AgathaMonday, at ngayon ang araw na pinaka hihintay ko. Ang magkaroon ng pasok! Well, Hindi naman sa hindi ako nag e-enjoy sa bahay, sadyang gusto ko lang makita ang mga kaibigan ko. Huwag na natin isama si Jeff! Kasi naman, lagi siyang nandito.. Yung tipong bwiset na bwiset ka na! Hindi ka pa din niya titigilin pero worth it naman kasi lalambingin ka niya pagka-tapos, landi ng lola niyo! Haha
Mabalik tayo sa pasukan, nandito na ako sa school at hinihintay ang mga Bruha na dumating. Sa lahat ng ayaw ko, yung ganito e.. Naghihintay! Tss.
"Hi Mich. I'm so sorry if I'm late no? My driver kasi is so makupad magpa-takbo that's why na-late ako. Hihi"
"It is okay Megs. At list you came diba?" I assured her that is okay. Eh kesa naman sa mabilis pero baka ma-aksidente lang sila.
"You know what Mich, I'm so naaasar na to my driver.. I'm going to make tanggal him later" pagsusumbong nito sakin. But why? Hindi naman ata tama na gawin niya yun e.
"Alam mo, Megs. Hindi naman tama na ng dahil lang don ay aalisin mo na siya sa trabaho niya! It is not fair for him, what if kaya ayaw niyang bilisan kasi iniisp niya yung kaligtasan mo!" Pangangaral ko sakanya.
"I don't know Mich. Pero tama ka! Bahala na nga. Let's go na, we will wait them na lang in classroom." Saad nito sabay pagpag ng palda niya.
"Dito na lang tayo mag hintay Megs! Wala namang pinag ka-iba kung doon tayo sa classroom maghihintay e, hihintayin pa din naman natin sila" Hindi ko alam kung bakit ayaw kong umalis sa lugar na yun but sadyang mapilit si Megs kaya ang resulta? Sa room nga kami naghintay.
"Sorry, I'm late"
"It's okay Alex I'm also late din naman."
"Kailan ka pa naging maaga, Megs?" Tanong ni... Wait? Boses yun ni Naths ha? And ayun nga siya. Naglalakad palapit samin na ngising aso.
"I don't know, I only know that I'm maganda and sexy! That's it"
"Ewan ko sayo Megs" Saad ni Alex then pumunta na siya sa pwesto niya which is sa katabi kong upuan.
Bali ganito kami,
Ako-Alex-Naths-Megs
Dumating na si angel, kasama si rose na sinundan naman ni Dominic, tapos ni hancell na kasama ni JM and lastly, ang makapal kong bf na si Jeff!
Nagsipuan na ang lahat hudyat na nandyan na si ma'am.
"GoodMorning class. Still remember me?"
"Of course yes ma'am" sigaw naming lahat.
"How's your vacation?"
"It is okay naman po ma'am" sagot ng karamihan samin. But for me? It is okay but I'm not satisfied and I don't know why.
"Good to hear that! At dahil diyan, meron akong surprise para sainyo na hinding hindi niyo talaga makakalimutan" huling sabi niya bago mag-turo.
Well, naging maayos naman yung pagtuturo ni ma'am Kris at naintindihan naman ng halos samin. Kaya ang resulta? Mataas kami sa surprise quiz namin. Yes, surprise quiz. Mygash! Kaloka si ma'am! Akala namin kung ano yung surprise na tinutukoy niya. Yun lang pala.
Finally, natapos din at uwian na. Pero nagpasiyahan ng tropa na pumunta sm kaya ayun go lahat, pati si Jeff sinama ko. Traffic na traffic mygash! Pero buti na lang at nakarating din kami ng ligtas. Unang pinuntahan namin is jollibee! Ako nagyaya na don na lang kumain na sinang-ayunan naman ng iba. Yung ibang lalaki, kj! Sarap ipatapon sa mars. Lintik! But, nasakin pa din yung huling halaklak kasi sa jollibee kami kumain.
Nag-kwentuhan, nag-asaran at kung ano pa ang ginawa namin bago naming magpasiyang umalis na at umuwi. Mag gagabi na din yun, baka pagalitan pa kami ng parents namin lalo na ako.
"Girl, thank you for this day! I'm nag enjoy like ohmygash" text sakin ni Megs.
"Thank you din Megs." Reply ko naman sakanya.
Ang daming nag text but nireplayan ko naman sila isat isa para naman hindi sila mag tampo. Kaloka!
"San ka galing bata ka?" Tanong ng magaling kong ama. Well, kakapasok ko pa lang tas hindi ko expect na nandito na pala siya. TSS
"SM"
"SM?"
"Sa Malapit po. Bakit?"
"Kanina ka pa namin hinihintay! Bilisan mong mag bihis at mag saing ka tapos mag luto ka ng ulam para maka-kain na tayo.. Kababae mong tao, pala-gala ka--" ginawa ko yung sinabi niya at hindi ko na pinakinggan kung ano pang gusto niyang sabihin. Hindi ko din kasi magets yung ugali ng tatay ko! Minsan mabait, minsan naman... Never mind!
Nagbihis, nagluto at kumain kami ng sabay sabay pagka-tapos non umakyat na ako sa aking kwarto para makapag pahinga.
Haaay. It's a tiring day but it's worth it.
Kinuha ko yung cp ko at tinext si Jeff ng,
"Good night babe. I'm going to sleep na, I love you always"
YOU ARE READING
Secretly Loving You
Teen FictionMagiging masaya ba sila? Ano kaya ang magiging reaction ni Jeff? Magkakaroon kaya ng spark ang dalawa? Sino ang magugustuhan nya? Subaybayan niyo na lang kung ano ang mangyayari. Enjoyyyy