Part 18

252 1 0
                                    

Part 18:

Vine's POV

"Ate... Bubuo tayo ng simbang gabi ah. Nakakatatlo na tayo, anim nalang." Sabi ko sa kanya nang makarating kami sa simbahan. Hindi pa kasi nag-uumpisa yung misa eh.

"Bahala na.." Sagot niya.

"Ay tigilan mo ko sa bahala na yan!! Bubuo tayo!" Sabi ko sabay halukipkip ng kamay ko.

"Mahirap kasi magsalita ng tapos." Sabi niya.

"Ah basta bubuo tayo." At nag simula na ang misa.

"Angels we have on heard high

Sweetly singing ore the plains

And the mountains in reply

Echoing their joyous strains 

Gloria in excelsis Deo

Gloria in excelsis Deo"

Homilya na naman. Hindi ako sumubo ulit. Mas dama kong makipag-usap sa kanya. Ama, Ang gulo ko na talaga. Hindi ko na talaga alam. mas nahihirapan ako kapag naiisip ko na ilang panahon ko nalang siya makasama, at hindi ko na alam kung kelan ko siya ulit makikita. O kung magkikita pa ba kami.

"Come to Bethlehem and see

Christ whose birth the angels sing

Come adore on bended knee

Christ the Lord the newborn King 

Gloria in excelsis Deo

Gloria in excelsis Deo"

Ama, diba alam mo naman hiling ko ngayon para sa kanya, para sa sarili niya. Tulongan mo ko, tulongan mo ko na matutunan niyang magdasal sayo ng para sa sarili niya at hindi laging para sa iba. Naiiyak na naman ako.

"See him in a manger laid

Whom the choirs of angels praise

Mary, Joseph, lend your aid

While our hearts in love we raise 

Gloria in excelsis Deo

Gloria, in excelsis Deo

Gloria in excelsis Deo"

Ama, sana may paraan para hindi na siya umalis. Sana may dahilan para wag na siya tumuloy dun. Ayoko siya malayo sakin, ayoko. At tuloy-tuloy na umagos ang luha ko lalo na nang maramdaman ko ang pag-hawak niya sa kamay ko.

Pauwi na kami ng maisipan ko bumili ng puto bumbong. namiss ko din kasi 'to, ngayon nalang ako ulit makakain.

"Teka, bili tayo ng puto bumbong." Sabi ko sa kanya. Tumango lang siya.

...Kinabukasan

"Oh tara bunotan na tayo." Sabi ni mama.

"Sige tawagin niyo na sila" Sabi ko kay Ate Evy.

Nagbunotan na kaming lahat. Hahahaha.. yung iba nagsabihan ng kung sino nabunot nila pero si Ate hindi ko talaga napilit na sabihin kung sino nabunot niya.

"Tatlo regalo ko ah.." Sabi ko nung naka alis na sila pagkatapos ng bunotan.

"Hala grabe ka,!!"

"Oo seryoso ako.." Sabi ko sa kanya. Minsan lang kaya ako magdemand ng regalo.

"Tatlo talaga?!" Sabi niya. "Panu naman yung nabunot ko?"

"Edi bukod yung kanya." Sabi ko sa kanya. "At kung ako nabunot mo, dapat apat yung regalo ko kasi bukod yung sa exchange gift."

"Hala siya oh!!" Hahaha, ang epic lang.

"Ano ka ba, minsan lang kaya magdemand ng regalo kaya wag ka na umangal diyan."

"Pag ikaw nabunot ko Tatlo nalang dapat." Sabi niya.

"Ay hindi.." Pagtanggi ko. "Iba yung sa exchange gift at iba yung tatlong regalo mo sakin." Hahaha, napapa-isip na siya.

"Ay grabe ka talaga." Sabi niya. Hehehe... minsan na nga lang ako magrequired eh, pagbigyan na.

"At dapat hiwahiwalay ng balot tsaka may card." Dagdag ko pa.

