Part 19:
Ro-ann's POV
Pauwi na kami... hindi ko lang maintindihan kung bakit ganito nalang siya makahawak sakin. Ibig kong sabihin, magkahawak na kami ng kamay tapos nakahawak pa isang kamay niya sa braso ko. Hindi ko nalang pinansin.
Niyaya ko siya na bumili ng bibingka, syempre treat ko kasi ako nagyaya.
"Bili tayo ng bibingka.. Kumakain ka ba nun?" Tanong ko sa kanya..
"Hindi pa ko nakatikim niyan. If ever, first time."
"Ay wag nalang, baka hindi ka kumain eh."
"Hindi, sige na bili ka na... Titikman ko." Aniya sakin.
Habang naghihintay kami sa bibingka, medyo nanibago ako na hinilig pa niya ang ulo niya sakin. Hindi ko nalang din pinansin, dala lang siguro ng pag-alo ko sa kanya.
"Eto na po oh." Abot sakin ng tindera.
Nagkwentuhan pa kami ng kung ano habang naglalakad pauwi pero parang mas lalo siyang naglambing ngayon. Ewan ko ba dito sa batang 'to. Iba lang yung kinikilos niya, hindi naman siya ganyan nung mga nakaraang simbang gabi. Kung hindi kami kilala, siguro mapagkakamalan na 'kami'.
Pagdating namin, kumuha agad siya ng tinidor at dun kami kumain sa labas.
"Masarap ba?" Tanong ko nang makasubo na siya.
"Oo, lasang puto..." Sagot niya. Talaga naman oh...
"Malamang!! Klase ng putoyan eh!" Sagot ko.. kasi naman... Aiisshhhh!!!
"Hehehe.. Pero masarap.." Sabi niya ng nakangiti.
Hangganag sa naubos namin yung bibingka. Mukha namang nagustuhan niya, ayaw niya lang ng parteng sunog. Daming pinipili nito sa pagkain.
...Kinabukasan
Wala na kaming gawa ngayon, inaayos nalang namin yung gawaan sa labas para sa Christmas party mamaya.
"Nak magsisimba kayo mamaya?" Tanong ng Mama niya nung lumabas.
"Hindi na ko magsisimba, nakabuo naman na ko eh." Sagot niya. "Ewan ko lang kay ate kung magsisimba pa siya." Dagdag niya.
"Hindi na din ako magsisimba, marami pa koaayusin dito tska sa taas." Sagot ko.
"Ah ganun.. Kala ko magsisimba kayo." Sabi pa ng Mama niya.
"Hindi na nga... Ikaw magsisimba ka?" Tanong niya sa Mama niya.
"Ewan ko lang.. Bahala na." Sagot nito at pumasok na.
Tumulong din kami sa pagluluto para Christmas party mamaya. Hindi sila gaanong nagluluto pag Paskokaya hindi ganong marami ang pagkain. Mas pinaghahandaan nila ang Bagong Taon.
"Ate yung pinatago ko ah..." Bulong niya sakin.
"Oo na.. Hindi naman yun malulukot yun dun." Sagot ko. Kulit kasi...
"Alam ko naman.. Mamaya mo nalang ibaba kapag nandito na yung ibang regalo."Sagot niya.
"Oo na... Oo na..." Sagot ko.
Pagkatapos magluto umakyat na ko samin para mag-ayos sa bahay at maghanda ng regalo. Hays... masyado magrequired ng regalo ang batang yun.
FLASHBACK
"Ate!!" Tawag niya sakin pagkatapos namin magbunotan.
"Ano?" Sagot ko.
"Tatlo regalo ko ah... ;))))))))))" Wagas makangiti. Tatlong regalo?!! Abusada!!
"Ano?!! Grabe naman! Tatlo talaga?!" Sabi ko sa kanya.
Tumango-tango lang siya ng nakangiti.
"Hala! Paano naman yung nabunot ko?" Tanong ko sa kanya.
"Edi bukod yung sa kanya..." Sabi niya. "Tapos kapag ako ang nabunot mo, magiging apat na kasi bukod yung tatlong regalo mo sakin sa exchange gift. ;))))))" Dagdag pa niya ng nakangisi.
