Part 17:
Ro-ann's POV
(Pangalawang simbang gabi)
"Oh.." Sagot ko sa kanya. Tinawag na niya kasi ako, kanina pa naman ako nakagayak, siya lang hinihintay ko kasi siya ang matagal maligo at magbihis.
"Bilis!! Tagal naman!" Sabi niya nung pababa na ko.
"Eto na oh.." Sabi ko ng makababa na ko.
"Tara na.. ang tagal eh!" Nakangisi niyang sabi.
Naglakad na kami papuntang simbahan. Nakasaklop pa ang kamay sa braso ko, batang 'to talaga oh. Pamaya-maya..
*You are not Alone by MJ* (Phone Ringing)
"Hello ma.. . . Papunta kong simbahan.. . . Si Divine, anak ng land lady namin.. . . Sige ma.. . ."
Napatingin ako sa kanya. Nagtatanong ang itsura niya.
"Si mama tumawag, narinig mo naman diba?"
"Ah, oo.." Sagot niya
"Kilala ka kasi niya at ok kay mama na ikaw kasama ko."
"Huh?!" Nagtataka niyang tanong.
"Oo, kilala ka niya. Nakita ka niya nung nag-away si Daddy mo tsaka si Ate Ateng."
"Huh?! Kelan yun?" Hindi na niya natatandaan.
"Nung tumira diyan sila Mama nun. Nakita ka niya tapos si Ateng kinampihan mo." Paliwanag ko.
"huh?! Hindi kotalaga maalala."
"Ai wag mo na alalahanin, basta yun yun."
Nakarating kami sa simbahan na yun ang iniisip niya. Hindi daw siya mapalagay na hindi niya maalala. Ay talaga siya oh.
Dun kami pumwesto sa may pinto dahil ayaw nga daw niya pumasok at umupo. Iba talaga 'tong batang 'to. Pamaya-maya nag-umpisa na yung misa, nagvibrate yung phone ko kasi naka silent nalang. Nung tinignan ko, si Babu yung tumatawag. Tinitignan ko siya, alam kong alam niya na may tumatawag pero ayaw niya kong bitawan kaya...
"Sagutin ko lang." Pero umiiling siya. "Sige na saglit lang 'to."
Binitawan niya ko pero alam ko naiinis siya. Lumayo ako ng bahagya sa kanya.
"Hello.. . . Nasa simbahan ako.. . . Hindi na.. . . Sige na.. . . Text nalang ako pag hindi na ko busy.. . ." At binaba ko na ang phone ko. Bumalik ako sa tabi niya pero walang imik. Hays...
Silent night, Holy night
All is calm, all is bright
Round yon virgin , mother and child
Holy infant so, tender and mild
Sleep in heavenly peace,
Sleep in heavenly peace
Homilya na... Ayan na naman at nakayuko at nakalagay lahat ng buhok sa harapan. Sadako lang? Umiiyak na naman 'to.
Silent night, Holy night
Shepherds quake, at the sight
Glories stream from heaven above
Heavenly, hosts sing Hallelujah.
Christ the Savior is born,
Christ the Savior is born.
Nakita ko yung pagpatak ng mga luha niya sa lapag. Sabi na umiiyak na naman siya. Hinawakan ko yung kamay niya, parang mas lalo pa siyang naiyak nung hinawakan ko kamay niya.
Silent night, Holy night
Son of God, love's pure light
Radiant beams from thy holy face
With the dawn of redeeming grace,
Jesus, Lord at thy birth
Jesus, Lord at thy birth.
Kung may magagawa lang ako para hindi na siya umiyak. Hanggang hawak ng kamay lang ang magagawa ko para kahit papano gumaan pakiramdam niya.
Natapos na ang misa at wala siyang imik. Hays... Wala kaming kibo parehas pauwi.
...Sa bahay
"Oh? hindi ka man lang ba magbibihis?" Tanong ko sa kanya.
Umiling lang siya. Hayaan ko na nga lang muna siya. Tinapos na namin yung tarya namin kasi gagawin na 'to ng manggagawa eh.
...Kinabukasan
Vine's POV
"Ang aga ah.." Bati niya sakin.
"Nyeh.. tanghali na nga eh." Sagot ko sa kanya.
"Hahaha.. Buti alam.."
"Tse! Nang-aasar lang eh." Sabi ko sa kanya.
"Ui mag exchange tayo.." Si mama yun. "Sali natin sila dito sa taas tsaka yung kapatid mo, pati yung mga mangagawa."
"Sige ma maganda yan."
"Gusto niyo?" tanong ni mama kay Ate.
"Oo 'te ok lang." Sagot naman ni ate.
"Sige gawa kami mamaya ng palabunotan." Sabi ko kay mama.
"Magkano gusto niyo?" Tanong ni mama.
"100" Sabi ko.
"Hala, 50 lang." HAha sabi ni Ate.
"Kahit ano..." Sabi ko nalang.
"Sige sabihan niyo nalang sila, sa 24 exchange gift." Sabi ni mama at pumasok na sa loob.
FAST FORWARD
"Tara na Ate, Gayak na tayo." Aya ko sa kanya kasi pangatlong simbang gabi na eh. Naalala ko tuloy kagabi. Kainis!! Nasa simbahan na tumatawag pa yung Cristine na yun!! Asar!!
"Una ka na.."
"Ai!! Hindi!" Sabi ko sa kanya.
"Oo na..." Hahaha.. wala naman siyang magagawa eh.
"Tara na." Pinatay ko na yung ilaw. Ang tagal eh! Hehehe
Papunta na kami ulit ng simbahan. Ganun lang, kwento lang ng kung ano. Bukas nga pala kami magbubunotan kapag nakumpleto na kami. Sino kaya mabubunot ko?
Sorry medyo maigsi.. medyo matagal din ang update. thank you for continuous support.. :)))))))))))))))))))))) Happy 190 plus readssssssssssss...
BINABASA MO ANG
I Love You... . . .ATE Q?!
Non-FictionIf you both love each other... Both of you should hold on to that... Even against all odds. Always remember that love is boundless and gender-less. A struggle of one's true love.