"Hala siya oh!!" Hahaha.. "Ang daming gusto."

"Pagbigyan na, minsan lang eh." hehehe katwiran ko.

A/N: Fast forward ko na guys kasi lagi naman umiiyak si Vine pag simbang gabi at ganun lang ang hiling niya. Sana magkatotoo noh? Naniniwala kasi siya na nagkakatotoo ang hiling pag nakabuo ng simbang gabi.

(Pang siyam na simbang gabi)

"Ate tara na... Simba na tayo!!"

 "Oo ayan na.." Sagot ni Ate.

"Sabi sayo makakabuo tayo eh." Sabi ko habang naglalakad kami papuntang simbahan.

"Oo na.. Sabi mo na.." Hehe..

"Oo.. Ayaw mo kasi maniwala sakin eh.." Sabi ko nang may pagmamayabang.

"Oo na.. oo na.." Hahaha...

Sumainyo ang Panginoon...

At sumainyo rin..

Magbigayan kayo ng kapayapaan sa isa't-isa... Peace Be With You..

"Aray!!" HAhaha.. kinurot ko lang naman si Ate. Eh ganun ang peace be with you ko eh, diba ang peace dalawang daliri? Dalawang daliri din naman pag-nangungurot eh.. Hehehehe..

"Peace be with you ko yan.. hihihihi"

Homilya na at...

"Tara, subo tayo..." Huh?! I mean ngayon lang siya nagyaya. Nung niyaya ko kasi siya nun tumanggi siya eh.

Tumango nalang ako.

Pagbalik namin sa pwesto namin malapit sa pinto, pareho na kaming walang imik. Iba ang dasal ko ngayon.

Ama, ngayon lang. Kahit ngayon lang pagbigyan niyo ko. kung ano man gawin ko ngayon sana hindi niya makita na may ibang kahulugan yun. Sana normal lang niyang tanggapin at wag nalang pansisnin. Wag sana siyang makahalata kasi ewan ko... Basta ang gusto ko lang ngayon maparamdam sa kanya yung hindi ko maintindihan. Alam ko magulo kahit naman ako nagugulohan din. Basta huh? tulongan mo ako huh? Napa-iyak na ko.. Hay ang babaw kasi.

Kasi Ama, hindi ko na alam kung sa pag-alis niya magkikita pa ba kami? Matatandaan pa ba niya ko eh napaka makakalimutin nito. Napangiti ako ng konti, Ano Vine?! Iyak tawa ang peg?! Buang lang?! Eh kasi nga ngayon pa nga lang sobra ko na siyang miss., panu pa pag umalis na siya? Ayoko man pero wala naman ako magagawa. Ganun na naman ang routine ng buhay ko, may aalis na naman. Bakit ba lagi nalang may umaalis? Hindi ba pwedeng may mag-stay naman kahit isa lang? Hinawakan na naman niya ang kamay ko at lalo na akong naiyak kasi hindi ko na alam kung mahahawakan ko pa ba ulit 'to pagkatapos ng gabing 'to.

Pauwi na kami at nagyaya siya na bumili kami ng bibingka.

"Bili tayo ng bibingka.. Kumakain ka ba nun?" Tanong niya.

"Hindi pa ko nakatikim niyan. If ever, first time."

"Ay wag nalang, baka hindi ka kumain eh."

"Hindi, sige na bili ka na... Titikman ko." Sabi ko sa kanya.

Pag-uwi namin sa bahay kumuha ako agad ng tinidor, sa labas kami kumain. Wala na nga pala kaming gawa kasi exchange gift na bukas.

"Masarap?" Tanong niya nung nakasubo ako.

"Ok lang, parang puto." HAhahahaha... Ok fine! Epic fail!!

"Hahahaha!!! Malamang kasi uri ng puto yan!" Pang-aasar sakin.

"Tseh!"

happy 200 reads......................... thank you talaga!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! :))))))))))))))))))))))))))))

I Love You... . . .ATE Q?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon