamayang 6pm? 4:50 na po kaya kailangan niyo na pong maligo.”
Sabi ko. Mukha siyang hindi pa naliligo pero wag ka! Ang pogi parin niya.
“Tsk.” Finally! Naka move on na rin si kuya!
“Doon ang kwarto ko.”Sabay turo nung pintong color blue.
“un naman ang closet ko.” Turo naman niya doon sa pintong katabi ng kwarto niya. Wow! May sarili talagang kwarto ang mga gamit niya ha.
“Asan yung kwarto ko?”
“Dun yung kwarto mo. Maliligo nako. Pumunta ka na dun sa closet at mamili na ng isusuot ko.”
Sabi niya ng mahinahon at hindi nakatingin sakin. Diretso siyang pumasok sa kwarto niya.
Tsk. Kaya naman palang maging mahinahon eh. Oh well, infairness ang ganda ng sala niya. Sino kaya ang kinuhang interior designer nila Tyler?
Mamaya nalang ang paglilibot. Hinila ko na ang maleta ko at bag pamunta sa kwarto ko. Pagbukas ko ng pinto, WOW! Halatang pinasadya to ah! Makapagbihis na nga! Pra naman hindi akong magmukhang P.A.!
Nka pants lang ako at sleeveless with matching high heels. Pagkatapos kong magbihis, dumeretso na ako sa closet ni Tyler. Nice, arranged ang mga gamit.
Pinili ko ang isang printed white shirt, checkered polo shirt and pants. Sa sapatos naman, yung Nike niyang color yellow and white. Okay nay an.
Ang tagal naman ng lalaking yon!
“SIR TYLER!! 5:20 NA PO!!”
Hayzzz. Tagal naman maligo nun. Ginaya babae!
--
Bitin muna guys! Vote and Comment! <3
BINABASA MO ANG
The Stalker's Story
FanfictionBuhay ng isang mayamang babaeng humahanga sa artista. And guest what, magiging Personal Assistant pa siya dahil sa lalaking ito!