Part 31

211 3 3
                                    

Part 31:

Vine's POV

FAST FORWARD

Medical ko ngayon para sa school na lilipatan ko. Ano ba yan! Valentines day tapos medical ang pupuntahan ko! Ampness naman!

"Layas na ko!" Paalam ko sa Mama ko. Papunta na ko ng school. Dalawang x-ray film pa dinala ko kasi pumalpak yung una kaya nung inulit wala naman... Matopak lang yung una kong x-ray eh.

Hays kapagod... Dito na ko sa school. Haba agad ng pila, pero mabilis naman.

Pila.

Pila.

Pila.

Ok, ako na.

Height

Weight

Color of eyes

shkagshjagdhsgahdgsh. Ang dami pang tanong sakin ng nurse at natapos din ako. Saglit lang pala. Hays sana makapasa ako sa medical. Tignan ko nalang daw sa site kung nakapasa ako.

Bumyahe na ko pauwi, medyo hapon na din ako nakarating sa bahay. Hindi muna ko pumasok sa bahay, tumambay muna ko sa labas. Syempre kasi nandun si Ro-ann.

"Kamusta?" Tanong niya sakin pagdating ko.

"Titignan nalang daw sa site kung nakapasa ako." Sagot ko sa kanya. Medyo matamlay kasi napapagod talaga ako.

"Oh, dito ka na pala! Kanina ka pa? Ano nangyari? Kamusta medical mo?" Oh diba?! Masasagot ko ba yan ng sabay-sabay? Nanay ko talaga!

"Tignan nalang daw sa site kung nakapasa ako." Sagot ko sa kanya, eh sa pagod kasi talaga ako.

"Ah sige,.. Ay! Punta tayo ng Circle ngayon." Sabi ni Mama. " Sama kayo Roan." Dagdag pa niya na kinalabit si Ate. Umoo lang kami. Pumasok na si Mama.

Wala kong gana talaga pero nabuhayan ako ng konti kasi aalis kami at kasama pa SIYA.

"May gagawin ako dun na hindi mo pa nakikita sakin." Bigla niyang sabi.

"ano?" tanong ko.

"Basta!" Ay takte! Ayan na naman ang salitang yan! Bakit ba naimbento pa yang mga salitang yan eh!

"Ano nga?!" Pangungulit ko.

"Basta nga!" Ay leche!

"ISA!"

"Basta surprise!" Ay hindi na ko nangulit pa kasi pagod ako.

"Ay, hindi na tayo matutuloy kasi sira yung ilaw ng sasakyan." Biglang sulpot ng Mama ko.

"Sige." Sabi ko nalang.

"Sayang, gagawin ko pa naman sana yung basta." Sabi niya ulit.

"Ano nga kasi yun?!" Nakaka-irita na. Sa lahat ng ayoko ganito. LAlo na... Ay naku!

"Eh wala na eh. Tsaka nalang." Sa inis ko pinalo ko siya ng ruler na bakal, take note dun pa sa sugat niya sa daliri tumama. Inis eh!

Inuulit-ulit pa rin niya yung tungkol sa basta. Hinila ko bigla yung kamay niya para kurutin kaso may hawak pala siyang ballpen kaya ayun, nasugatan siya. Brutal ba? Hindi naman sadya eh. Hindi ako 'to pag yan nawala sakin.

Naiinis na  talaga ko. HAnggang sa yung pagpapangiti niya sakin para mawala yung bad mood ko nauwi sa sigawan and woosh!! Magkagalit kami ngayon. Biglang walang pansinan.

Well kanina pa ko talaga wala sa mood, pinipilit ko lang mag-good vibes. Bakit? Una, naalala ko na naman kasi yung isang taong nag-alis sakin ng salitang pangako, babalik at mahal. Pangalawa, kahit saan ako lumingon puro couples tapos ako? Eto, nganga. Panu hindi ko man lang masabi kay Ro-ann na gusto ko siya. kamusta naman diba? Ang torpe kasi! Sows, wala naman akong pag-asa sa kanya eh.

...Kinabukasan

Lumabas ako para ituloy ang gawa pero ganun pa rin, wala pa ring pansinan. Nadala na kasi ako masyado ng inis ko eh. So eto kami, tahimik walang imikan. Pamaya-maya dumating yung kuya kasama si...Ate Funzel.

Pero dahil wala sa mood si Ate, wala lang sa kanya. Inutusan siya ng kuya niya magluto, pero hindi agad sumunod. Aish naku.

Pamaya-maya lumapit sa kanya si Ate Funzel, may pasalubong ata. Pero 'di rin niya pinansin. Aish naku. Lumapit ulit ang kuya niya, hindi ko na naintindihan pinag-uusapan nila kasi Waray na. Eh hindi pa naman ako ganong nakakaintindi ng Waray. Pamaya-maya pumasok si Ate. Wag ka, hindi simpleng pasok kasi hiniklat niya pabukas yung pinto. Oh tigress...

Hindi na ko nagulat, alam kong ganun siya. Pamaya-maya bumalik na siya, wala pa ring imik. Hays... This silence kills me! Tatlo lang kami nila Brad dito.

"Mainit ba Brad?" TAnong niya kay Ate.

"Sobra." Sagot niya na hindi man lang nililingon si Brad.

Pumasok nalang ako sa loob para maligo. Pero bago ako maligo tinext ko siya.

To: Ate Ro-ann Q > From: Spongebob

Ate, alam ko kahit hindi ka nagsasalit nahihirapan ka. Pero eto ako ate, makikinig ako sau, ddamayan kta. Wag moh dbdbin ate, wg moh srilinin... and2 q oh.qng ano mn yn handa ko makinig sau, lm q 2ngkol s pamilya moh pro kh8 nu mngyari pmilya moh p dn cla.

Pagkasend ko niyan naligo na ko. Hindi rin naman nagreply si Ate. PAgkatapos kong maligo, pinakiramdamn ko kung nasa labas ba siya. Pero may kausap siya eh, nag-aalangan pa tuloy ako lumabas. Ano ba kasi Vine?! Lalabas ka lang naman at mag-iintrada diba?! Bakit kailangan kabahn ka ng ganyan?!! Ok! Ok! Ok!! Lalabas na!

One, two.. Aish!! Ano ba?!! Sige. Kausapin ang sarili!...

Eto na talaga, bubuksan ko na yung pinto, lalabas na ko tutal may kausap naman siya.

Aish! Maglalako pala yung kausap niya.

Pamaya... umalis na yung maglalako. Mga ilang minuto pa rin kaming walang imikan.

"Vine, pabili nga ko ng soda tska biskwit." Bigla niyang sabi at wag ka, malumanay na yung boses niya.

"Pasok ka..." Sabi ko para makapamili siya. Ok ngumingiti ang kaluluwa ko. Pssh! Wag maingay baka mahalata niya.

NAtapos ang maghapon na magkaayos na kami. YEHAY LANG!! Ok na ulit kami. Nasabi na rin niya yung sa pamilya niya. Syempre bilang butihing ka-ibigan este kaibigan slash bunso, naintindihan ko siya at nandito ko para damayan siya. Kaya lagi ko sinasabi sa kanya 'Kaya mo yan! D'best ka eh!'

guys!!!!!!!!!! 1k na tau!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! Yehey!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! thank you talaga sa support!!!!!!!!!!!!!!!!

Fansign:

Cutie027

dedication:

Cutie027

-LesMsTeryosaPromdi

I Love You... . . .ATE Q?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon