Part 46:
...Kinaumagahan
Shems! Ang mugto lalo ng mata ko! Wala na ngang tulog umiyak pa ng magdamag! Diyos ko po!
Bakit kasi kailangan mo pa umalis. Pwede naman dito. Yan iyak na naman, hawak ko yung sulat na binigay niya sakin.
FLASHBACK
Magkikita kami ngayon, magpapatulong ako maghanap ng dorm dapat pero mas nagdecide kami na mag-stay nalang sa Luneta.
".,-sn k n?" Text ko sa kanya.
".,paals n.. kw?" Reply niya.
".,-paals n dn.." Sagot ko..
After some time..
Natatawa ako, nakita ko kasi siya naka-upo, nauna siya sakin. Naiiyak din at the same time. Ano ba yan! Iyak tawa!
"Kanina ka pa?" Tanong ko paglapit ko sa kanya. Gugulatin ko sana siya kaso hindi nalang, hindi naman siya magugulat eh.
"Kararating-rating lang din. Ang tagal mo." Sabi niya.
"Ay sorry. Nahiya naman ako at pinaghintay kita. Para ilang minuto ka lang nauna eh." Pangangatwiran ko.
"Oo na, masiyado." Sabi naman niya at nahiga ako sa hita niya. Miss ko siya eh.
"Teka, saan na pala yung sulat?" Tanong ko sa kanya. "Baka mawala mo na naman." Dagdag ko pa.
"Hala! Wala..." Tapos natatawa.
"Isa!"
"Eto na, binibiro lang eh." Sabi niya sabay abot ng letter. Yie!! Hahaha kilig much.
Yun lang at nagcuddles lang kami dun, kwento, at kung ano-ano pa. Sinusulit bawat oras at minuo na magkasama kami. Bawat segundo na kasama ko siya, kasi pag-alis niya? Grabe, sooooooooooooooooooobra ko siya mamimiss, mangungulila talaga ko ng sobra. Ayoko nang matapos ang araw na ito. Kung pwede lang humino ang oras.
"Uwi na tayo. Pagabi na din." Sabi niya.
"Maaga pa nga eh, maliwanag pa oh." Ayoko pa talagang magkahiwalay kami.
"Halika na. Wag na matigas ang ulo." Sabi pa niya.
"Ay naku.. Oo na, parang may magagawa ako." Sabi ko.
"Oo, tara na." Aya niya sakin.
... Sa jeep
"Malapit na kong bumaba,." Sabi niya. Magkatbi kami sa likod ng driver.
"Kaya nga eh." Malungkot kong sabi. Shit! Babagsak na ang luha ko.
"Dito na ko." Sabi niya bigla. Nakayuko kasi ako at nakahawak ng mahigpit sa kamay niya.
"Sige ingat ka." Pero hindi ko mabitawan ang kamay niya until kinailangan ko na talaga siya bitawan, parang pagpaparaya na kailangan niya muna umuwi.
At tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko. Binuksan ko na ang sulat niya.
Bunso ko,
Nagpapasalamat ako nakita kita at nakilala, masaya ako naging close tayo kasi dahil sayo natuto ako ilabas, ipakita sayo ang emotion ko at nasasabi ko sayo nararamdaman ko na di ko nasasabi sa iba, sa kabila ng pagiging palabiro ko, tumatawa na karaniwang nakikita ng iba sa akin pero nakita mo pa rin yung tunay na ako. Masaya ako naging parte ka ng buhay, ikaw ang pinakamagandang nangyare sa buhay ko, kahit may pinagdaanan tayo na hindi maganda, hinding-hindi ko pinagsisishan na nakilala kita. Noong naguumpisa palang tayo maging close, linagyan ko ng harang ang sarili ko para di ako maapektuhan kung sa ano mng mangyari, pero nakaya mo pa rin sirain yong harang na yon.
Alam ko mahirap para sa ating dalawa sa pag-alis kong ito. Hindi madali sayo at sa akin na magkakalayo tayo. Kung pipilitin ko yung gusto ko, oo nga masaya tayo pero hindi lubusan kasi daming hadlang, lalo na sa side ko, sa pamilya ko, sa kuya ko, lalo na sa sakit ko... Sana nga at malay mo dumating yung araw na magiging ok na ang lahat, na kaya ko na gawin at tuparin yung pangako ko sayo na wa humahadlang... Pero sana habang wala ako, mag-aral ka ng mabuti, tatandaan mo yung mga pipangako mo sakin para may dahilan ako para magsikap ako magpagaling... Sana lagi ka mag-iingat at wag ka gagawa ng bagay na ikapapahamak mo......
MAMISS KITA NG SOBRA SOBRA SOBRA............................
Ate Ro-ann
Wala na akong paki alam kung anong sabihin ng mga kasama ko sa jeep, sobra sobra sobra ang hirap ng pinagdadaanan ko. Wala kong paki alam kung anong itsura ko sa pagkaka iyak ko, wala sila sa pinagdadaanan ko. Sobrang hirap!
END OF FLASHBACK
GUN FIRING (Text Notification)
Nawala ako sa pagflashback at pagbabasa ng sulat niya nung tumunog ang cp ko. Sigurado ko siya nagtext. Nagpunas muna ko ng luha bago ko tignan ang phone ko.
Ro-ann: .,upai n aga, gcng n.. kain k n dn.. gayak n kmi.
Text niya sakin. Syete naman, para namang may maganda sa umaga ngayong aalis na siya.
Vine: .,-upai n aga dn, kumain k dn.. cge antay q tx moh..
Eto na naman po ang luha ko. Syete naman! Kelan ka mauubos?!
9 am ngtext siya na nasa bus na sila.
IM MISSING YOU (Call Alert)
"Hello." Sagot ko. Tumawag siya.
"Paalis na yung bus" Sabi niya. 'Di ako agad nakasagot. "Huy" Sabi pa niya.
"Pinaiiyak mo naman ako eh" Sabi ko ng maluha-luha. Pinipigilan ko talaga ang pag-iyak. Masakit na kaya mata ko.
"Tahan na, eto na talaga malayo na talaga ako." Sabi niya. Diyos ko! Kailangan ipamukha na dagat na ang pagitan namin?!
"Sige na, baka malowbat ka na." Sabi ko.
"Sige, text text nalang kita." Sabi niya at pinatay na ang phone. At kasabay nun ang pagbagsak ng mga luha ko. Wala akong ganang kumain. Wala ako sa sarili ko kahit man lang lumabas ng kwarto. Mas gusto ko magkulong at umiyak ng umiyak. Ang sakit sakit! Ang hirap!
Pasensya na po kung maigsi... sana magustuhan nio pa dn.. LAV YAH GUYS)!!!!!!!!!!!!!!!
vote comment and promote po!!! follow nio dn aq!!!!
LesMsTeryosaPromdi
BINABASA MO ANG
I Love You... . . .ATE Q?!
ספרות לא בדיוניתIf you both love each other... Both of you should hold on to that... Even against all odds. Always remember that love is boundless and gender-less. A struggle of one's true love.