"Ano?!! Grabe naman! Dapat tatlo nalang din kapag nabunot kita para bawas." Sagotko sa knya. AHysss naman kasi makahingi ng regalo.
"Pagbigyan mo na ko... Minsan lang ako manghingi nng regalo." NAgpout pa. Hahaha...
"Ay naku siya oh.."
"Sige na Ate... pleaseeeeeeeeeeeeeee..."
"Oo na.. Ay grabe ka talaga." Sabi ko nalang, wala rin naman akong magawa. Ang hirap tanggihan ng batang 'to eh.
"Tsaka..." Pinutol niya... Ano na naman kaya yung tsaka na yan. "........gusto ko hiwahiwalay ng balot tapos may card ah..." Pagtutuloy niya.
"Ano?! Talaga naman oh... may card pa?!" Grabe naman kasi...
"Oo... yung nakalagay na to tska from.."
"Oo na.. Ay grabe ka talaga."
"Eto naman, sabi sayo minsan lang ako magrequired ng regalo."
"Oo na.. Oo na...' Haysss... Wala rin naman kasi akong magawa, ang hirap tumanggi sa kanya.
END OF FLASHBACK
FAST FORWARD
6:00 pm
Pababa na ako ng makarinig na ko ng ingay sa gawaan. Nandun na siguro yung videoke ng kapitbahay namin. PAgbaba ko, nandun na nga. May mga kumakanta na din, pero hindi ko pa nakikita sa labas si Vine. Kahit kailan pagkatagal-tagal talaga maligo at gumayak.
Nagluto na ko ng ulam namin ng kapatid ko. Ibinaba ko na din ang mga regalo ko sa kanya at gaya ng sabi niya, hiwahiwalay at may card. Pamaya-maya nang matapos ako magluto, lumabas na din ako. Napatingin ako sa pintuan nila nung nabungaran ko siya. Ngayon lang siya natapos maligo at gumayak. Ay batang 'to talaga, anong oras na natapos.
Naka-upo ako sa mataas na upuan tapos dun siya umupo sa harap ko na may mababang upuan na nakalagay. Inakap ko siya mula sa likod habang nakikkinig kami sa mga kumakanta.
"Ate... Kanta ka din." Sabi niya sakin.
"Ayoko, ayoko kumanta.." Sagot ko sa kanya.
"Sige na ate... pleaseeeeeeeeeeeeeee.." Pangungulit niya.
"Ayoko nga..."
"Dali na kahit isa lang..." Kulit talaga.
"Ayoko nga... Diba sabi sayo dapat hindi ako bababa..." Sabi ko sa kanya.
"Ay... Sige na ate... pleaseeeeeeeeeeeeeeeeeeeee........" Kulit talaga.
"Oo na.. Sige na... Kakanta na... Isa lang ah..." Sabi ko sa kanya. " Pero kakanta ka din." Dagdag ko.
"Ay! Wala naman akong sinabing ganun eh.." Sabi niya pa. "Iakw nalang."
"Ay ayoko na... Aakyat nalang ako." Sagot ko sa kanya.
"Ay!!" Nagpout pa.
"Kumanta ka din kasi.." Sabi ko.
"Ay naku.. Oo na.. Kakanta na.. Basta dito ka lang sa baba.. Kakanta ka din."
"Oo na po.." Sagot ko sabay akap ulit sa likod niya.
*You are not alone* Phone Ringing
"Saglit lang" Sabi ko sa kanya at pumasok ako sa amin. Tumatawag kasi si Babu.
Maga ilang minuto ko din siya naka-usap. Kinukulit ako pumunta sa kanila. Eh hindi naman ako pwede umalis dahil una walang kasama kapatid ko, pangalawa may christmas party dito, pangatlo....... si Vine.
Pagkatapos mag-usap bumalik na ako. Si Vine na ngayon ang naka-upo sa mataas na upuan kaya na-upo ako sa katabi nito.
"Pili ka na ng kanta." Abot niya sakin ng song book.
Tumango lang ako at pumili na ng kanta.
Thankyou dear readers!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! 285!!! whoah!!!! well appreciated!!! thankyou!!!!
BINABASA MO ANG
I Love You... . . .ATE Q?!
Non-FictionIf you both love each other... Both of you should hold on to that... Even against all odds. Always remember that love is boundless and gender-less. A struggle of one's true love.