Agatha
One week ng nakalipas, pero heto kami ni Jeff close na close. As in! In-short, mag best friend kami. Sobrang cute niya lalo na pag naasar siya. At yung lintik kong puso kung maka-tibok, wagas! Kung hindi kami siguro nagka-group sa isang subject, hindi kami magiging close neto e. Or the worst part is, hindi niya ako makikilala ng lubusan.
Flashback
"Okay mga anak, as you can see nandito ako because i'm going to discuss about your presentation for your performance task na kailangan niyong ma-pasa pagka-tapos ng midterm exam niyo. Yun lang, wala ba kayong tanong?" Whaat? Grabe naman si ma'am oh. First day na first day tapos heto yung papa-gawa niya samin.
"Ma'am"
"Yes Megan?" Ano nanaman kayang tatanong ng isang to? Sana lang yung matino. Naku kung hindi, mababatukan ko to. I swear.
"Can you make discuss to us if ano yung gagawin namin and by group po ba?"
"Hmm. Yes by group siya, but it is two pairs only. Parang sa love, bawal yung tatlo, baka masaktan lang yung isa"
"Ayun oh, humuhugot na din si ma'am" sabi ng isa kong kaklasi. Sabay tawa, kaya ang resulta? Napuno ng tawanan sa room.
"Oo nga ma'am, may pinagdadaanan ka po ba?" Patanong na saad ni Alex.
"Wala naman. Just don't mind me, can we proceed to the next question please?"
"Ma'am, pwede na po ba naming malaman kung sino yung magiging ka-partner namin para naman makapag-usap nakami?" Tanong ko. Mukha kasing ayaw ng pag usapan pa ni ma'am yun e.
"Buti natanong mo yan, kasi sasabihin ko na siya ngayon. Let's start to you Megan, ang magiging partner mo ay si John. Tapos ikaw Alex ay si Miguel, tapos ikaw naman Nathalie ay si Cedric and lastly, ikaw Agatha ang magiging partner mo ay si Jefferson tapos --- " Wala na akong maintindihan pa sa mga sinasabi ni ma'am dahil sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Mygash! At parang hindi pa ma-proseso sa isip ko na ang crush ko ang magiging partner ko! Hindi talaga ako maka-paniwala, sobraaa!
*end of flashback*
Mag mula ng nangyare yun, lagi ko na siyang nakakasabay na kumain pati na din ang mga kaibigan niya na ka-partner din ng mga kaibigan ko! Minsan mapapa-isip na lang ako na, Tadhana, bakit sobrang lupit mo? Dahan dahan naman oh! Nakakapag-halataan ka na e.
Tapos, lagi niya din akong ina-hatid sa bahay. Madalas nga is hatid sundo na niya talaga ako e, kaya ayun napagkaka-malan kami na mag-syota dahil daw sa sobrang sweet namin sa isa't isa.
"Tulala ka nanaman bess?" Bess? Ang sakit no? Yung taong mahal mo ay best friend lang ang turing sayo.
"Ano ka ba naman Jeff! Sabi kong huwag mo kong tawaging ganyan e" Pagalit na sigaw ko. Ewan ko ba, kung bakit hanggang ngayon hindi ko pa din matanggap! Siguro pag okay na at tanggap ko na atsaka na ako magpapa-tawag ng bess sakanya.
"Bakit ba kasi ayaw mo?" Clueless na tanong niya sabay upo sa tabi ko. Nandito kami sa favorite place naming dalawa at pati na din ng mga kaibigan ko. Remember nung first day? Don kami nag tambay nila Megan, Alex and Naths.
"Basta! Malalaman mo din pag...
"Pag ano? Pag tama na ang mali? Ano ba, Agatha? Kailan mangyayare yun? Para naman hindi na ako clueless. Kasi nahihirapan na ako e, mahal na ata kita" pagpuputol niya sa sinabi ko.
"Ano yung sinabi mo sa huli? Hindi ko narinig e. Lintik na sasakyan na 'yun!" Naasar na sagot ko. Huwag lang talaga papakita sakin yung may ari ng sasakyan na 'yun! Mapapatay ko yun.
"Wala! Hindi pa ata ngayon yung tamang panahon para malaman mo yun." Malungkot na saad niya.
"Ewan ko sayo! Wag mo kong ka-usapin" pagalit na sigaw ko sabay saksak ng headset sa cellphone ko then nakinig ng music.
"Sorry na oh, huwag ka ng magalit" paglalambing niya sabay alis ng headset sa tenga ko.
"Uyy kausapin mo naman ako oh" sabay yakap niya-- Wait? Hindi naman ako nananaginip diba? Hi-nug niya ko? Hi-nug ako ng taong crush na napunta sa gusto!
"Oo na, bitaw na"
"Ayaw Ko" parang bata na sabi niya.
"Bahala ka! Pag ikaw nahirapan, huwag mo kong sisihin baka masampal ko to sayong libro na hawak ko"
"Ang hard mo talaga sakin! Okay lang na mahirapan ako basta ba dahil sayo"
"Tigil tigilan mo ko sa mga ganyan mong banat Jefferson! Sinasabi ko sayo!" Pagbabanta ko sakanya.
"Heto naman, ayan na. Tinanggal ko na madam. Okay na po ba?"
"Oo, Tara bell na! Punta na tayo ng room baka ma-late pa tayo e"
"Tara" sabi neto, Sabay akbay sakin.
Habang naglalakad kami sa hallway may mga matang naka-tingin samin ni jeff and may mga nagbu-bulungan! Mga tao nga naman oh! Kung maka bulong parang hindi namin naririnig! Bumulong pa sila! Tsk *sarcastic*
"Sabi ko sayo, Sabina. Sila na e! Look naka-akbay si myloves Jefferson mo sakanya" Sabi ng alipores ni Sabina. Si Sabina lang naman ang isang patay na patay dito kay Jeff! Kung pwede lang mag award ng kakapalan ng mukha? Mapupunta yun sakanya. Ipag-kalat ba naman na sila na ni Jeff at heto namang mokong na 'to, hayaan ko na lang daw dahil alam ko naman ang totoo.
"It's not true girl, sadyang sweet lang yung myloves ko kahit nga sakin ginagawa Niya yan. And, mag best friend lang sila... Nothing more, nothing less! Got it?"
"Okay if you say so, basta huwag kang pakam-pante girl" pagbabanta niya kay Sabina, Sabay hila at alis.
"Haaaay"
"Ano problema mo? Yung mga narinig mo ba kanina? Huwag mo na lang isipin or pansinin yun Agatha. Alam mo naman na ikaw lang yung close sa mga babae diba? "
"Sige sabi mo e. Tara na, bilisan mong mag lakad, baka ma-late pa tayo" sabi ko, sabay hawak sa kamay niya at tumakbo papunta ng room.
YOU ARE READING
Secretly Loving You
Teen FictionMagiging masaya ba sila? Ano kaya ang magiging reaction ni Jeff? Magkakaroon kaya ng spark ang dalawa? Sino ang magugustuhan nya? Subaybayan niyo na lang kung ano ang mangyayari. Enjoyyyy